Alden Richards talks about his album containing 101 Facts You Need To Know About Alden



Tapos nang i-record ni Alden Richards ang kanyang kauna-unahang album produced by Universal Records. Ito ang kinuwento ng GMA-7 actor nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas kanina, Sunday, May 19.

“Self titled po siya,” masigla niyang pahayag tungkol sa kanyang album. “Parang magazine style po na…101 Facts You Need To Know About Alden.

“Ang release po nito ay sa May 26 na po. Kasabay ng launch na rin po nito sa activity center ng Trinoma Mall at 5 pm.

“Kaya happy po ako. And at the same time, excited na po ako kung ano ang magiging feedback sa album ko.

“Seven songs po ang laman nito. Six revivals. Tapos ‘yong isa was composed by one of the composers ng Shamrock.”

Bakit ngayon lang niya naisipang pasukin na rin ang pagiging recording artist? Kung tutuusin ay puwede naman agad agad nang nakilala na siya bilang promising Kapuso young actor.

“Ewan ko po,” sabay ngiti ni Alden.

“Parang right timing din po. Timing din lang po ang hinihintay ko.

“Kasi mahirap naman po ‘yong magpa-bigla-bigla. Baka mag-fail po.

“And… hindi ko naman po ini-expect talaga na magiging recording artist din ako. Marami pa po akong kailangang matutunan when it comes to singing.

“So, thank you po sa lahat ng sumusuporta sa akin.”

Paano niya pinaghandaan ang pagri-record ng kanyang unang album?

“Nag-workshop po ako sa singing. Binigyan po ako ng Artist’s Center ng workshiop sa voice. Mga five sessions po ‘yon with Kitchie Molina.

“And nakatulong po sa akin iyon nang malaki. Kasi before, ako, e, kantang ano lang… kantang bara-bara,” natatawang sabi pa ni Alden.

“Noon, hindi ko pa po alam ‘yong tamang breathing. ‘Yong tamang pauses. At saka ‘yong kung paano abutin ‘yong tamang notes.”

Kasunod ba ng pagiging recording artist niya ay ang pagku-concert na rin?

“Naku po!” sabay tawa ulit na reaksiyon ng binata. “Hindi ko po alam.

“Mahirap pong magsalita nang patapos pero… I’m hoping po. Sana. If ever na maging successful po itong first album ko.

“Isa rin po sa mga dreams ko ang magka-concert. Kasi parang ang sarap-sarap mag-perform sa isalang malaking… let’s say Arena na punumpuno ng mga tao na pumunta doon just to see you.

“Ang sarap pong mag-perform sa cheering crowd. Kaya dream ko rin po iyon. Sana po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahat ng pumapasok sa recording nag-i-aim na maka-gold o maka-platinum ang kanilang album. Gano’n din ba siya?

“Ako po, ma-reach ko lang ‘yong gold, okey na po ako do’n. Basta maging okey ang dating sa tao ng album at magustuhan nila para at least hindi naman po masayang ‘yong effort namin ng Universal.”

Magiging parte ba ng kanyang first album ang itinutukso pa rin at nali-link nga sa kanya na si Julie Anne San Jose?

“Umalis po siya. Ngayong araw na ito [Sunday, May 19] po siya umalis papuntang States for her concert.”

Wala ba silang nai-record na duet para sa album niya?

“Wala pong collaboration, e. Kasi hindi po nagkaroon ng arrangements with GMA Records.

“Kasi po, si Julie Anne ay sa GMA Records.

“Pero if given a chance… gusto kong maka-duet sana siya. Opo naman!

“Before pa lang po. Before I started the album, natanong ko siya. Sabi ko sa kanya, baka puwede na… if she’s willing to do a collaboration with me.

“Sabi naman niya… oo, sure. Tutulong pa raw siya sa paggawa no’ng song.

“Kaya lang po, hindi po nagkaintindihan ang Universal at GMA Records. That’s why… medyo hindi natuloy.”

Sa pitong awiting nai-record niya for his first album, meron bang particular song siya for Julie Anne?

Natawa ulit at tila nag-isip munang mabuti ng isasagot si Alden.

“Ano ba? Uhm…basta lahat naman po ng songs para sa kanya, e. At para rin sa lahat ng fans,” pa-safe na lang niyang sabi.

“Basta po para sa lahat ng nagmamahal sa akin ‘yong mga songs sa album ko.

“May dedication po ito sa likod. Basahin na lang nila kung ano ‘yong nakasulat do’n,” sabay ngiti na naman ng young actor.

Kung sakaling maging maganda ang resulta ng kanyang pagiging recording artist na rin, mas bibigyan na ba niya ito ng higit na atensiyon kesa sa acting?

“Wow!” muling napaisip ng isasagot si Alden.

“Kasi ako po talaga, first love ko ang acting, e. Pero hindi ko rin po alam kung gano’n din ang magiging tingin ko sa music as ngayon na nagsisismula na rin po akong maging recording artist.

“Hindi ko po alam talaga.

“Pero as of now po, mas lamang pa rin po ‘yong pagiging aktor sa akin.”

Isa si Alden sa itinuturing na pinakaguwapong bagong henerasyon ng mga male stars. Pero nananatiling zero ang lovelife at nangingimi pa rin siyang manligaw o kaya ay lumabas kahit on a friendly date lang.

Ngingiti-ngiting napakamot na lang sa kanyang ulo si Alden.

“Ay naku! Mahirap mag-commit as of now.

“Ang hirap masayang ng mga opportunities na ibinibigay sa akin ng GMA. At saka ‘yong iba pang good breaks na dumarating sa akin.

“Kagaya nga po nito, may album na rin ako. Tapos, maganda naman po ang takbo no’ng soap namin ni Louise [delos Reyes] na Mundo Mo’y Akin.

“Kaya… minsan kahit sa sarili ko, wala na akong time. What more pa sa ibang tao?

“So, ayokong mag-engage into a relationship na ang ending… wala rin. Mapapabayaan ko rin. Sayang.”

Kaya hanggang ligaw-tingin na lang muna siya sa ngayon?

“Hanggang gano’n na lang po nga muna siguro.

“Pero…I’m not closing my door din naman po. Iyon din ang lagi kong sinasabi. Kasi mahirap din namang magsalita nang patapos.

“Kaya kung sino man po, kung may dumating man na talagang hindi ko na mapipigilan ang sarili ko na ma-inlove sa kanya, e… we’ll see.”

May Julie Anne San Jose na ngang nali-link sa kanya. Tapos itinutukso din siya sa ka-loveteam niyang si Louise delos Reyes na ngayon ay wala ring boyfriend matapos na mag-break ito at si Enzo Pineda.

“Mahirap po, e. Mahirap pa.

“Nahihirapan pa po ako. Focused sa work. Trabaho po muna,” sabay ngiti ulit ni Alden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN