Richard Poon releases The Crooner’s Songbook; transfers to Universal Records

Richard Poon recently released The Crooners Songbook, his last album under his record label for the past five years, MCA Music. The singer-songwriter is now moving to his new home, Universal Records.


Kamakailan lamang ay inirelease ni Richard Poon ang kanyang pinakabagong album, The Crooner’s Songbook, isang collection ng kanyang mga best-selling songs mula 2007 hanggang 2012.

Kabilang sa album ang mga awiting “Blue Moon,” “Kahit Maputi na ang Buhok Ko,” “Panalangin,” “I’ll Take Care of You,” at isang live version ng “The Way You Look Tonight.”

Paglalarawan niya sa album, “Uhm, ano siya…seemingly compilation siya but it’s actually 20 of the best-selling songs dun sa three albums.

“I have three albums already, the first just turned double platinum, the second, gold platinum na and the third, kakagold lang.”

Ayon pa kay Richard nirecord niya ulit ang karamihan sa mga kanta, ginawan ng bagong areglo, at maging ang pagkanta niya ay nabago rin sa album na ito.

“So, these 20 songs are the best nung tatlo na yun, pero ang kakaiba siya, kasi usually ang compilation…ah, yan yung…

“Parang, if you had the previous three, parang, bakit ka bibili niyan eh meron ka na? So ang ginawa ko, yung twenty songs, iniba ko.

“Nire-aarrange ko siya and then I got three live songs, wala kong live in the past albums, pinasok ko siya.

“So may live ka diyan na tatlo and then 85 % of the songs, siguro, 18 songs or 17, binago ko yung music,” wika nito.

Ito na ang magiging huling album ni Richard sa record label niya mula pa noong 2007 na MCA Music dahil lilipat na siya sa Universal Records (UR).

Ipinaliwanag ni Richard kung paano nabuo ang desisyon ito.

“Ang strength ng MCA is international. International ang MCA. Number one and Justin Bieber, Taylor Swift, Beyoncé.

“But ang local support, hindi ganun kalakas. Ang lakas ng UR locally. Look at Christian, from Warner, boom! Everybody’s…Gloc9 is now releasing, next week, Gloc 9, grabe.”

Sinubukan man daw siyang ipromote ng MCA sa international market ay sadyang sa mas mabenta raw si Richard sa mga Pinoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pamamaalam man niya ito sa kasalukukyang record label, proud si Richard sa kanyang bagong album.

Ayon pa nga sa kanya, “I believe, sa ka-OC-han ko, this is the best-sounding album I have.”

“Kasi for me, eto yung pinaka…eto yung pinaka sa 'kin parang, kung hindi mo ‘ko kilala, and then, pakinggan mo ‘to…

“Pag pinakinggan mo yung 20 songs, ang clear nung brand, eh. Sobrang clear nung brand.”

Ano naman ang pinakapaborito niyang kanta sa album na ito?

“Memorable song? Dami… dami. 'Kahit Maputi' siguro…pero ang dami…dami… Kasi lahat ng songs diyan are all favorites.

“Talagang I made sure na yung areglo, happy ako. Kasi may areglo akong ginawa nung 2008 na hindi ako happy. So, inulit ko siya ulit...'Moon River, Portrait.'

“So ang ganda nung feedback sa 'kin especially yung mga musicians…the legit musicians when they hear it, ang ganda ng ano mo ngayon ah…” kwento niya.

Para sa kanyang susunod na album sa Universal Records maari namang abangan ng kanyang nga fans ang pagbabalik ni Richard sa pagkanta ng pop.

“Sabi lang ni Kathleen [Dy-Go], Richard, why don’t we try something new. Kasi solid na yung market mo eh. Bigyan ka natin ng something—a twist, para maiba lang. So pop siya, pop,” kwento niya tungkol sa managing director ng UR.

“Kaya ang lahat ng songs dun actually, are all, not old pero classic. Michael Jackson, Madonna, Whitney Houston, Kenny Rogers…pero ang pagkakanta ko, pop.

“So bibilhin mo pa rin dahil, una, alam mo yung mga kanta, ikaw yung buying market…ah, si Richard to, eto yung market niya before, pero may something new. ‘Ay kinanta niya na parang swing…parang ballad niya kinanta.’”


TRACK LISTING (THE CROONER'S SONGBOOK).


All Of Me
Moon River
Blue Moon
Portrait Of My Love
Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko
The Way You Look At Me
L-O-V-E
The Last Time
Way Back Into Love
Fever (feat. Nina)
Panalangin
You And I
Complicated
Kahit Di Mo Napapansin
My Eyes Adored You(feat.Sitti)
I'll Take Care Of You
Kumot At Unan
That's All
All The Way
Beautiful As You

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN