Is Vice Ganda pressured by success of Daniel Padilla's concert?


Ipinagmamalaki ni Vice Ganda na ang kanyang pangatlong major concert, ang I-Vice Ganda Mo Ko Sa Araneta, ang pinakabongga sa lahat ng nagawa niyang concerts. Magaganap ito sa May 17 sa Smart Araneta Coliseum.

Sabi ni Vice, “High-tech… bongga lalo yung opening. Sa lahat ng nagawa kong concerts, eto yung pinakabonggang opening number. Tapos maganda yung mga materyal nakakatawa. At saka bastos ako dito sa concert na ito. Kasi ganun naman ako sa comedy bar dati, parang nami-miss ko naman gawin yung naughty, yung kung anuman ang lumabas sa bunganga ko, yung hindi guarded.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang media si Vice sa presscon ng concert niya na ginanap noong May 6 sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound.

Gaano siya ka-involved sa konsepto ng concert niya?

“Sobrang involved. Sa lahat naman e, kahit sa mga programa ko sa telebisyon o sa pelikula, sobrang hands on ako. Pakialamera talaga ako. Kasi nga hindi ko magagawa… hindi ko pwedeng gawin ang isang bagay na idinikta lang o isinulat lang para sa akin pero hindi ko sariling konsepto o hindi ko sariling taste yung atake. Kaya lahat-lahat, e, may approval ko. Kailangan magtagpo kami nung direktor at saka ng writer. Lahat bago mangyari kailangan mabasa ko muna lahat, kailangan aprubahan ko. Pag hindi ko approved hindi matutuloy.”

Ilan ang inaasahang kakantahin niya sa concert?

“Actually, hindi po maraming-marami ang kakantahin ko. Kasi hindi naman po iyon ang strength ko, e. Kahit gustuhin ko man, hindi po talaga yung singing ang strength ko. Kaya ang kakantahin ko mga lima o anim the most na kanta. Pero sa kabuuan mas marami po yung gagawin kong daldal, puro daldal, patawa, ganun po.”

VICE GANDA THE TICKET SELLER. Noong May 3 ay si Vice mismo ang nagbenta ng tickets sa Araneta. Dinumog naman ito ng mga tao at noong araw daw na iyon ay nakabenta sila ng ng halos P500,000 worth ng tickets.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pareho namang kumita ang dalawang naunang major concerts niya. Bakit niya naisip na siya mismo ang magbenta ng tickets?

“Kasi gusto ko iyon. Kasi may takot din ako na baka hindi bumenta kaya noon pa lang naisip ko na iyan. Siyempre lahat ng effort gagawin ko para bumenta yung tiket ko. Sinasabi nga nila, ‘Natatakot ka ba?’ Sabi ko, oo natatakot ako. Araw-araw tuwing magsisimula ang Showtime pag tinawag ang pangalan ko, kinakabahan ako. Every single episode ng GGV [Gandang Gabi Vice] pag tine-tape ko, kinakabahan ako. Tuwing sasampa ako sa entablado, kinakabahan ako, lagi akong may takot. Siyempre gusto kong makasiguro. Ayoko na masyado kang relax, na ang yabang-yabang na bebenta iyan.

“Ako, bukod sa pagpo-promote ako na mismo ang magbebenta roon. At saka parang reward na rin ito, pagbabalik na lang din ng pabor doon sa mga bumibili kasi mas exciting yun lalo na para sa mga fans mo talaga na ikaw yung nagsukli sa kanila, ikaw yung tumanggap ng bayad. Bukod sa bumili sila ng tiket, nakita ka nila nang personal a nakapagpa-picture sila sa iyo. At saka magandang promo rin yun kasi yung ibang dumadaan sa Araneta, feeling ko wala naman silang balak bumili ng tiket noong oras na yun. Pero nung nakita nilang nagkakagulo na at may libre pang picture, mayroon pang TV coverage, pumila na rin. Kaya magandang promo rin.”

Dapat nga raw ay isang oras lang siyang magbebenta pero dahil nakita niyang mahaba pa ang pila ay tinapos niya ito hanggang sa abutin na siya ng gabi. Pero kahit napagod at sumakit ang balikat ay masaya raw si Vice dahil mas naramdaman niya kung gaano siya kahalaga at kamahal ng mga tao.

“Masarap din. Doon ko lalo na-appreciate yung bawat sentimong ipinambili nila ng tiket. Kasi ang daming pumila at bumibili ng tiket nung araw na iyon na… hindi naman sa panghuhusga pero hindi mukhang mayaman, yung ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May bumili nga ng worth P20,000 plus, nahiya ako. Sabi ko, nakakahiya kasi ang hirap ng buhay para ilaan nila sa iyo yung bente mil nila sa isang gabi lang na dalawang oras. Ibig sabihin ganun ka ka-importante sa kanila. Kaya nahiya ako at sabi ko, ‘Ay hindi ko pwedeng basta puchuin lang ito. Kailangan husayan ko talaga kasi nakakahiya.’”

SPECIAL GUESTS. Bongga rin ang mga guests niya sa concert na kinabibilangan nina Daniel Padilla, Enrique Gil, Paulo Avelino, Dawn Zulueta, Regine Velasquez at Ai-Ai delas Alas. Sa direksyon ito ni Bobet Vidanes, na direktor din ng It’s Showtime. Kasama rin si Marvin Querido as musical director at si Georcelle Dapat as choreographer.

Siya ba mismo ang pumili sa kanyang guests?

“Pinili po talaga… sila po talaga yung gusto kong makasama. Tapos nakakatuwa pa kasi hindi namin inakala na lahat sila mag-a-approve, lahat sila papayag. Kaya ang dami kong… ‘I-try mo si ganito. I-try mo si ganyan.’ Tapos trinay nilang lahat, tapos lahat um-approve. Ay, ang daming guests, nakakaloka. E, sabi ko naman, sayang kung hindi itutuloy. Ituloy nang lahat iyan, ako ang bahalang mag-adjust ng mga materyales.”

Nagbigay naman ng pahapyaw na pahayag si Vice sa gagawin niya kasama ang guests niya.

“With Ms. Regine magdu-duet kami. Meron din kaming gagawing number ni Ms. Dawn. Si Ate Ai originally meron kaming duet and showdown na parang sing and dance, yun po.

“Kay Daniel po may repartee lang po kami pero yung song number [with him] wala. Pero meron siyang spot number. Si Enrique, may repartee lang din po pero wala kaming song number. Si Paulo, bukod sa may spot number siya, kasama siya doon sa eksena naming dalawa ni Ate Ai parang siya yung pag-aagawan namin doon.”

ISSUE WITH DANIEL? Nilinaw naman ni Vice ang isyu sa kanila ng guest niyang si Daniel Padilla. May mga nagsasabi kasing nape-pressure si Vice para sa concert niya dahil naging malaking tagumpay ang birthday concert ng teen actor sa Araneta noong April 30.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay hindi, hindi dahil sa success niya. Ang sinabi ko ay hindi kami makakumpetisyon ni Daniel. Ang nakaka-pressure doon kasi siyempre sa hirap ng buhay tapos may dalawa kayong choices kasi halos magkasabay yung bentahan ng tickets namin. Tapos marami rin akong followers na followers din ni Daniel baka maghati. Pero hindi naman.”

BOYFRIEND WILL COME TO WATCH. Tinanong namin si Vice kung manonood ba ng concert niya ang kanyang non-showbiz boyfriend.

“Yes, manonood siya. Nasa seat number ano siya…” sabay tawa ni Vice.

Biro pa ni Vice, baka sa general admission niya raw paupuin ang boyfriend niya para hindi raw makilala ng mga tao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN