Eman Abatayo signs six-month contract with Dream Big Productions

by Ruel J. Mendoza
Oct 3, 2007
The Ilonggo Pinoy Dream Academy scholar Eman Abatayo has signed a six-month contract with Dream Big Productions to become a songwriter. His newest composition titled "Merry Christmas... Break Na Tayo!" will be part of the Christmas album to be released this December.

Sa apat na miyembro ng bandang CEBALO na binubuo ng former Pinoy Dream Academy scholars na sina Panky Trinidad, Eman Abatayo, Davey Langit, at Yvan Lambatan, isa na lang sa kanila ang nag-renew ng contract sa Dream Big Productions.

Si Eman Abatayo ng Iloilo City ay pumirma ng six-month contract with Dream Big upang lumikha ng mga bagong kanta. Binili na ng Dream Big ang limang songs na sinulat niya para sa CEBALO album at maging ang 11 songs sa album na ni-record ng banda niya sa Iloilo. Gagawan na lang daw siya ng solo album niya using those songs.

Ang CEBALO ay nakilala dahil sa pagkanta nila ng theme song ng Pinoy Big Brother Season 2. Ngunit nabuwag na ang grupo at naghiwa-hiwalay na sila ng landas. Ayon kay Eman, wala na siyang nababalitaan sa kanyang former bandmates ngunit ang alam niya ay bumalik na si Panky sa Cebu at si Yvan sa Baguio City. Ang taga-Baguio rin na si Davey naman ay kumakanta-kanta sa ibang bars at may sarili na raw itong banda.

Continue reading below ↓

Kasama sa kontrata ni Eman ang pag-compose ng mga songs para sa ibang recording artists ng Dream Big. Mas okey raw iyon for Eman dahil songwriting naman ang unang hilig niya.

"Maganda ang naging usapan namin ng Dream Big. Kung okey lumabas ang lahat within six months, pipirma ulit ako for another six months. Ngayon, may ilang songs silang pinapasulat sa akin at nakatapos na ako ng dalawa. Tatlo na lang ang tatapusin ko. Enjoy [ako] kasi ito ang gusto kong gawin talaga."

May ire-record nga raw ang kinontrata ng Dream Big na Christmas album. Ang sinulat at ni-record na song ni Eman ay may titulong "Merry Christmas... Break Na Tayo!"

Read Next
Read More Stories About
music
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Ilonggo Pinoy Dream Academy scholar Eman Abatayo has signed a six-month contract with Dream Big Productions to become a songwriter. His newest composition titled "Merry Christmas... Break Na Tayo!" will be part of the Christmas album to be released this December.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results