Sponge Cola produces a “mature” sound in District; Sitti was tasked to rap for this EP

“Mature” music daw ang dapat asahan ng mga fans mula kina (L-R) TedMark Cruz, Yael Yuzon, Armo Armovit, at Gosh Dilay o ang bandang Sponge Cola, sa EP nila na District.


Bagong Sponge Cola na raw ang maririnig ng mga tao sa first extended play album ng grupo under Universal Records, ang District.

Inilarawan ng bokalista ng grupo na si Yael Yuzon ang bagong mga awitin nila na “mature.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press ang Sponge Cola noong Nobyembre 27, sa opisina ng Universal Records sa Universal Tower, sa Quezon Avenue, Quezon City.

“Yung sound namin dati high school, e,” paglalarawan ni Yael.

“It sounds very young, very fresh— it was very idealistic, yung persona na yun. Kilala ko yun dati, kilala ko pa rin siya ngayon.

“It just feels juvenile, back then kasi—in terms of process—we were doing a lot of quiet songs, ang gagawin namin yung gitara sobrang lakas. Kasi aliw na aliw kami ni Argo na mag-mic ng gitara, na to the point na kahit hindi kailangan ng maingay na gitara, maingay yung gitarang gamit, so I guess may juvenile element siya na ganun.

“Tapos ayaw ko sabihin na nag-mature, pero parang yun yung exact word, siguro nag-mature.

“Tapos ngayon nag-e-experiment naman, yun yung tingin ko from material before—juvenile, young fresh.”

COLLABORATIONS. Orihinal lahat ng kantang napasama sa District album ng Sponge Cola.

Pero hindi lamang si Yael ang nag-compose ng mga kantang ito. Ang dalawang kanta na ginawa niya ay “Fireworks” at “Pick Your Poison.”

Hindi naman nagpahuli ang kanilang bass player na si Gosh Dilay na nag-compose ng kantang “Mahaba Pa ang Gabi.”

Katunayan, gumawa sila ng bagong music video ng awiting ito, na inspired mula sa zombie invasion.

Hindi basta-basta ang music video na ito, dahil ilan sa mga kinuha nila para gumanap na zombie ay sina Noel Cabangon, Teddy Corpuz, Jed Madela, Diego Castillo ng Sandwich, at ang bandang Tanya Markova.

Samantala, sa ibang kanta naman tulad ng “XGF” ay katulong ni Yael si Los Magno; sa “It’s About Your Girl” ay nakasama ni Yael sina Los Magno at Sitti; at nilapatan naman ni Yael ng lyrics ang ginawang rhythm ni Armo Armovit sa kantang “Twelve.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mayroon isa sa press na nagtanong kung bakit si Sitti ang napili ng kanilang grupo na maka-collaborate sa kantang “It’s About Your Girl.”

Rap kasi ang parteng kinanta ni Sitti, isang bagay na bago sa pandinig ng marami.

Paliwanag naman ni Yael, “We wanted to get someone na hindi expected.

"People think it’s always bossa, pero alam ko naman na marami pa siyang kayang gawin and she was doing a play nung ialok namin na gawin niya ‘tong song.

“So parang alam ko na she can play parts, she can act it out. Kasi ang required for the song… kasi yung song na 'It’s About Your Girl' ang magiging persona ng girl.

“Di ba ginawa namin 'XGF,' so bale side ng girl yun, na parang sinasabi ng guy na, ‘girlfriend ko yung ex-girlfriend mo, parang teka lang, medyo awkward ‘to,’ yung girl sinasabi niya yung side niya.

“Kasi we’re random like that, na no one expected that we’ll come up with a recorded rap song.

“So we wanted to get someone who will surprise them, and I think it kind of worked.”

TRACK LIST. Narito ang buong track list ng bagong EP (extended play) ng Sponge Cola na District:

1. Mahaba Pa Ang Gabi

2. Pick Your Poison

3. Fireworks

4. XGF

5. It’s About Your Girl (XGF What She Said Remix) featuring Los Magno and Sitti

6. Twelve


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN