Sitti diagnosed with pneumonia and a form of scoliosis


Bossa Nova Queen Sitti is suffering from pneumonia and thoracic dextroscoliosis. For this reason, her September 7 show at the Mandarin Oriental Hotel has been cancelled.


Kagagaling lang ni Sitti nitong nagdaang weekend sa Cebu kung saan dalawang shows ang kanyang ginawa. Kahit na hindi masyadong okay ang kanyang pakiramdam, the trouper that she is, itinuloy pa rin ni Sitti ang kanyang pag-perform. As they say in showbiz, the show must go on.

Kasama at nasaksihan nga ng Philippine Entertainment Portal (PEP) ang performance ng tinaguriang Bossa Nova Queen sa dalawang magkaibang venue. Ang unang show ni Sitti ay sa Waterfront Airport Hotel noong August 31. Dito pa lang ay halata nang Sitti was not in her best element pero gayunpaman ay hindi naman ito naging dahilan para maging malamya ang kanyang performance.

Nang sumunod na araw ay nag-perform naman ang Bossa Nova queen para sa 30th PAL Intersports event na ginawa sa Cebu Convention Center. Kahit na may konting lagnat at ubo, Sitti did the best she could para makapaghatid ng saya.

Pagbalik ni Sitti sa Maynila noong September 2, nagpasya siyang tumuloy sa Las PiƱas Doctor's Hospital para magpa-check up kung saan ang kanyang naging attending physician ay si Dr. Cipriano delos Reyes. Ang resulta ng examination ng doctor at resulta kanyang chest X-ray: Sitti is suffering from pneumonia and thoracic dextroscoliosis. Ayon sa website na spinalinjuryfoundation.org, ang dextroscoliosis ay isang condition kung saan ang spine ng tao ay naka-kurba sa kanan imbis na sa kaliwa.

Matapos ang kanyang rehearsal noong Martes ng gabi saka nalaman ni Sitti ang tunay na kondisyon ng kanyang katawan ngayon. Hindi niya kakayanin na mag-perform. Pinayuhan si Sitti ng kanyang doktor na magpahinga para manumbalik ang condition ng kanyang boses at para na rin makapagpahinga rin siya.

Dahil dito, ang naka-schedule na concert ni Sitti sa Captain's Bar ng Mandarin Oriental Hotel ngayong Biyernes, September 7, ay kanselado na. Para sa mga taong bumili ng tiket para sa nasabing show, kailangan nilang papalitan ito ng tiket para sa show na naka-schedule sa Captain's Bar para sa September 21 performance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para sa inyong mga katanungan at iba pang concerns, mangyaring tumawag sa Ticketworld (891-9999), Music Museum (721-6725 or 721-0635) and Stonehouse (414-2798 or 721-6726).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN