Sarah Geronimo misses a step on stage stairs, almost scorched by fireworks during repeat concert


Dahil birthday na ni Sarah Geronimo on July 25, pabiro niyang sinabi, “24 na ako, pwede na! Pwedeng pwede na ‘no?!” Naghiyawan ang crowd at biglang sabi niya, “Pwede na ako maging 25, tapos 26! Kayo talaga!”


Matapos ang successful concert ni Sarah Geronimo noong July 7 ay napuno niyang muli ang Smart-Araneta Coliseum noong Sabado, July 21, para sa Sarah Geronimo 24/SG The Repeat.


Ang concert ni Sarah ay umiikot sa kuwento ng kanyang tatlong kahilingan para sa kanyang birthday: ang family, freedom at love. Ang tutulong sa kanya upang makamit ang mga ito ay ang kanyang “Fairy Gay Mother” na ginampanan ni Jon Santos.

Gaya ng nauna niyang concert ay isinuot muli ng Popstar Princess ang mga likha ng Dubai-based Filipino designer na si Furne One.

Sinimulan niya ang concert sa awiting "Sweet Dreams" ni Beyonce at sinundan ng isang matindi at hataw na sayaw kasama ang G-Force sa kantang "Where Have You Been" ni Rihanna.

Sinundan ang full-force dance number ni Sarah ng heartfelt songs ni Adele na "Set Fire to the Rain" at "Rolling in the Deep."


Matapos ang unang set ay masayang masaya pinasalamatan ng singer-actress ang mga dumating sa repeat ng kaniyang birthday concert.

“Na-touch naman ako at kumpleto pa rin tayo,” sabi ni Sarah.

At talaga namang umiral ang pagiging natural na komedyante ni Sarah nang sabihin niyang, “24 na ako, pwede na! Pwedeng pwede na ‘no!” Naghiyawan ang crowd at biglang sabi niya, “Pwede na ako maging 25, tapos 26! Kayo talaga!”

Kinanta rin ni Sarah ang ilan sa kanyang mga personal favorites sa sumunod na set ng kanyang performance na "The Scientist" ng Coldplay, "Breakeven" ng The Script at "Jar of Hearts" ni Christina Perri.

Ang isa sa mga guests sa repeat concert ay si Sam Concepcion, ang grand winner ng Little Big Star kunsaan host dati si Sarah. Nag-perform din ang runner-up ng naturang singing competition na si Anja Aguilar.

Walang tigil naman ang tawanan ng audience sa paglabas ng komedyanteng si Jon Santos na gumanap bilang "Nanay JONesia." Nagbigay ito ng mga payo patungkol sa motherhood at binigyan pa ng personal message si Mommy Divine [nanay ni Sarah] na “If you love Sarah, set her free. If she comes back, may naiwan siya sa bahay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"BUWIS-BUHAY" NUMBER. Ang pangatlong set ng concert ni Sarah ay tinawag niyang "buwis-buhay."

Sa simula pa lamang ng kantang "And I Am Telling You" ay natapilok na si Sarah sa hagdan na binababaan dahil hindi nito napansin ang huling baytang ng hagdan.

Napaluhod man ang isang tuhod dahil sa pagkakatapilok ay hindi naman ito nagpaapekto at patuloy pa rin ang Popstar Princess sa pagbirit.

Totoo ngang buwis-buhay ang set na ito dahil aksidente rin niyang natapatan ang lugar kunsaan pumutok ang fireworks sa stage.

Wala namang seryosong injury na natamo si Sarah at nagawa pa niyang magpatawa matapos ang kanta.

“Thank you Lord! Akala ko hindi na 'ko aabot sa 24th birthday ko, buwis-buhay talaga yung prod na ‘yon!” kwelang sabi ni Sarah.

Pagkatapos ng nasabing buwis buhay na prod number ay sinamahan siya ng The CompanY ng pagkanta ng theme song at title ng kanyang blockbuster movie na You Changed My Life (2009).

Kumanta rin ng medley ang grupo ng "Pakisabi Na Lang," "Now That I Have You," "Muntik na Kitang Minahal" at "Everlasting Love."

Bilang kinalakihan ni Sarah ang '90s music ay kinanta niya ang ilan sa favorite niyang '90s song na "No Scrubs" ng TLC, "Let Me Blow Your Mind" ni Eve, "My Boo" ng INOJ, "MMMbop" ng Hanson at "Wannabe" ng Spice girls. Inamin rin ni Sarah na siya raw si Sporty Spice noong bata siya.

Ipinakilala rin, at kumanta kasama si Sarah, ang baguhang kasamahan sa Viva Records na si Anton Alvarez na isang singer-songwriter. Kinanta nila ang "Wish" na pinasikat noon ni Donna Cruz.

Lumipas na ang isang linggo mula nang ihatid na sa huling hantungan si Dolphy, kaya naman nag-alay si Sarah ng isang awitin para sa Hari ng Komedya. Kinanta niya ang paborito nitong "Smile" ni Charlie Chaplin, kung saan sinabayan ng AVP ng pictures ng yumaong komedyante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos ng pag-awit sa kinikilalang ama ng komedya ay ipinakilala naman ni Sarah ang kanyang Daddy Delfin bilang ang tao kung kanino niya namana ang boses niya. Kinanta nila ang "I Will Be Here" ni Gary Valenciano.

Pabirong sabi ni Sarah, “Sana pagbigyan naman tayo ni Mommy Divine.” At nagbigay pa ito ng sample ng mga paboritong kanta ng mommy niya tulad ng "Let it Be" at "Top of the World.”

Ibinahagi rin ni Sarah sa pamamagitan ng kanta ang kanyang birthday wish. Sa puntong ito ay kinanta niya ang "Sana Pag-ibig na Lang."

Nagbalik ang komedyanteng si Jon Santos bilang Senator Miriam Defensor Santiago at pinatawa nang husto ang audience.

Ilan sa mga pinalakpakang performance ni Sarah ang pagkanta niya ng popular hit na "Call Me Maybe" at ang OPM hit na "Anak" ni Freddie Aguilar kung saan kinanta niya ito ng rock version. Nagtayuan ang audience matapos ang number na ito dahil sa kakaibang performance niya.

Matapos ang rock performance ni Sarah ay sinamahan siya ng rock icon na si Bamboo upang kantahin nila ang "Iris" ng Goo Goo Dolls.

GERALD IS A NO-SHOW. Nang kantahin ng singer-actress ang "It Might Be You" ay walang tigil ang hiyawan ng Popsters at AshRalds dahil inaasahan nila ang pagdalo ni Gerald Anderson tulad noong July 7 concert. Ngunit noong July 21 ay wala ang aktor na very vocal sa pagsabi na gusto niya si Sarah.



Gaya ng naunang concert ay bumaba rin si Sarah upang lapitan at magpasalamat sa mga bisita tulad ni Gary Valenciano at ang asawa nitong si Angeli pati na rin ang anak nila na si Paolo.

Nagulat naman si Sarah nang makita niya sa audience ang ASAP co-hosts na si Sam Milby at Maja Salvador. Hinanap niya si Mark Bautista na namataang niyang kasama ang 2011 Miss World first runner-up na si Gwendoline Ruais. Nilapitan rin ni Sarah ang kanyang tinuturing na mga boss na sina Vic del Rosario at Cory Vidanes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Taos-pusong pinasalamatan ni Sarah ang lahat ng dumalo sa gabing iyon pati na rin ang mga taong tumulong sa kanya upang marating ang kinalalagyan niya ngayon. Kinanta niya ang mga popular hits niya tulad ng "To Love You More" at ang "How Could You Say You Love Me."

Nabanggit rin ni Sarah na sa 2013 na ang kanyang 10th anniversary sa showbiz at pinasalamatan niyang muli ang mga taong walang-sawang tumulong at sumusuporta sa kanya.

Pinasalamatan niya rin ang Diyos sa mga natamong success niya at ibinahagi ang Bible verse na nagmula sa Jeremiah 29:11 na nagsasabi: “For I know the plans I have for you plans to give you hope and a future.”

Ani Sarah, “I entrust Him everything, if He wants me to be with someone or He wants me to His.”

Matapos ang kanyang pasasalamat ay inawit niya ang "Only Hope" ni Mandy Moore at "I Look To You" ni Whitney Houston.

Bagamat halos non-stop ang performances niya sa 3-hour concert ay tila hindi nagbago ang energy level ni Sarah hanggang sa huli. Bilang pagtatapos, kinanta niya ang mga hit songs ni Britney Spears na "'Til The World Ends" at "Overprotective." Sinundan pa niya ito ng upbeat songs ng rapper-songwriter na si Nicki Minaj na "Starships" at "Super Bass."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN