Bea Binene launches debut album; says it's okay for performers like her to lip sync while dancing

Masayang-masaya si Bea Binene na inilabas na ang 5-track album niya titled Hey, It’s Me! Bea. Masaya rin ang Kapuso actress dahil nag-number two na ang carrier single niyang “Hey, It’s Me!” sa OPM at Overall category ng Astroplus.



Isa nang recording artist si Bea Binene.

Noong Agosto 14 ay ni-launch ang kanyang debut album na Hey It’s Me! Bea.

Ang kanyang 5-track album, na may kasama rin na minus one versions ng limang awitin niya, ay produced by Galaxy Records at distributed by PolyEast Records.

Matagal nang pangarap ni Bea na magkaroon ng album, ngunit hindi niya akalain na magiging mabilis ang proseso ng paglabas ng proyekto na ito.

Noong June ay nakipag-meeting sa kanya ang Galaxy Records upang sabihin kay Bea ang mga kantang napili na mapasama sa kanyang debut album.

Masaya ang GMA-7 actress sa oportunidad na ito ngunit medyo nabigla nang sabihin nilang sa July na ang release ng kanyang album.

Bago niya simulan ang kanyang recording ay nagkaroon siya ng isang session ng voice lesson kasama si Annie Quintos, na miyembro ng OPM band na The Company.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Bea, at dito’y ipinarating niya ang kanyang pasasalamat sa malaking oportunidad na ibinigay sa kanya.

“Thankful po ako sa Galaxy Records, kasi hindi naman po ako singer pero binigyan nila ako ng opportunity, binigay nila ‘yong chance sa akin, kaya nagpapasalamat po ako.

“At saka siyempre sa GMA for their support, and siyempre sa inyong lahat.

“Sana po tulungan ninyo ako sa bagong challenge, sa pinakabagong path sa aking career,” ani Bea sa press con na ginanap sa Bella Ibarra sa Quezon Avenue, sa Quezon City.

SINGING CAREER. Nabanggit na rin ng batang aktres ang “pinakabagong path” sa kanyang career, ibig sabihin ba nito’y tuluy-tuloy na ang kanyang singing career?

Natawa si Bea at saka sinabing kung bibigyan naman siya ng oportunidad na ipagpatuloy ang paggawa ng album ay hindi niya ito tatanggihan.

Isang magandang balita pa ang nakarating sa young Kapuso actress-host sa araw ng kanyang album launch.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa datos na ipinadala ng music store na Astroplus, nasa No. 2 slot na raw ang kanta ni Bea na “Hey, It’s Me” sa OPM at Overall category.

Tila hindi makapaniwala si Bea at tinignan pa niya mismo ang datos na ipinadala sa kanila.

“Nagulat po ako!” bulalas ng tween star na sa kasalukuyan ay junior reporter sa Good News with Vicky Morales na ini-ere sa GMA News TV.

“Nakaka-ano, nakakakilig. Kasi iba po ‘yong feeling na…

“Iba ‘yong feeling na ito ang rank mo sa TV at ito ang rank mo sa album, dahil sinasabi nga po nila, kasi sa TV nanonood suila, e, bubuksan lang nila ang TV nila.

“Itong album, mag-spend pa sila ng money to buy the album, mag-spend sila ng effort to go to the mall to grab a copy.

“So, sobrang overwhelming po, hindi ko expected parang wow!”

NEGATIVE CRITICISMS. Samantala, si Bea na rin mismo ang nagsabi na “hindi naman talaga ako singer.”

Kaya naman, ngayon pa lamang daw na kakalabas pa lamang ng album niya’y marami nang kumukwestiyon dito.

Inamin niya na minsan ay hindi niya maiwasang masaktan sa mga negatibong komentong ito ng iba.

Pero opinyon niya, hindi lamang daw nakikita ng mga taong ito ang “effort” na ginagawa niya.

Ani Bea, “Kasi bawat tao naman po siguro may mga haters, and ‘yong mga hindi ako masyadong love, siguro hindi nila nakikita ‘yong effort ko.

“Pero sa akin naman po, mas marami naman po ang nagmamahal sa akin. At saka bawat artista naman kini-criticize.

“Pero para sa akin, okay lang, it’s normal na kahit papaano nag-effort silang pakinggan ‘yong song and nag-effort silang isipin ‘yong masasabi nila sa kantang ‘yon.”

LIP SYNC PERFORMANCES. Bago magsimula ang presscon ay nagkaroon ng song at dance number si Bea ng kanta niyang “Urong-Sulong Ka.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami ang nakapuna na ilang bahagi ng kanta’y nili-lip sync niya.

Ang lip sync ay ang pagpe-perform, na kadalasan ay song at dance number, kung saan naka-record na ang boses ng nagpe-perform.

Kaya naman hiningi namin ang kanyang opinyon tungkol sa lip sync performances.

Pananaw ni Bea, wala namang masama sa mga ganitong uri ng performances, na madalas din napapanood sa ilang musical variety shows.

Paliwanag niya, “Kasi po minsan… halimbawa sa Party Pilipinas po, kapag kailangan ‘yong as in hataw na sayaw tapos kailangan mo kumanta, at the same time hindi ka pa gano’n kagaling kumanta, so mahirap din.

“Parang ako, mahirap po talaga, hindi na magiging maayos ang gagawin ko do’n dahil mahirap siya talaga. Kasi hindi naman ako parang si Ms. Rachelle Ann Go na kayang humataw at kumanta ng bongga.”

Kung sakaling siya ang kutyain dahil sa pagli-lip sync niya, ito ang masasabi ni Bea: “Ite-take ko po siya as… as challenge and parang tip para kung ano ‘yong napansin nila sa performance ko na ‘yon, hindi ko na gagawin.

“Para mas mapagbutihan ko pa sa susunod, para babaguhin ko kung ano napansin nila.”

TRACK LIST. Bukod sa kanyang mga revivals, isa sa mga highlights ng album ay ang pagdu-duet nila ng kanyang onscreen partner na si Jake Vargas sa kantang “Mahal Kita Walang Iba.”

Hindi raw nanghingi ng tips sa pagkanta si Bea kay Jake, na nauna nang nakagawa ng album sa kanya.

Narito ang mga awiting mapapakinggan sa Hey, It’s Me! Bea album:

1. Urong Sulong

2. Hey, It’s Me

3. Mahal Kita Walang Iba

4. Sayang na Sayang

5. Mahal Kita Walang Iba (duet with Jake Vargas)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN