Jonalyn Viray says she prefers to be a solo artist; now preparing for her 8th anniversary concert

Jonalyn Viray says about being a solo artist: "Sayang din naman po kung ihihinto ko yung pagso solo ko at babalik ako sa pagiging trio, e, okay naman yung resulta ng solo ako."


After maging popular ang kanyang “Help Me Get Over You" na isa sa theme song ng hit GMA-7 teleserye na My Husbands Lover ay tuloy-tuloy na ang pagiging solo artist ni Jonalyn Viray.

Nag-kuwento si Jonalyn nang makausap siya ng PEP.ph sa kanyang matagumpay na September 8 mini-concert sa Imusix Place & KTV Bar, Imus, Cavite. Naging espesyal niyang panauhin ang tween star na si Teejay Marquez.


Tuloy-tuloy na ba ang pagiging solo artist niya?

“Yes, I think so sa nangyayari. I mean sa magandang nangyayari ngayon, kasi sayang din naman po kung ihihinto ko yung pagso solo ko at babalik ako sa pagiging trio, e, okay naman yung resulta ng solo ako.

“Kaya naman itutuloy-tuloy ko na yung pagso solo ko, kasi nandito na rin lang ako at tinanggap naman ng mga tao.

“Kumbaga po sumugal na rin lang ako at naging maganda yung result so ididiretso ko na kung hanggang saan man abutin yung pagiging solo artist ko.

“Basta I really feel blessed po talaga at sobrang nagpapasalamat sa magandang response at feedback ng mga tao sa kanta ["Help Me Get Over You"].

“Siyempre nagpapasalamat ako sa My Husband's Lover kasi mas naging wide yung exposure ng kanta.

“Mas marami yung nakakarinig dahil alam naman natin kung gaano kasikat ngayon yung show di lang sa Pilipinas maging sa ibang bansa.

“So sobrang lucky talaga ako at na include sa My Husband's Lover yung song ko para maging isa sa theme song nito.

“Tapos ngayon meron na rin siyang Music Video na napapalabas sa MYX at nag number 5 na ngayon sa daily top 10 so sobrang nagpapasalamat talaga ako most especially sa mga supporters sa Jonatics Barkada.

Ngayong nag hit ang solo album niya, may plano na ba siya for her next album?

“Yes, as early as now po maghahanap na kami ng bagong kanta kasi yung pag gawa ng album medyo kung ibibigay mo talaga lahat sa pag gawa ng album matagal na proseso, e.

“Puwede mo naman siya mabilisan pero siyempre mas gusto mo na yung content ng album mo talagang coming from the heart.

“Yung talagang gusto mo yung pinagpaguran mo talaga at dedicated ka sa proseso ng paggawa ng album mo."

Puro original compositions ba o revivals ang mga kanta sa album niya?

“Although sa ngayon po wala pa kaming napagpa-planuhan kung lahat ba original songs or revivals at wala pa namang concept, pero gusto ko talaga may kasamang original.

“At least may mga songs na nakikilala na masasabi mong sa'yo na ikaw mismo yung kumanta."

Magkakaroon ka ba dito ng duets sa mga paborito mong singers?

“Why not po, puwede yun."

If ever, sino-sino ang gustong maka-duet ni Jonalyn?

“Siyempre sila Ate Regs [Regine Velasquez], sa mga lalaki naman po sila Kuya Jay-R, Kris Lawrence kasi fan nila ako sobrang nagagalingan ako sa kanila at nagagandahan ako sa boses nila talaga.

“Gusto ko rin si Aljur [Abrenica] bilang lagi siyang best performer sa SAS [Sunday All Stars] sana maka duet ko din siya sa album.

“Natatandaan ko din yung sinabi ni Alden [Richards] na gusto niya ako makasama sa concert, kaya Alden sama ka na rin sa album ko! Hahaha!"

Anong reaksiyon ni Jonalyn na bukod sa mga babae at lalaki na nagugustuhan ang kanta niya, maraming gays na kinakanta ang kanta niya?

“Mostly talaga at listeners ng song ko nasa bading kasi nga naging theme song ng My Husband's Lover.

“Saka sa panahon ngayong sobrang wide ng market ng LGBT community, kaya nagpapasalamat din ako sa suporta nila sa song ko.

“Pero nakakatuwa din na sa Twitter ko, Instagram at Facebook hindi lang mga bading, kung hindi mga girls and boys na naka experience ng ganun sa relasyon.

May sarili ba siyang composition na isasama sa next album niya?

“Meron po akong nagawang kanta before na sinulat namin ni Kuya Brenan [Espartinez] pero hindi ko pa masabi kung mai-include siya sa next album.

“Pero hopefully po in the future mapasama rin at least para marinig din siya.

Anong title at tungkol saan yung song?

“Nakalimutan ko na, e, pero yung song tungkol sa relationship na yung naghiwalay kayo tapos hoping ka na magkabikan kayo, yung ganon.

Anong pakiramdam at makakasama si Jonalyn sa thanksgiving concert ng My Husband's Lover sa Araneta Coliseum?

“Yes, ang sabi po nila sa amin part daw ako ng concert sa Araneta sa October 12.

Gaano siya ka excited kasi this time solo na siya at hindi part ng trio na La Diva?

Kinikilig na napatili si Jonalyn ng “Ayyyy!"

Pagpapatuloy niya: "Sobrang saya at sobrang excited na ako at parang pakiramdam ko kahit guest lang ako, pakiramdam ko concert ko na rin yun! Hahaha!

“Tsaka this time nga solo lang ako, kaya nga hindi ko ma imagine, pero alam ko lahat mag eenjoy doon.

“For me, isang malaking party yun!"

After maging hit ang "Help Me Get Over You," ano ang naging pagbabago sa career ni Jonalyn?

“Paano nabago? Ayyy, siguro po since meron na ako ngayong song na nakilala, parang kahit saan ako magpunta nare-recognize nila ako.

“Tapos minsan kinakanta pa nila yung song ko 'pag dadaan ako, even yung mga friends natin sa ibang TV networks kinakanta nila yung song ko. Iba yung feeling, ang saya-saya.

“Masarap ang pakiramdam kasi naapreciate nila yung song ko, iba kasi 'pag kinakanta ng iba yung song mo at gusto nila nung song mo.

“Tapos mas marami akong naging friends na bading! Hahaha! Mas marami talaga, in fairness masaya naman sila kasama, love na love nila yung song ko nakaka relate daw sila. Hahaha!

“Talagang walang dull moment pag kasama sila.Tsaka ang na experience once na nagustuhan ka nila, talagang full support sila sa 'yo.

Gusto ba niyang magkaroon ng solo concert in the future?

“Actually this year magkakaroon ako ng 8th year concert sa Music Museum. Bale ika-walong taon ko na sa showbiz.

“Mangyayari ito sa November 29. Marami kaming magiging sorpresa sa kanila, from my songs at sa mga guests.

Speaking of guests, sino sino ba ang magiging special guests niya sa concert?

“May mga kinausap na rin po kami, pero hindi ko muna sasabihin para surprise.

“Mas maganda kasi na okay na lahat bago ko sabihin kung sino sino ang guests ko sa concert ko.

“Pero most of them sila talaga ang gusto kong makasama sa concert.

“Mas maganda kasi na naka plantsa na lahat bago ko sabihin at ia-announce, right now kasi inaayos pa rin namin lahat.

“Luckily naman most of the guests na gusto ko makasama nakausap na namin, at lahat naman sila um-oo at susuporta sa concert ko.

“Sobrang tuwa ko nga kasi ng kausapin namin sila they said yes! Kaya ang saya-saya talaga.

Anong aabangan ng mga manonood sa concert niya?

“Well siguro mas mature na Jonalyn when it comes sa pag peperform.

“Mas malaman when it comes sa pagbibigay ng interpretation sa kanta."

Magiging mas daring at sexy ba ang kanyang mga costumes?

“Siguro depende sa song, depende sa gagawin mong production number kung ano yung outfit mo.

“Kung yung song na ipe-perform mo nagre-require ng pagkamature ng pagka diva or sexy ganyan, siyempre dapat ganun din ang outfit mo.

“Basta siguro kung ano yung babagay, pero not too much naman na magpapakita ka na talaga ng sobra sobrang skin.

“Kasi ang ipinunta naman ng tao sa concert mo yung performance mo at selections ng songs.

One day concert lang ba ito?

“Oo, November 29 sa Music Museum, pero hopefully magkaroon ng repeat, kaya sana manood sila at suportahan ako."

Gaano ka happy si Jonalyn ngayon as a solo artist?

“Sobrang masaya po sa lahat ng nangyayari ngayon. Of course, hindi siya mararating ng basta basta lang, kailangang pag hirapan, kailangang dumaan sa butas ng karayom.

“And of course, kailangan mo din ng pagdarasal and faith na magagawa mo yun at mo yung pangarap mo at yun ang ginawa ko.

“Yung hindi mo basta basta maabot ng pangarap mo without hardwork tapos prayers. Siyempre parang isa rin sa importanteng bagay yung suwerte.

“Kasi pana panahon talaga, e, kung hindi mo panahon maybe someday magkakaroon ka din ng chance talaga.

“Saka pahabaan ng pisi, pag di mahaba ang pisi mo wala ring mangyayari.

“And pag mahaba yung pisi mo at gustong-gustoo mo yung ginagawa mo, kahit gaano kahirap yung pagdaanan mo as long as nasa puso mo talaga makukuha mo din yun," pagtatapos ni Jonalyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN