"Pinoy Big Brother" Season 1 housemates to stage concert at the Araneta Coliseum

by Dinno Erece
Sep 11, 2007
Sam Milby (in photo) is arguably one of the most successful graduates of Pinoy Big Brother Season 1. The 13 housemates of the first batch of this reality show will hold their "thanksgiving concert" on September 15 at the Araneta Coliseum.

Maghahanda ng isang "thanksgiving concert" ang mga housemates ng Pinoy Big Brother Season 1 sa September 15 sa Araneta Coliseum. Ang naturang concert, na ihahandog ng libre para sa mga manonood, ay may titulong Housemates Season 1 - Tuloy Ang Buhay Sa Mas Pinalaking Bahay.

Dalawang taon na ang nakakaraan nang nagkasama-sama ang labingtatlong housemates sa Bahay ni Kuya. Sa darating na Sababo, muling magsasama-sama ang mga housemates ng unang batch ng PBB na sina grand winner Nene Tamayo, her runners up Uma Khouny, Jayson Gainza and Cass Ponti, first evictee Rico Barrera, JB Magsaysay, forced evictees Franzen Fajardo and Bob dela Cruz, evicted by choice Jenny Suico, Chx Alcala, Say Alonzo and replacement Sam Milby.

Free ang entrance ng show to be directed for TV by Johnny Manahan. Ang mga special guests nila ay sina Kim Chiu, Gerald Anderson, The Dawn, Rocksteddy, Cool Chicks, Jenny Miller, Aiza Marquez, Aaron Villaflor, AJ Dee, Rafael Rossel, Cristy Fermin, Jobert Sucaldito, Laila Chikadora, and other surprise guests.

Continue reading below ↓

Ang labingtatlong housemates ang nagconceptualize ng proyektong ito na may suporta ng Globe Asiatique, ABS-CBN at Star Magic.

Walang Pinoy Big Brother or "Kuya" sa titulo ng show at wala rin ang Endemol sa list of sponsors behind the show dahil hindi nakakuha ng permission ang mga housemates sa Endemol.

Si Nene ang tumayong spokesperson ng mga housemates na present sa press con na ginawa sa mismong Globe Asiatique office sa Quezon City noong September 10. Dalawa lang ang non-attendees, sina Jayson at si Sam.

"Actually po, matagal na namin balak gawin ito as a way of saying thank you sa ABS para makapasok kami sa showbiz," pauna ni Nene.

"‘Tapos, nang binisita po namin si Say sa SM Mega kung saan nagti-taping siya for a show sa kabila [Stars on Ice sa QTV-11], natuwa po ang mga nakakita sa amin na magkakasama pa rin pala kami. Nagtatanong-tanong sila kung kailan po ulit kami magkakasama-sama kaya mas lalong nabuo ang plano namin.

Continue reading below ↓

"Nang kinu-conceptualize na namin ito, nagtanong po kami sa ABS kung paano magagamit ang PBB. Ang sabi sa amin, sa Endemol daw po magtanong kasi sa kanila ang title. E, wala naman kaming access sa Endemol saka parang marami pang pagdadaaanang proseso kaya hindi na lang kami nagtanong."

Wala ring footages na ipapakita ang mga housemates noong nasa loob pa sila ng Bahay ni Kuya. Gayunpaman, malaki ang naiambag ng ABS-CBN to make the show possible kahit walang basbas ng Endemol na partner ng Kapamilya station sa nasabing reality show.

Ang Kapamilya Network ang tumulong na makakuha ng sponsors at ibang guests for the show. Tumulong rin ang mga handlers ng mga natitirang housemates na Star Magic na ayusin ang mga schedules para makapag-rehearse sila.

"Kahit paano naman po, kapag sinabing housemates, kami pa rin ang naaalala ng tao, nilagyan na lang namin ng season one kasi may season two housemates na," pagtatapos ni Nene.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sam Milby (in photo) is arguably one of the most successful graduates of Pinoy Big Brother Season 1. The 13 housemates of the first batch of this reality show will hold their "thanksgiving concert" on September 15 at the Araneta Coliseum.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results