YouTube sensation Abra creates original rap music for ABS-CBN's soap Juan dela Cruz


Naunang sumikat si Abra sa YouTube, kung saan ang kanyang rap song na Gayuma at naka-generate ng two million votes on its first week of posting.

November last year, nag-number one ito sa MYX Daily Top 10, MYX Chart, at Pinoy MYX Countdown.

Kilala siya ng mga kabataan na mahihilig sa Fliptop or rap battle, o sagutan at diskusyon gamit ang rap.

Ito ang naging basehan kung bakit siya napasama sa Original Sound Track (OST) ng ipapalabas pa lang na Kapamilya seryeng Juan dela Cruz na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Kahilera ni Abra ang singers na sina Martin Nievera, Jovit Baldivino, Bryan Termulo, at iba pa sa OST ng Juan dela Cruz.

Ipinanganak bilang Raymond Abracose, ang kanyang bansag ay mula sa unang apat na letra ng kanyang apelyidong.

Mukhang mahiyain si Abra pero noong nawala ito noong nagsimula siyang mag-rap kaninang tanghali, January 14, sa presscon na idinaos sa Alex The III restaurant sa Tomas Morato Extension, Quezon City, kasama ang ilan pang tao production crew ng serye.

“Ano po ang pag-uusapan natin ngayon?” bati niya sa sa media kasama ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos siyang ipakilala.

First time raw mapasama ni Abra sa isang collaboration na gaya ng OST.

“Bale yung ginawa kong kanta, inspirational siya at applicable siya sa story ng Juan dela Cruz.

“Applicable sa lahat ng Filipino, sa lahat ng kabataan at sa akin din…”

GOING MAINSTREAM. Ano ang naging reaction niya nang malaman niyang may gagawin siya for Juan dela Cruz?

“Medyo overwhelmed po kasi parang first time na gagawin ko yung ganitong klaseng bagay na susulat ako hindi lang para sa akin.

“Hindi lang para sa sarili kong music kundi para sa isang project na malaki.

“Siyempre hindi ko puwedeng balewalain kasi trabaho rin at ibang klase ring work ang ginawa ng mga gumawa ng Juan dela Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, it’s an honor talaga na maging parte rin ako ng… nito. So binigay ko talaga yung lahat sa pagsulat ng…”

Paano siya nag-start?

“Sa underground rap scene po. Tapos from there, gawa na nang gawa ng music. Tapos no’ng sumali po ako sa Fliptop, nabigyan ako ng mass exposure. Hanggang sa dumating yung mga projects and yun, nakilala na.

“Hindi ko naman po piniling mag-mainstream. Bale may paa pa rin po ako sa underground.

“Pero hindi ko naman po siguro kasalanan kung na-recognize siya. Siyempre wala naman po akong sinasaktan na kahit ano.

“Basta I’m just doing my music and since naging mainstream siya, parang thankful din ako dahil wider market siya.

“And marami akong… maraming makakarinig ng music and maraming mai-inspire na mga tao.”

Na-forsee ba niya na gagamitin ng isang TV series ang istilo ng kanyang pagkanta?

“Lahat naman po ng nangyayari ngayon unexpected. So, bale sa paggawa po nito hindi ako nag-sacrifice ng kahit ano. Style ko pa rin ang ginamit ko…

“Minake sure ko na may matutunan ang mga makikinig and makaka-relate po lahat.

Ang sumusunod ay ang ilang linya sa kanyang komposisyon na "Alab ng Puso" na likha niya para sa Juan dela Cruz.

"Isinilang sa mundo punumpuno ng pagdurusa/

Unang pagtanaw sa ilaw tumutulong dugo sa aking kamay patay aray/

Naku ibigay ang buhay ko na may kasabay pa na luha ni Inay…"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN