Jed Madela got an asthma attack while recording his “all-original” album under Star Records

by Joyce Jimenez
Apr 23, 2013
Jed Madela admits that it was hard for him recording for his latest album All Original under Star Records. He says singing with a “constricted” voice is hard for him, considering that he’s known for his powerful voice.

Pormal nang ini-launch ang debut album ni Jed Madela under Star Records, ang All Original.

Kailan lamang ay nilisan ni Jed ang kanyang record label na Universal Records, kung saan siya nanatili ng siyam na taon.

Bukod sa debut album niya ito sa bagong record company, ito rin ang kauna-unahan niyang album kung saan orihinal na mga kanta ang kanyang inawit.

Sinabi ni Jed sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press na “risk” talaga para sa kanya at sa Star Records na gawin ang album na ito.

“Honestly, I’ve been doing covers ever since,” wika ni Jed.

“I’m very happy that Star Records really took the risk to give me this very wonderful project. It’s risky but someone has to do it.

“Kaming mga [OPM] artists should start it also, coz you know, ‘yong listeners, ‘yong audience support what is given to them.

“So...uhm..somebody has to start na to bring back OPM, kasi nga they’re saying OPM is dead, for the past years ang laging namamayagpag puro foreign artists. So we’ll start reviving them by [writing] original songs.

Continue reading below ↓

“But I’m happy na unti-unti, madami na kami who come out with their original albums.”

Mayroon isang na-compose na kanta si Jed para sa album na ito: ang “Tanging Ikaw.”

Naganap ang presscon para sa album ni Jed noong Abril 19, sa Sir Boy’s Food Republique,sa Panay Ave.,Quezon City.

VEERING AWAY FROM "BIRIT" SONGS. Kung papakinggan ang mga awitin sa All Original album ni Jed, nakakapanibago dahil hindi lahat ng kanta ay matataas ang pagkaka-awit.

Nakilala kasi si Jed dahil sa pagiging belter singer niya, o iyong mga mang-aawit na sanay sa pagbirit ng mga kanta.

Masaya si Jed dahil nalaman niya sa kanyang sarili na kaya rin pala niyang umawit na hindi kailangan bumirit.

Pero pag-amin niya, “Nahirapan ako. I found it so difficult during recording, hindi ako sanay.

“Kasi siguro mas comfortable akong kumanta ng pambirit at tapon lang nang tapon lahat. So siguro mas comfortable, mas sanay na ‘ko do’n.

Continue reading below ↓

“So no’ng medyo constricted, na okay… hinila ko ni Jonathan [Manalo]. Sabi niya, ‘Dito ka muna sa baba, kasi ang concept natin sing-able ‘yong songs.’

“It was hard, it was hard.

“There are times na I have to stop in the middle of the recording, na parang na-exhaust ako ng pagre-record, may times na hinika pa ‘ko that I have to stop.”

Pero dahil nga mas mababa na ang tono ng kanyang mga awitin ngayon, “sing-able” o kayang-kaya na raw sabayan ng mga tagapakinig ang kanyang kanta.

“Kasi ‘yong mga songs ko okay lang sila pakinggan pero mahirap sabayan,” natatawang pag-amin ni Jed.

“So when we conceptualized the album, sabi ko, ‘Siguro ‘yon ang reason bakit hindi masyadong tumatagal ang songs ko, because hindi [nasasabayan] ng tao.’ So naisip namin, let’s put in songs na kaya sabayan.

“Also, ang konsepto ng album na ‘to, we are trying to bring back what OPM sounds like in the ‘80s.

Continue reading below ↓

“Pinlano [plano] talaga namin na ‘yong songs, not just good for the ears, kaya rin siya kantahin.”

REFRESHING. Matapos ang recording ng album ni Jed ay personal niya raw na pinakinggan ito.

At habang nakikinig ay pakiramdam niya’y “refreshed” siya.

Aniya, “Kasi ako personally, hindi naman sa ayoko nang bumirit, pero siyempre before, lagi ako bumibirit.

“Parang gusto ko medyo relax naman tayo nang konti, kasi nagiging no big deal na ‘yong pagbirit ko, ‘yon at ‘yon lang lagi, wala na akong ibang ginagawa.

“So when I listened to my album, I felt very refreshed, very relaxed.

“So parang gano’n ang feeling na hindi ako nape-pressure na paano kung hindi kondisyon ang boses ko sa mall show, ‘pag concert, di ba, kasi puro birit ang kanta ko.

“So at least mayro’n na akong songs ngayon na relaxed lang, pero maganda.”

TRACKLISTING. Samantala, narito naman ang mga kantang nasa All Original album ni Jed Madela, at ang mga composer ng bawat awitin.

Continue reading below ↓

1. Ikaw Na (Soc Villanueva)

2. Wish (Jonathan Manalo and Garlic Garcia)

3. When Love Once Was Beautiful (Genevieve “Biv” De Vera and Raizo Chadeldin)

4. Dito Lang (Francis “Kiko” Salazar)

5. Ipinapangako Ko (Christian Martinez)

6. Sa Habang Buhay (Wilson John Escaner)

7. Dalangin Ko (Jimmy Antiporda)

8. Will Forever (Jungee Marcelo)

9. Home To You (Trina Belamide)

10. Tanging Ikaw (Jed Madela)

BONUS TRACKS: Wish and Dito Lang

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jed Madela admits that it was hard for him recording for his latest album All Original under Star Records. He says singing with a “constricted” voice is hard for him, considering that he’s known for his powerful voice.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results