Bayang Barrios revives OPM songs for her new album Malaya



Patululoy daw na gagawa ng album ang isa sa maituturing na icon pagdating sa kantahan na si Ms. Bayang Barrios dahil niyang ipromote ang mga awiting makabayan at purely Pinoy.

Kuwento ito ni Bayang sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin siya sa DZBB 594 sa Radio Program ni Mr. German Moreno, ang Walang Siyesta.


Kamakailan ay nilabas ni Bayang ang kanyang studio album titled Malaya.

(Read: Bayang Barrios releases 5th album titled Malaya)


“Mas maganda kasing yakapin natin ang mga awiting OPM, kailangan malaman ng lahat ang ganda ng mga awiting Pinoy.

"Especially ng mga awiting makaluma, mga awiting kinakanta noon na puwedeng kantahin ngayon ng mga bagong henerasyon.

“Kailangan nating iparinig ang mga sinaunang kanta na hindi na nila maririnig kung walang aawit muli.

“Kaya naman sa latest album ko, mostly ng mga songs ay revivals ng mga matagal ng kanta, gaya na lang ng carier single ko na 'Gising na Kaibigan.' I think, 30 years na yung song.

“Hindi na inabutan yun ng mga kabataan ngayon kaya ini record ko ulit para naman iparinig sa kanila kung gaano kaganda yung kanta.

“And maganda kasi yung lyrics at gustong ipahiwatig ng kanta, na dapat tayong mga Pinoy magkaisa, gumising para magkaroon ng magandang bukas at hinaharap.

“Wag patulog-tulog dapat laging gising sa maraming bagay para maging maganda ang future natin at ng buong bansa.

“Tsaka yung mga songs kasi ngayon ibang-iba sa mga songs noon, ngayon minsan hindi mo na maintindihan yung sinasabi kanta na.

“Yung iba naman sigaw lang ng sigaw, kanta na.

“Noon ang mga kanta maganda ang meaning, iba ang lyrics, maganda ang melody at naiintindihan mo.

“Yun yung gusto kong iparinig sa mga bagong henerasyon ngayon, kung gaano kaganda ng mga awitin noon.

Halos lahat ba ng mga awitin mo ay tumatalakay sa kapaligiran o pulitika?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman pang kalikasan lang o pampulitika, nagkataon lang na yung mga awitin may dikit sa kalikasan like yung 'Ulan, Init.' Di ba ang weather natin ngayon biglang uulan at iinit, pa iba-iba?

“Kumbaga mga awitin na puwedeng mag bukas ng isipan ng ating mga kababayan na dapat pangalagaan natin ang ating kalikasan, para naman mapakinabangan pa ng mga susunod na henerasyon.

“Yung sa pulitika naman hindi ko naman masasabing patama o batikos, kasi hindi naman yun ang intensyon ko, kumbaga katulad ng sinabi ko dikit lang o puwedeng may tamaan kapag narinig yung kanta.

“Nasasa tao na kung anong interpretasyon ang ibibigay nila sa kanta, puwedeng sabihin nilang patama, pero puwede namang hindi.

“Basta ang sa akin lamang kasi ay iparinig at iparating ang nilalaman ng magagandang awitin noon.

“Kaya nga hindi ako napapagod na maglabas ng mga awiting sariling atin lalo na yung mga kantang sinauna na magaganda talaga.

“Kapag hindi na natin kasi ipinarinig yun sa mga bagong henerasyon sayang naman baka makalimutan na nila.

Ano ang pakiusap niya sa mga Pinoy music lovers?

“Pakiusap ko lang na sana suportahan nila ang mga album na katulad ng sa akin, para naman may mga susunod pang album ang puwede naming ilabas na naglalaman ng mga makalumang awitin na puwede rin namang magustuhan ng lahat.

“Katulad ng 'Gising na Kaibigan' na maganda ang airplay sa iba`t-ibang radio programs at ni rerequest na ng marami mapa-teenager o matanda.

“Kumbaga mahalin natin ang ating sariling awitin.

“Wala naman problema sa akin kung sinusuportahan nila nag mga makabagong awitin ngayon, kasi yun na ang trend lalo na ang mga foreign songs.

“Pero sana maglaan din tayo ng oras para pakinggan at suportahan ang mga certified awiting Pinoy.

“Wala naman kasing susuporta sa mga awitin natin kung hindi tayo-tayo lang at bonus na kapag nagustuhan ng ibang lahi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana maglaan sila oras para pakinggan ang album ko. Kaya support OPM, support Pilipino songs!" pagtatapos ni Ms. Bayang Barrios.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN