Roberto Seña tries to distance himself from his famous parents by launching rock career


Dumalo ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launch ng self-titled debut EP ng bandang She’s Only Sixteen. Ginanap ito sa Centerstage Tomas Morato noong October 17.

Ang She’s Only Sixteen ay ang bagong bandang under Orion Entertainment at Universal Records. Lead singer nito si Roberto Seña, na anak ng theater icons na sina Robert Seña at Isay Alvarez.

Halos ka-edad ni Roberto ang mga kasama niya sa banda: parehong 20 si Roberto at ang bassist na si Anjo, at parehong 19 ang gitaristang si Andrew at drummer na si King.

Rock ang genre ng She’s Only Sixteen, at maihahambing ang tunog nila sa mga bandang The Strokes at Arctic Monkeys. Ang kanilang EP ay may kasamang 4 tracks at acoustic version ng kanilang unang single, ang "Dying To Meet You."

Sa panayam ng PEP kay Roberto matapos niyang tumugtog, ipinaliwanag niya kung bakit niya pinili ang rock kaysa sa theater kung saan sikat ang kanyang mga magulang.

Aniya, hindi raw niya iniiwasan ang operatic music. “It's not that I don't like it. I appreciate the music that my parents live out. I like it, it's just that I don't love it.”

Bukod pa rito ay hindi raw niya binalak na magtayo ng banda.

“I think that's coincidental na lang, kasi they have their own way of performing. Actually right after college, I want to pursue Law. Not music,” sabi niya.

Ang pagpili ng sariling genre ng pagkanta ay makatutulong rin daw para hindi niya gamitin ang pangalan ng kanyang mga magulang.

“I'm proud of them. But then, it would be cheap of me to use that as a clutch to get me fame. I prefer for it not to be this way,” saad niya.

Gayunpaman, sinusuportahan pa rin siya nina Robert at Isay. “Usually, more on the technical stuff, like with contracts and stuff. Wala akong alam about that, so I ask them about it.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MUSIC OVER STUDIES? Pare-parehong nasa kolehiyo ang mga miyembro ng She’s Only Sixteen. Sa katunayan, si Roberto ay kumukuha ng legal management bilang pre-Law. Pangarap niya raw kasing maging lawyer at magtrabaho sa gobyerno.

Ibig sabihin ba nito ay libangan lamang ang pagbabanda?

“It's a hobby that I enjoy. I'll make the most out of it; I'll squeeze out as much as I can. And if I'm tired, then, time to move on,” pahayag niya.

Aniya, “trip-trip” lamang raw nilang magkakaibigan ang pagbuo ng banda. Isang blessing para sa kanila na kunin sila ng isang label para ipag-produce ng isang album.

“All blessings from other people whom we've met along the way.”

So hindi niya gustong maging isang malaking rockstar?

“No naman,” sagot niya. “I mean, it would be nice, but then it's not my main goal in life.”

Bilang katunayan nito ay inamin niyang mas gusto niya ang pagsusulat at pag-produce, kaysa sa pagpe-perform.

“Honestly I prefer recording rather than playing live. They enjoy live, I more enjoy being in the studio, playing with the sound. That's more of what I enjoy. I'm not more of a live person because it's too raw for me,” pahayag ni Roberto.

Sa bagong EP ng She’s Only Sixteen ay may apat na kanta na isinulat ni Roberto. Aniya, ang mga kantang ito ay galing sa kanyang buhay. Ganito raw kasi siya magsulat ng kanta.

“I can't sit down and write. It's more of, through experience, like, I can't right if it didn't happen to me or to another person. And totoo yun yung sa train, minsan I think of something and then I record it on my phone so I don't forget,” paliwanag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN