Eman Abatayo signs six-month contract with Dream Big Productions


TheIlonggo Pinoy Dream Academy scholar Eman Abatayo has signed a six-monthcontract with Dream Big Productions to become a songwriter. His newestcomposition titled "Merry Christmas... Break Na Tayo!" will be part of theChristmas album to be released this December.


Saapat na miyembro ng bandang CEBALO na binubuo ng former Pinoy Dream Academy scholarsna sina Panky Trinidad, Eman Abatayo, Davey Langit, at Yvan Lambatan, isa nalang sa kanila ang nag-renew ng contract sa Dream Big Productions.

SiEman Abatayo ng Iloilo City ay pumirma ng six-month contract with Dream Bigupang lumikha ng mga bagong kanta. Binili na ng Dream Big ang limang songs nasinulat niya para sa CEBALO album at maging ang 11 songs sa album na ni-recordng banda niya sa Iloilo. Gagawan na lang daw siya ng solo album niya usingthose songs.

AngCEBALO ay nakilala dahil sa pagkanta nila ng theme song ng Pinoy Big BrotherSeason 2. Ngunit nabuwag na ang grupo at naghiwa-hiwalay na silang landas. Ayon kay Eman, wala na siyang nababalitaan sa kanyang former bandmatesngunit ang alam niya ay bumalik na si Panky sa Cebu at si Yvan sa Baguio City.Ang taga-Baguio rin na si Davey naman ay kumakanta-kanta sa ibang bars atmay sarili na raw itong banda.

Kasamasa kontrata ni Eman ang pag-compose ng mga songs para sa ibang recordingartists ng Dream Big. Mas okey raw iyon for Eman dahil songwriting naman ang unang hilig niya.

"Magandaang naging usapan namin ng Dream Big. Kung okey lumabas ang lahat within sixmonths, pipirma ulit ako for another six months. Ngayon, may ilang songs silangpinapasulat sa akin at nakatapos na ako ng dalawa. Tatlo na lang ang tatapusinko. Enjoy [ako] kasi ito ang gusto kong gawin talaga."

Mayire-record nga raw ang kinontrata ng Dream Big na Christmas album. Ang sinulatat ni-record na song ni Eman ay may titulong "Merry Christmas... Break Na Tayo!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN