Miguel Aguila releases self-titled album under Viva



Sixteen years old pa lang si Miguel Aguila pero pagdating sa pag-awit ay masasabing “seasoned” performer na ito. Three-times Aliw Awards Best Child Performer si Miguel mula 2004-2006 at na-elevate na lang siya sa Hall of Fame noong 2007.


Gumanap siya noon na Luling, anak ni Juan Luna sa Spolarium. Gayundin sa Palipat-Lipat, Pasalin-Salin bilang anak ng isang OFW Aides victim at ang pinaka-recent musical niya ay ang Song of Joseph kunsaan, gumanap siya bilang teenager at adult na Jesus Christ.


Narecognize na rin siya at nabigyan ng award ng iba pang award giving bodies tulad ng Asia Pacific Excellence Awards, Global Excellence Awards, People’s Choice Awards at iba pa.


Bata pa lamang, napapanood na si Miguel sa telebisyon.


Maituturing na isa siyang Kapuso noong aktibo pa siya sa pag-arte.


Nakita ngang muli ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Miguel kamakailan nang magkaroon ng album launch sa Max’s Restaurant at muling ipakilala ng Viva bilang isa sa pinakabago nilang recording artist.


Paano nga ba siya nagsimula sa kanyang showbiz career?


“Professionally, I started around 6 to 7. Nanalo po ako sa SM Star Club noong 2001. Nag-guest din ako sa mga movies at teleserye. Yung movies po tulad ng I Will Always Love You. Sa teleserye naman po, sa Mahika.


“Ako po yung young Dennis Trillo sa Majika. Then, Encantadia, Magpakailanman at sa iba-iba pa po.”


Huminto lang daw si Miguel sa pag-aartista at nag-concentrate na nga siya sa pagkanta.


“Awkward stage rin po kasi. Kaya nagpunta rin po ako sa States noong 2009, concert tour po yun ng D’ Angelos. Classical, pop, quartet na group po kami. Three years po yun na nagtu-tour kami. Back and forth kami sa U.S., Philippines.


“Gumawa rin po kami ng Asian mall tour.”


Pero dalawang taon pa lang daw si Miguel, kumakanta na siya.


Kuwento nga niya, “Dire-diretso na po yun, sa school, sa mall hanggang sa SM Star Club 2001.”


Ang self-titled album ni Miguel ay naglalaman ng 12 tracks na ang anim dito ay minus one. Ni-revive ni Miguel ang kanta ni Ariel Rivera na “Simple Lang.”


Ang iba pang nakapaloob sa kanyang album ay ang “Baby, I’m Yours,” “Iibigin Kita,” “Binibini Ko,” “Sobra Kitang Mahal,” at “Until You Forgive Me.”


Ngayon daw, plano na talaga ni Miguel na mag-full time sa kanyang singing career sa bansa. Mina-manage si Miguel ng Viva Artists Agency at gayundin nina Vehnee Saturno at Jesse Chua.


Pero kung may pagkakataon gusto pa rin daw niyang umarte.


“Right now, I’m focus with my singing muna po. But if there’s an opportunity, okay rin po beause I love to perform also.”


Ilan sa mga musical influences ni Miguel ay sina Gary Valenciano, Martin Nievera.


Para kay Miguel, mas gusto niyang i-enjoy and pagkanta kesa ang magpa-pressure rito.


“For me, there’s no pressure. I enjoy it so much, it’s more of play and I just love to share my talents to people.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN