Jessa Zaragoza releases new album, Pag Wala Na Ang Ulan; talks about family life

Ano ang inspirasyon ni Jessa Zaragoza sa kanyang bagong album? "Siguro yung ano pa rin…yung passion ko talaga. Parang natanong nga sa interview, nito lang, ano pa daw yung gusto kong marating sa career ko, sa singing career ko, sabi ko, honestly, kaligayahn ko na lang talaga na makapagrelease ng album, ma-share ko sa mga tao yung mga awitin ko," aniya.


Inirelease ni Jessa Zaragoza ang kanyang pinakabagong album na may titulong Pag Wala na Ang Ulan under GMA Records.

Sa July 17 press launch ng nasabing album sa Old Spaghetti House sa Timog, Quezon City, ibinahagi ng Phenomenal Diva at Jukebox Queen ang mga detalye tungkol sa kanyang latest record.

Naglalaman ito ng limang orihinal na kanta: “Ayoko Na,” “Napatawad Na Kita,” “Buti Na Lang,” “Nasaan,” at ang pinaghanguan ng title ng album, “Pag Wala Na Ang Ulan.”

Bukod sa original songs ay mayroon ding minus-one version ang bawat kanta bilang tugon sa request ng mga fans.

Ayon kay Jessa, “Lahat ng songs dito sa album merong minus one kasi nirerequest talaga sa ’kin yun nung mga supporters ko, mga fans ko na gusto nila merong minus one.”

Bago pa man daw ilaunch ang album sa Party Pilipinas noong Linggo ay naging number one na sa ilang mga radio stations ang carrier single niyang “Pag Wala Na Ang Ulan,” na isinulat ni Jimmy Antiporda.

Inilabas na rin daw sa YouTube ang music video nito na nilikha ni Raymund Isaac.

Ang kantang “Nasaan” na komposisyon ni Vehnee Saturno ay naging theme song din ng GMA-7 teleserye na Kung Aagawin Mo Ang Langit.

Ka-duet naman ni Jessa si Kris Lawrence sa awiting “Napatawad Na Kita,” na komposisyon din ni Jimmy Antiporda.

Samantala, ang asawa mismo ni Jessa na si Dingdong Avanzado ang nagsulat ng kantang “Ayoko Na.”

Itinanggi naman ni Jessa na may kinalaman sa kanyang pinagdadaanan sa buhay ngayon ang nasabing kanta.

“Alam mo, ang story nung Ayoko Na, ako nagbigay sa kanya ng title saka ng...kumbaga theme ng kanta.

“Sabi ko sa kanya [Dingdong], hon, pwede bang igawa mo ko ng kanta na parang ang sinasabi nung lyrics, eh, ‘ayoko na talaga…ayoko na…kahit anong gawin mo, kahit mahal pa kita, ayoko na talaga' parang ganun,” paliwanag ni Jessa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang papiliin si Jessa ng kanta na talagang nakakarelate siya, sagot ng singer: “Etong cut 5, ‘Buti Na Lang.’

“Pag narinig mo yung ‘Buti Na Lang,’ buti na lang, ikaw ang pinili ko…na buti na lang na ikaw ang nagpapasaya sa buhay ko. Parang something like that.”

Ano naman ang inspirasyon niya sa bagong album na ito?

“Siguro yung ano pa rin…yung passion ko talaga.

“Parang natanong nga sa interview, nito lang, ano pa daw yung gusto kong marating sa career ko, sa singing career ko, sabi ko, honestly, kaligayahan ko na lang talaga na makapagrelease ng album, ma-share ko sa mga tao yung mga awitin ko.

“Yun, yun talaga yung passion ko sa buhay,” sagot niya.

Nakakarelate ba siya sa bawat kantang inaawit niya?

“Oo, sobrang ano… Alam mo kasi pag kinakanta mo yung isang kanta, nilalagay ko yung sarili ko sa sitwasyon. In a way siyempre nagbabalik-tanaw ka dun sa mga pain.

“Hindi naman kailangang balik-tanaw kung sino yung taong yun…yung pain.

“Kaya nakakatuwa nga minsan, parang merong nag-approach sa ’kin na isang elder, sabi niya, nakakatuwa daw yung mga awitin ko.

“Kasi pag daw kumakanta ko, parang through my singing, my songs, nararamdaman daw niya yung luha nung awitin. So nakakatuwa yung mga ganun,” kwento nito.

FAMILY LIFE. Hindi naman tumanggi si Jessa na pag-usapan ang kanyang buhay pamilya.

May mga unos man daw na pinagdaanan ay maayos na ngayon ang pagsasama nila ni Dingdong na tumagal na nga ng 11 years.

Ibinahagi din ni Jessa kung paano nila inaayos ang kanilang buhay mag-asawa, “Ay naku, hindi madali ang pag-aasawa. Kailangan talaga…hindi lang love yung importante sa isang relationship para mag-work.

“Kailangan talaga yung respect nandyan… trust…totoo yan, kung ano yung nasa Bible. And I can say na kailangan talaga laging merong mas mataas sa inyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I mean, may relationship kayo sa Panginoon. Kasi kung kaming dalawa lang yan naku, sigurado magpapataaasan kami ng ego, you know, dahil siya si Dingdong, ako si Jessa.”

PLANS FOR A BABY. May balak na ba silang magkaroon ulit ng anak?

Pagbibiro ni Jessa, “Parang hindi pa ko ready tumaba ulit.

“Hindi, ah…May mga plano. Kaya lang, gusto namin. Sabi ko nga parang…gusto ko mas handa na talaga ko emotionally.”

May iisang anak pa lamang ngayon sina Dingdong at Jessa, ang siyam na taong gulang na si Jayda.

“Kasi siguro ngayon mas naeenjoy ko yung time namin together ni Jayda. Ngayon kasi nine years old na siya.

“Minsan pupunta kami ng salon, kaming dalawa lang. Minsan sinasabi niya, let’s have a mommy and daughter date. Kakain kami sa isang restaurant, kaming dalawa lang.”

Paglalahad ni Jessa, mukhang gusto daw manatiling only child ni Jayda.

“Alam mo si Jayda ayaw na niya magkaroon ng kapatid. Gusto niya sa siya lang. Siguro isang reason din yun.

“Hinahanda namin siya. Pati siya dapat kasi [ready] kung magkakaroon nga ng baby…pero nasa plano yan. Nasa plano yan…”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN