Pinoy singers emerge as world champions in WCOPA 2013; Cha Cha Cañete and Laarni Lozada among the singers who triumphed

Aldeza Dela Torre (wearing yellow) emerged as the Junior Grand Performer of the World while Beverly Caimen (wearing blue) was named Senior Grand Performer of the World in the 17th World Championships of the Performing Arts. Laarni Lozada (right frame) of Pinoy Dream Academy fame won four gold medals and one silver medal.


Nanalo ang Philippine delegation ng major awards sa 17th World Championships of the Performing Arts (WCOPA) na ginanap sa Los Angeles, California.

Nakuha ng Pilipinas ang dalawang pinakamataas na parangal sa WCOPA: ang Senior Grand Performer of the Year na nakuha ni Beverly Caimen at Junior Grand Performer of the World na nakuha naman ni Aldeza Dela Torre. Sina Beverly at Aldeza ay kinilala rin bilang Vocalists of the World sa kanilang divisions.

Ito din daw ang kauna-unahang pagkakataon na nakuha ng Pilipinas ang top prizes sa senior at junior divisions.

Ang delegation ay nanalo ng 106 medals—including 41 gold, 38 silver, at 26 bronze medals—sa prestihiyosong WCOPA na binansagang “World Talent Olympics.”

Lumutang ang husay ng mga Pinoy dahil halos lahat ng tatlumpung Filipino performers ay kinilala sa iba’t ibang kategorya. Walo ang masuwerteng lumaban sa finals na nakakuha ng gold, silver at bronze medals.

Kabilang na rito ang ilan sa mga kilalang TV personalities tulad nina Cha Cha Cañete, Laarni Lozada at Chivas Anton Malunda.

Ang Goin’ Bulilit star na si Cha Cha Cañete ay nakakuha ng dalawang silver medals: para sa kategoryang Female Vocal Gospel at Female Vocal Pop.



Si Chivas Anton Malunda, na dating scholar ng Pinoy Dream Academy, ay nanalo ng Gold medal sa Male Vocal R&B/Soul/Jazz category, Silver medal sa Male Vocal Rock category, at Bronze medal sa Male Vocal Open category.

Ang grand star dreamer ng Pinoy Dream Academy na si Laarni Lozada ay nakakuha ng 5 medals: Gold sa Female Vocal R&B/Soul/Jazz category, Gold sa Female Vocal Broadway category, Gold para sa Female Vocal Gospel category, Gold sa Female Vocal Pop category, at Silver para sa Female Vocal Opera category.


The Gollayan Sisters ang kinilala bilang Senior Grand Champion Vocal Group of the World samantalang si Reynaldo Gorospe ang nanalo bilang Senior Male Model of the World.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa ulat ng TV Patrol noong July 22, may limampu’t pitong bansa daw ang naglalaban laban, na kinabibilangan ng halos pitong daang libong performers ang nagtagisan sa WCOPA 2013.

Malaking karangalan naman para sa ABS-CBN singer na si Jed Madela na maluklok bilang kauna-unahang Pinoy sa Hall of Fame ng WCOPA.

Si Jed kasi ang kauna-unahang Pilipino na nanalo ng grand slam na parehong Grand Champion Performer of the World and Senior Grand Champion Vocalist of the World noong 2005.

Sabi ni Jed, “Nakikita natin na talagang naka-focus lahat ang buong mundo sa Pilipinas kasi siyempre naghakot na naman tayo ng awards.”


(Read: Jed Madela to receive Hall of Fame award at the 17th Annual World Championships of Performing Arts)


Ayon naman sa ulat ng Balitanghali ngayong araw, July 24, sinalubong daw ng palakpakan at sigawan sa NAIA 2 ang Team Philippines pagdating nito sa bansa kanina.

Kuwento pa ni Jed, “Sobrang saya at sobrang happy na kumbaga ay na-immortalize na ang Team Philippines sa history ng World Championships and umuwi kami lahat siyempre na may mga awards so I’m really really happy sa lahat ng suporta na ipinakita ng mga kababayan natin.”




Philippine delegation for WCOPA 2013



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN