Noel Cabangon will depict his journey through songs in his Tuloy Ang Byahe (The Repeat) Ngayong Pasko concert

Noel Cabangon (in photo) will have a repeat concert titled Tuloy Ang Byahe (The Repeat) Ngayong Pasko, which will be held at the PETA Theater, Quezon City on December 13 and 14, 2012.


“Buhay na buhay ang OPM,” at ito’y papatunayan ni Noel Cabangon sa repeat concert niyang Tuloy Ang Byahe (The Repeat) Ngayong Pasko.

Una nang naitanghal ni Noel ang concert na ito noong Setyembre 28 sa Music Museum.

Ngunit sa pagkakataong ito, bukod sa pagbabahagi ng kanyang tugtugin sa mga tao, ito’y bilang suporta sa PETA Endowment Fund campaign na 50@50: Take PETA Beyond 50.

Ang campaign na ito’y upang i-preserve ang “cultural work and unique creative programs” ng PETA.

Nabanggit ni Noel sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment media kahapon, Nobyembre 15, na mas “intimate” ang show niyang ito na gaganapin sa PETA Theater Center sa New Manila, Quezon City.

“I would say na mas gusto ko do’n sa theater kasi maliit lang siya.

“Although maganda rin sa Music Museum kasi when you’re one of the audience, makikita mo parang maliit ‘yung lugar but if you’re on stage, ‘yong perspective iba.

“But siyempre it [PETA Theater] can only accommodate like 400 people so mas intimate siya.

“So for me, mas challenging yung more intimate na… kasi you have to really relate with the audience parang personal na one-on-one.”

NOT JUST A CHRISTMAS CONCERT. Wala naman daw masyadong pinagkaiba ang Christmas concert na ito sa iba pang show na mayroon din ganoong tema.

Ang maipagmamalaki ni Noel ay ang mga makakasama niya sa konsyertong ito.

“Ang kaibahan ng concert na ito… siguro having guest artists from the industry na institution na like Jim [Paredes] and Buboy [Garavillo] of APO Hiking Society.

“Of course si Ogie, Ogie is now a very good friend of mine and kumpadre ko na rin kasi siya.”

Ang isa pang lamang ng show niya’y, “the way the music and the songs are arranged.

“Iba kasi ‘yong, halimbawa ige-guest n'yo ako sa isang Christmas concert, parang expected na kaagad, e… laging na agad may expectation.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikukuwento rin daw niya ang kanyang “journey” kasama ang PETA, kaya naman “it’s not really a Christmas concert.

“It is also a concert about my journey and paano din ako nag-journey together with the company that I’m helping right now, PETA.

“So kung paano rin kami nagtagpo, paano pinagtagpo ‘yong aming landas. And now we’re trying to make use of this opportunity for a greater cause, for a good cause.”

THE PERFORMANCES. Bukod kina Jim Paredes, Buboy Garavillo at Ogie Alcasid, makakasama rin ni Noel sina Aiza Seguerra at Gloc 9.

Ilan daw sa mga kantang aasahan ng mga tao’y “of course, yung mga kasama dun sa Tuloy ang Byahe album and going back to the first Byahe album, also the songs in between, the Panaginip album.

“And of course yung Christmas songs na naka-insert doon sa Panaginip because we did a repackage of Panaginip. We inserted four Christmas songs, three original compositions, and collaborations.

“‘Yong kakantahin namin ni Jim and Buboy, ‘yon surprise po ‘yon. ‘Yung kakantahin namin ni Aiza, surprise din ‘yon.

“Kami ni Gloc-9 kakanta po kami ng ‘Sirena,’ at kami ni Ogie ‘yong mga ginawa namin, ‘yong mga collaborations namin ni Ogie.”

Isa sa mga collaborations nina Noel at Ogie ay ang kantang “Bagong Pilipinas,” na tungkol sa pagtutulungan ng mga Pilipino na i-angat ang bansa sa kabila ng kanilang pagkakaiba.

Ang “Sirena” naman ay ang bagong single ni Gloc 9 featuring Ebe Dancel.

Mapapanood ang two-night concert ni Noel Cabangon sa December 13 at 14, sa PETA Theater Center sa New Manila, Quezon City, 8 p.m.

Maaaring bumili ng tickets sa PETA office at sa Ticket World. For reservations, tawagan ang Tel. No. 891-9999, 725-6244, 0917-5765400, o mag-e-mail sa petatheater@gmail.com


Address: PETA Theater Center, No. 5 Eymard Drive, New Manila, Quezon City



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN