Walang Hanggan Volume 2: The Official Soundtrack leads album sales


Ayon sa corporate communications department ng ABS-CBN, isa sa mga top-selling albums overall (foreign and local) ang Walang Hanggan Volume 2: The Official Soundtrack.

Ito ay base sa pinakahuling nationwide sales reports mula July 30 hanggang August 5, 2012 ng Odyssey Music and Video. Ang naturang album ay ang ikalawang edisyon ng soundtrack ng ABS-CBN primetime teleserye na Walang Hanggan.

Ayon pa rin sa ABS-CBN, ang repackaged album ng Walang Hanggan Volume 1 ay pangalawa sa pinakamabentang album sa nasabing music sales chart.

Tampok sa Walang Hanggan Volume 2: The Official Soundtrack ang mga bagong theme song ng mga karakter sa teleserye na sina Emily (Dawn Zulueta), Marco (Richard Gomez), Nathan (Paulo Avelino), Katerina (Julia Montes), at Daniel (Coco Martin).

Bahagi ng tracklist ng album ang "Pangako" ni Martin Nievera, "Gaano Kadalas ang Minsan" ni Christian Bautista, "Iisa Pa Lamang" ni Erik Santos, "Sana Maulit Muli" ni Aiza Seguerra, "Kahit Isang Saglit" ni Juris, at ang "Hanggang sa Dulo ng Walang Hanggan” ni Nina.

Samantala, matapos ang kontrobersyal na "saksakan" scene sa pagitan ng mga karakter nina Coco at Paulo kamakailan, sunod-sunod na explosibong tapatan ang nakatakdang gugulat sa lahat ng Walang Hanggan fans.

Tuluyan na nga bang maaagaw ni Daniel si Katerina mula kay Nathan? O may mas malalaking plano pa ang mga Montenegro laban sa kanya at sa kanyang mga magulang na sila Emily at Marco?


Bilang pasasalamat sa lahat ng kanilang fans, patuloy na dinadayo ng Walang Hanggan stars ang iba’t ibang sulok ng bansa. Ngayong Sabado (August 18), makikipag-bonding sina Coco Martin at Julia Montes kasama si Bryan Termulo sa mga Davaoeño sa NCCC Mall Activity Center, Davao City, sa ganap na 5pm.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN