John Lapus admits feeling frustrated by his two-decade career in showbiz

John Lapus says about his two decades in showbiz: "I was able to survive for the very reason na I love myself, I believe in myself." The actor-comedian reminds today's stars that fame is "temporary."


Sa darating na June 15 sa Music Museum, gaganapin ang anniversary concert ni John "Sweet" Lapus para sa kanyang 20th year sa showbiz: ang Sweet In A Box.

Last Friday, May 31, ginanap ang scriptreading ng kanyang concert sa Kenny Rogers, Quezon Ave. sa Quezon City.

Ang isa raw sa dapat abangan ng mga manonood ay ang kanyang comedy skit kung saan gaganap siya bilang ang matalik niyang kaibigan na si Kris Aquino.

“Meron po akong character, si Kris Anino.

“So, dapat po nilang abangan si Kris Anino, yung character ko na yun, magreresign na siya sa showbiz.

“Tapos ia-announce niya na sa June 15 kung ano ang gagawin niya after niya mag-resign at iaannounce na rin niya na tatakbo siya sa 2016 elections as Vice-President.

“Tapos dun niya lang sasabihin kung sino presidente niya [and] sino senatoriables at sino yung magiging cabinet members.”

Bukod dito, isa sa mga kapuna-puna sa magaganap niyang anniversary concert ay ang monologue kung saan ilang malalaking pangalan sa showbiz and kanyang nabanggit na may kasamang pang-ookray.

Sagot ni Sweet, “Ako naman… usually naman my jokes are really based on reality.

“The fact na natawa kayo, kasi alam niyo na I don’t… sabi ko nga kanina, hindi po ako spontaneous na tao.

“Kaya ako, humahanga ako sa mga spontaneous na tao, katulad nina Vice [Ganda], Chokoleit, sanay ang mga ‘yan. Bigyan mo lang ng mic, showtime na.

“Ako, lagi akong may bala, e, hindi puwedeng wala.

(Read: John Lapus gives his take on Vice Ganda's "rape joke")

20 YEARS IN SHOWBIZ. Sa loob ng dalawang dekada, ano naman kaya ang mga natutunan niya sa lahat ng kanyang napagdaanan sa showbiz?

Sagot ni Sweet, “To love yourself.

“Sabi nga nila, di ba ang showbiz daw, minsan nasa taas ka, minsan nasa baba ka.

“Sa case ko, hindi lang ako nasa taas, nasa baba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Napunta ako sa gilid, sa likod, sa ibabaw, sa gitna.

“Lahat na yata ng pwede posisyonan [nagawa ko na].

“Buti pa yung iba, taas at baba lang. Ako, [sa] gitna, likod, di ba?

“But I was able to survive for the very reason na I love myself, I believe in myself.”

Aminado si Sweet na nalaos na siya kahit na tumagal ng dalawampung taon ang kanyang career sa showbiz.

Aniya, “Yes, admittedly nalulungkot na rin, nafu-frustrate ka rin.

“If you believe in yourself, you would know na whatever it is na pinag-dadaanan mo sa iyong career whether good yun or bad, it is temporary.

“Yan siguro ang bagay na dapat na sana malaman ng lahat ng artista.

“Specially ng mga kabataan na ‘Umayos ka, kung sikat ka ngayon. Temporary lang yan. Kung hindi ka pa sikat, wag kang mag-alala, dadating ang panahon mo.’”

SISTERLY ADVICE. Sa isang panayam sa TV host-comedian na si Vice Ganda, inamin nito na natatakot siyang malaos ngayon nasa tugatog siya ng kanyang karera sa showbiz industry.

(Read: Vice Ganda prays and wishes: “Huwag muna akong malaos talaga.)

Tinanong ng press si Sweet kung ano ba ang maipapayo niya kay Vice Ganda at sa mga sikat na artista ngayong tumagal siya sa industriya sa loob ng dalawang dekada.

Aniya, “Bilang ate, gusto ko sabihin kay Vice [Ganda] na wag ka dapat matakot dahil okay lang.

“Siya nga, swerte niya, malaos man siya, marami na siyang pera.

“Ako, nung nalaos ako wala akong pera.

“Ako yan yung pamantayan ko ng laos, e, tinatanong nila ako kung bakit ko daw sinasabing laos ako. Totoo naman.

“Ganito lang kasimple yan, ang artista, kapag nawalan ka ng trabaho nang hindi mo choice, nalaos ka.

“Si Dawn Zulueta, pinili na muna niya na walang trabaho kasi gusto niya mag-concentrate sa pagiging asawa at nanay. Hindi siya nalaos, it’s her choice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, bago ako nag-GMA na almost a year wala akong regular show, nalaos ako kasi hindi ko choice na nawalan ako ng trabaho.

“Minsan, yung ibang artista nagtatanong pano raw malalaman kung nalaos ka na, nalaos ka na pag wala ka nang trabaho.”

A NEW DIRECTION. Kwento ni Sweet, marami na siyang naging trabaho sa showbiz. Nariyan ang pagiging segment producer, TV host, actor, komedyante at marami pang iba.

Sa ngayon, isang bagay na lang daw ang nais niyang subukan at ito ang maging isang film director.

Kwento ni Sweet, “Directing is really something na kino-consider ko pero kailangan ko muna mag-aral.

“Tsaka inaano ko, sinasamantala ko muna yung pagkakataon ko na may ganda pa akong pinapakita sa mga tao.

“Film kasi is the best training ground for a director, e. Pag sa film ka nagsimula, tapos nag-TV ka, hindi na ganun kahirap. Mamaniin mo na lang.

“Unlike yung pag director ka TV, pag nagpelikula sila kailangan nila mag-aral ulit, e.”

GIRL BOY BAKLA TOMBOY. Speaking of movies, ngayong taon na raw gagawin ang Viva Films ang launching movie ni Sweet. Unang naibalita na siya ang magbibida sa comedy film na Girl Boy Bakla Tomboy na kalaunan na ibinigay ni Direk Wenn De Ramas kaya Vice Ganda.

(READ: PEP EXCLUSIVE. John Lapus on being replaced by Vice Ganda in Girl Boy Bakla Tomboy: "Trabaho ‘yan. Walang personalan diyan.)

Ani Sweet, “Ang sabi naman ng Viva, this year na daw yung aking solo launching movie.

“Nananawagan na nga ako sa Viva, e, na ibalik na sa akin yung Girl, Boy, Bakla, Tomboy tutal akin naman yun na bigay na concept ni Mother Mel del Rosario.

“But, whatever it is, naniniwala ako na kung ano ang para sa 'yo, mapupunta't mapupunta sa 'yo yun at mangyayari yun.

“So kung ano man yung ibibigay ng Viva na launching movie ko, na sabi nga nila this year, abangan na lang natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro ito, hangga't hindi nagshu-shooting, hindi ko muna ia-announce para hindi maudlot.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN