Alden Richards says he has received death threats from JuliElmo fans

Is it true that Alden Richards has received death treats from fans of Julie Anne San Jose and Elmo Magalona? "Meron po, pero hindi ko na lang pinapansin," admits Alden. "Gusto ko lang naman na malaman nila na wala akong ginagamit na tao at wala akong inaagaw na ka-loveteam."



Ngayong pinasok na ni Alden Richards ang mundo ng pag-awit ay nagbabalak din daw itong gumawa ng compositions na ide-dedicate niya sa kanyang yumaong ina at sa ibang ina sa mundo.

Sinabi ng GMA-7 singer-actor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na gusto din niyang magkaroon ng malaking concert para sa kanyang mga tagahanga.

Anong mga compositions na ang nagawa ng aktor?

"Right now wala pa medyo busy kasi very hectic ng schedule ko ngayon, pero plano ko talaga gumawa, siguro pag nagka oras makakagawa din ako," ani Alden.

"Baka magawa ko 'yan pag nagkaroon na ako ng second album, yun e, kung bibigyan ako ulit ng Universal Records. Pero sa ngayon wala pa akong idea, kasi ongoing pa naman yung promotion ko ng aking first album.

"Pero if ever na magkakaroon ako ulit, gusto ko may composition na ako, gusto ko 50 percent original songs, tapos yung iba revivals.

"Tapos gusto ko yung mga music na gagawin ko yung for relaxation lang. Pero gusto ko talaga yung mga kantang pamparelax , hindi maingay, yung kapag nadinig mo siya marerelax ka.

"Isang gusto ko pa ay makagawa ng kanta para sa mga mothers, most especially my mom, I really miss my mom."

Ang nanay ni Alden ay namatay noong 2008 dahil sa pneumonia.

Pagpapatuloy ni Alden: "Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na para sa mother ko at sa pamilya ko na rin ang ginagawa ko, mother ko naman kasi ang may gusto na nandidito ako.

"Gusto ko talaga siya alayan ng kanta at gusto ko ako ang gagawa ng kanta para sa kanya.

"Basta makakuha lang ang ng oras sisimulan ko nang gawin ang kanta para sa mommy ko at sa lahat ng mommy sa buong Pilipinas at sa buong mundo.

"Alam ko kasing marami akong ma-iinput sa kanta at mas mabilis kong matatapos kapag ang song na gagawin ko ay tungkol sa mommy ko.

"Basta gusto ko ang mga awiting songs from the heart, kung ano ang nilalaman ng puso ko, yun ang gusto kong marinig ng mga tao."

Kung makakagawa pa ng ikalawang album si Alden, gusto niya rin magsama ng ilang covers.

"Gusto ko rin isama sa album ko if ever yung kantang 'Passenger Seat,' favorite ko kasi yun.

"Pag pinakikinggan ko kasi yun very relaxed. Fan kasi ako ng mga pang relax na mga kanta at isa dun ang 'Passenger Seat.'

"Saka pag may problema yun lang ang pinapakinggan ko, narerelax ako at nakakatulog. Kumbaga nakakalimutan ko ng panandalian kung ano man ang problema ko.

"Bukod sa narerelax, pang anti stress ko na rin ang pakikinig ng ganung klase ng kanta, masarap sa feelings.


ON JULIE ANNE SAN JOSE. Matapos ang mga intrigang kinahaharap mo sa mga tagahanga ni Julie Anne San Jose at Elmo Magalona, okay lang ba sa 'yo na magkaroon ng collaboration ng kanta with Julie Anne?


"Siguro hindi po muna, mas maganda siguro na kapag magkaka album ako yung solo ko lang walang collaboration.

"Mahirap na kasi ayoko kasing mapagbintangan ulit na mang-aagaw ng kapareha o nanggagamit [ng tao].

"Ako naman kasi wala naman akong ginagamit na tao o gustong gamitin na tao para lang makilala o sumikat.

"Mas gusto ko na makilala ako bilang si Alden Richards at sa kung ano man ang meron ako at mai-o-offer sa industry.

"Mas magandang mapansin ako sa talent ko at hindi dahil sa may ginamit akong tao para lang marating ko kung ano man ang gusto kong marating.

Na trauma ka ba kasi parang ayaw mo na nadidikit kay Julie Anne o sa ibang tao at mas gusto mo na lang na solo?

"Ayoko na talaga kasi medyo magulo, ayoko po ng complications kasi, ahh, kasi mas healthy po siguro na magkaroon na lang ng separate paths.

"Para nang sa gayon wala ng masabi yung mga tao kasi alam mo minsan ang tira sa 'yo below the belt, nakaka-stress po.

"Kaya mas mabuti pong mag concentrate na lang sa kanya-kanyang [career] namin."

Totoo bang may natatanggap kang death treats mula sa mga fans ni Julie Anne at Elmo?

"Meron po, pero hindi ko na lang pinapansin," pag-amin ni Alden. "Gusto ko lang naman na malaman nila na wala akong ginagamit na tao at wala akong inaagaw na ka-loveteam."



DREAM CONCERT. Ngayong may album ka na, plano mo bang magkaroon ng solo concert?

"Sa ngayon wala pa talaga, ako naman kasi naghihintay lang, kapag may dumating iga-grab ko, pero pag wala pa maghihintay lang ako.

"Malay natin, biglang may makaisip na mag produce ng concert ko. Hahaha!

"Pero sana dumating, kasi gusto ko rin namang magkaroon ng sarili kong concert, lalo na ngayon na may album na ako at may sariling kanta.

"Basta ang gusto ko if magkakaroon ako ng concert, gusto ko yung mga songs ko pang relax lang para lahat ng manonood ng concert ko ang feeling nila na therapy after the concert.

"Thank you po sa lahat ng sumusuporta sa akin, thank you na binigyan nila ako ng chance na maipakita pa kung ano pa ang kaya kong gawin.

"Another angle, another side of Alden Richards when it comes to music naman at hindi acting.

"Malaki ang pagpapasalamat ko sa Diyos, sa fans at sa lahat ng sumusuporta sa akin, dahil kung hindi naman po dahil sa kanila, wala naman pong Alden ngayon."

If ever na magkaka concert ka, sino-sino ba nag gusto mong mga guests?

"Siguro si Ogie Alcasid, sana gusto ko rin si Sarah Geronimo, si Jonalyn [Viray] gusto ko malaman nila kung gaano kagaling ni Jonalyn pagdating sa kantahan, kasi sobrang galing talaga niya.

"Saka si Zendee Rose, kasi katulad ni Jonalyn, magaling ding kumanta si Zendee."

Nabilib si Alden kina Jonalyn at Zendee nang marinig niya ang performances ng dalawa.

"Wala lang kasi they have good voices. I heard them sing. Ang galing talaga nila, pang world class ang dating.

"So silang dalawa baka puwede mo maka-collab sa magiging second album mo.

"[Pero] hindi po siguro, baka kasi may mag-isip na ginagamit sila at dahil lang kumita dahil sa ganun, wag na lang po siguro, solo ko na lang.

"Mas okay na siguro na ako na lang, kumbaga solo effort."

Masaya ka ba sa personal mong buhay at sa tinatakbo ng career mo at parang ikaw ang maituturing na puwede nang itapat sa mga big stars ng ibang TV networks?

"Sobrang saya po, kasi sobrang daming blessings na ibinibigay nila sa akin [GMA-7], hindi ako nawawalan ng projects, masaya po.

"Wow! Siguro marami pa akong dapat gawin, alam kong marami pang kulang sa akin at matagal pa bago ko masabi sa sarili na puwede na akong itapat sa iba.

"Basta ako naman po, masaya na ako na may trabaho at ayaw ko na nakikipag kumpitensiya sa iba, basta happy ako sa trabaho ko at gagawin ko ang best ko para sa ibinigay nilang trabaho.

"Pero sa mga nainiwala na puwede na akong itapat sa ibang mahuhusay na actors sa ibang TV networks, maraming-maraming salamat po sa tiwala.

"Nakakadagdag self confidence pag nakakarinig ako ng ganong papuri, salamat talaga sa lahat ng naniniwala sa kakayahan ko.

"Yun din ang paraan para hindi ako magsawa sa sarili ko na matuto pa ng maraming bagay para sa ikauunlad ng career ko.

"At hindi ko hahayaan na masira ang tiwala ng tao sa akin na may acting po ako, kaya naman mas pinagbubuti ko pa ang craft ko lalo na't may mga naririnig akong magandang feedback sa ginagawa ko.

"Although may dumarating na mga issues, hindi ko na lang iniintindi. Wag na lang, ayaw kong ma-stress sa ganung klaseng bagay na in the long run mamamatay din, kaya naman hindi ko naman ini-entertain.

Paano mo iniiwasan ang stress?

"Dasal na lang saka as much as possible wag na lang magsasalita kasi mas lalong lalaki, once nasabi mo na yung side mo okey na yun after that wala na quiet na lang.

"Basta sana magkaroon lang talaga ng deep understanding yung mga manonood at yung mga supporters para okay tayo lahat.

Ano ang mensahe mo sa mga bashers mo?

"Hindi ko naman po kayo mapipilit na talagang gustuhin ako, pero sana maintindihan nila ako na ginagawa ko lang naman ito for trabaho lang, for the family lang.

"Respeto lang naman at the same time, ah, wala akong intensiyong manira ng kung ano mang merong ng nauna sa akin, sana maintindihan yun," madamdaming pagtatapos ni Alden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN