Jon Santos will feature Manila through I ♥ Manila concert with The Company and Bo Cerrudo

Muling makakasama ni Jon Santos (in photo) ang The Company sa isang show, ang I ♥ Manila, na magaganap sa Music Museum on September 5. Makakasama din nila ang balladeer na si Bo Cerrudo.



Buong pagmamalaking sinabi ni Jon Santos na isa na siyang “tenor” singer.

Ito’y may “basbas” daw ng OPM group na The Company, na kumumbinse at nagturo raw sa kanya na malinang ang talento sa pag-awit.

Sinabi na noon ni Moy Ortiz, miyembro ng The Company, nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Enero ng taong ito, na matagal na nilang nakikita ang potensyal ni Jon sa pag-awit.

Aniya, “We try to convince and influence Jon in incorporating more musical acts in to his shows because we found out that he can more than just carry it, more than he even thinks.”

(CLICK HERE to read related article)

Ngayong marami na siyang shows na nagawa kasama ang grupo, at dahil na rin tinuturuan siya ng mga ito, masaya si Jon na madiskubre ang iba pa niyang talento.

Nakausap ng PEP si Jon noong Agosto 27, sa presscon ng I ♥ Manila (Kasi nga it's more fun in the Philippines) show, na ginanap sa Burgoo restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City.

Masigla niyang ibinahagi ang ilang aasahan ng mga manonood sa kanilang show.

“You will see me sing… you will hear me sing pala!” natatawang pagtatama sa sarili ng beteranong komedyante at impersonator.

“Fortunately, one of my teachers is in The Company. So may basbas, na kaya na daw akong tawaging tenor.

“Binigyan ako ng mga sarili kong portions, they’re giving me a little part.

“So, nagi-ilusyon ako na puwede akong kumanta-kanta nang konti. There’s also dancing, kasama namin ang Whiplash.

“So true movement, true comedy, true music, true costumes.”



THE MAGIC OF MANILA. Anim na costume changes daw ang gagawin ni Jon sa show na ito sa September 5.

Ang kanilang mga susuotin ay idinisenyo ni Eric Pineda, na biro pa ni Jon ay “will tinker with electric gadgets.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito’y dahil dadarating daw si “Be My Lady Gaga,” ang impersonation niya sa international singer na si Lady Gaga.

Manila-inspired ang show nilang ito sa Music Museum, dahil gusto daw nilang bigyan ng “break” at sulatan ng “love letter” ang lungsod na binabalik-balikan ng mga Pilipino.

Kahit pa maraming “unglamorous” na mga parte ang Maynila, para sa maraming Pinoy, ito raw ay nanatiling “charming, mysterious, funny and unique.”

Kaya naman sa pamamagitan ng kanilang palabas, gusto nilang magamit ang lungsod na bahagi ng kuwento sa buhay ng isang Pilipino, katulad ng mga nakikita natin sa pelikula.

Ani Jon, “Manila was a character in Bourne Legacy, di ba, sa sinehan, pagkasabi ni Rachel ng, ‘It’s in Manila. It’s in the Philippines,’ ‘Wooh!’ gumagano’n ‘yong mga Pinoy.

“Si Toni Rose [Gayda] binigyan ako ng kopya ng Anak Dalita. I saw the footage of Intramuros as a location used by Rosa Rosal, Tony Santos, and Lamberto Avellana."

Ina ni Toni Rose si Rosa Rosal, na gumanap sa Lamberto Avellana film na Anak Dalita, isang pelikulang laging naisasama ng mga kritiko sa anumang listahan ng Top 100 Filipino Films.

“So, kung ‘yong Sex in the City, parang New York was a character, in so many films, Manila was a character [in I ♥ Manila]— so Manila in film, Manila in food, Manila in architecture.”



THE COMPANY’S SURPRISE. Bukod kay Jon at The Company, makakasama rin nila sa show ang balladeer na si Bo Cerrudo.

Makikita sa kanilang show ang pagsasama ng talento ni Jon at The Company, The Company at ni Bo, at gayundin ang kina Bo at Jon.

Kung aabangan ng pag-awit ni Jon, pahapyaw naman ng impersonator tungkol sa performance ng The Company: “They’ll get out of their comfort zones.

“They will also show comic skills, the same way I have to be myself and lose the mask.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“They put on things they haven’t put on before.”

Abangan din daw ang pagdating ni “Pineapple De Ap of the Cross-Eyed Peas” at siyempre ni “Ate Vi.”

Panoorin sina Jon Santos, The Company at Bo Cerrudo sa I ♥ Manila show sa darating na Setyembre 5, sa Music Museum.

Tumawag sa Music Museum sa Tel. Nos. 721-0635 at 721-6726 upang makabili ng tickets.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN