Ebe Dancel recalls his experience in Cotabato as a peace ambassador


Inilunsad kamakailan ng Warner Music ang bagong single ni Ebe Dancel titled Maligalig.This was taken from his solo album titled Dalawang Mukha ng Pag-Ibig. Sa nasabing event ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang dating soloist ng bandang Sugarfree tungkol sa kanyang career bilang solo artist.

Ayon sa singer, hinayaan niya ang kanyang record outfit ang siyang magdesisyon kung ano ang bagong single na ilalabas mula sa kanyang album. “It’s a choice between 'Maligalig' and another song. Ang 'Maligalig' ang pinili nila. Buong-buo naman ang tiwala ko sa lable ko,” pahayag ni Ebe.

Ano ang nag-influence o nag-inspire sa iyo para i-compose ang "Maligalig"?


“Dati kasi hirap akong makatulog. Parang paikot-ikot ka sa kama, kung anu-ano ang naiisip mo. Yung di problema nagiging problema tapos yung ibang problema lumalaki. Yun ang influence ng song,” pahayag niya about the song that he composed two years ago.

Last year ay nagdesisyon si Ebe to go solo. Sa tingin niya raw kasi ay nagawa na niya ang kailangan niyang gawin para sa kanyang dating grupo (Sugarfree) at panahon na raw para tapusin niya kung anuman ang partnership na mayroon siya with his former group.

“Mas comfortable ako na di na kasama sa banda,” dugtong pa niya.
Tinanong ng PEP.ph si Ebe kung nagkaroon ba sila ng problema ng kanyang dating banda. “Lahat naman ng relationship nagkakaroon ng problema. We were able to last 12 years. Pagdating sa problema, dumaan naman din kami roon. Napag-usapan ang mga problema at siguro sa tingin ko, mas magiging happy ako kung wala na ako sa group,” sabi niya.

GOING SOLO. Anong klaseng saya ang naidulot sa iyo when you decided to go solo?


“I have a very supportive label. Ang mga kasama ko sa grupo ngayon ay mga kabarkada ko, pag di kami tumutugtog, pag nasa backstage na kami, nagbibiruan kami magdamag. Simple pleasures. Ngayon nakakaikot na ako uli sa buong Pilipinas. Tinutugtog ko pa rin naman ang mga lumang kanta kasi nire-request pa rin ng tao. Dati ayoko pero hindi mo naman pwedeng i-ignore ang gusto ng tao na nagbabayad para manood ng show.”

Bakit parang ayaw mo sana kantahin ang mga dating kanta mo with your former band?


“Gusto ko kasi na kung magsisimula ako, I want to do it on a clean slate. Sabi ng mga kaibigan ko na mga dating musikero, ‘Ikaw naman ang nagsulat ng kanta. Ikaw naman ang kumanta bakit ayaw mo? Eh bahagi iyon ng buhay mo. Huwag mong itapon. Huwag mong ikahiya,” pahayag ng singer.



BEING A PEACE AMBASSADOR. Nahirang si Ebe recently bilang one of the peace ambassadors na itinalaga ng Malacañang. Nagulat siya dahil initially ay kinuha lamang ang kanyang serbisyo para gumawa ng kanta para sa peace process. Tapos nung gumagawa na siya ng kanta, inalok na rin siya para maging peace ambassador.

“Bakit naman hindi? Kasama ko rito sina Gloc 9, Karylle, Christian Bautista, Apl de Ap, The Azkals, marami kami. Hindi ako makapaniwala sa simula na kinuha nila ako sa peace ambassador pero nang matanggap ko ang formal word, naisip ko na kung ano ang pwede kong mai-contribute as peace ambassador.

“Kaya last month, pumunta kami sa Cotabato. Nakipag-usap ako sa Mayor doon, sa mga nakatira roon kung ano ang mga pinagdaanan nila nung may giyera roon at kung ano ang kanilang road to recovery. Proseso rin ito para sa akin kasi ang dami-dami kong natutunan sa labas ng mundo ko.

Dugtong pa niya, “Naging learning process ito para sa akin at hindi tumitigil. Pumunta rin ako sa Dumaguete for a songwriting workshop pero pagbalik ko ay nakipag-usap ako para malaman kung ano pa ang puwede kong gawin as a peace ambassador.” May mga projects daw na nais ipagawa kay Ebe bilang bahagi ng kanyang role as peace ambassador.

Nabanggit ni Ebe na idolo niya si Gary Valenciano.
“Kasi pag kumakanta siya, parang last gig na niya. Ganoon siya lagi, parang last performance na ang bawat gig. Marami akong napupulot sa kanya. Offstage, he is one of the nicest guys I’ve ever met. Very inspiring siya na tao. Nung mayroon akong pinagdadaanan, he would text me and say hold on. Napakabait niya na tao at kaibigan,” sabi niya.

Nakasama raw niya si Gary V nang mag-guest ang Sugarfree sa 25th anniversary ng singer. Doon daw sila nag-meet. At dahil sa yearly songwriting camp (which is spearheaded by Ryan Cayabyab), naging mas malapit ako sa kanya kasi kasama rin siya sa songwriting camp. Isang buong linggo kayong magkasama so magiging magkaibigan talaga kayo.”

Nagpahayag ang grupong The Fray na gusto raw nilang makipag-collaborate sa isang local band. Ano ang reaction mo rito?

“Why not? I am sure Filipino musicians would also want to collaborate with foreign groups. Magkaibang mundo iyan. Magkaibang pamamaraan so maganda na maupo kayo sa isang studio at matuto kayo sa isa’t-isa.”


Twelve years din si Ebe with Sugarfree. Ano ang kaibahan sa response ng audience now that he is performing with another band?

“Maraming supporters pa rin naman ang naiwan so dun nagpapasalamat din ako. Meron iba, sumama ang loob. Puso nila iyon so di ko naman madidiktahan kung ano ang maramdaman nila pero marami rin naman yung dati na parang galit tapos maririnig nila ang bagong kanta so mahuhumaling uli sa gig. Manonood sila. Tuloy ang ikot nang mundo.”

Pero nag-worry ka ba na ambivalent ang reaction ng crowd? “I was expecting that. Ganoon talaga,” sagot niya.


Pero happy ka sa iyong naging desisyon to go solo?

“Mas maraming bagay na dapat pasalamatan. Mas maraming bagay na dapat ikatuwa. Gaya nang sabi ko, tuloy ang ikot ng mundo.”

So hindi na maligalig ang mundo mo ngayon?

Napahalakhak si Ebe sabay sabi, “Oo nga. Oo nga.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN