The 12-track album "The Very Best Of Baywalk Bodies" now available


The Baywalk Bodies have released their newest album titled The Very Best of Baywalk Bodies.


Ni-launch ang bagong album ng Baywalk Bodies (BB) sa Don at Teban's Restaurant sa Morato kaninang tanghali, October 24.

Umaaasa ang media na makakausap nila ang kontrobersiyal BB member na si Palmolive Palma ngunit hindi dumalo sa presscon ang naturang sexy star. Si Palmolive diumano ang babae na kasami ni Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 housemate at modelong si Will Devaughn sa isang cell-phone sex video.

Hindi nakarating si Palmolive dahil nasa Australia siya, kasama ang ilan sa mga original members ng BB para sa isang series of shows. Ito ang dahilan kung kaya't halos mga baguhang members ng BB ang humarap sa mga reporters sa launch ng album nilang The Very Best of Baywalk Bodies.

Nang tanungin ang manager ng grupo na si Lito de Guzman kung walang bugawan na nagaganap sa kanyang mga alaga, sinabi nitong "Wala!"

Ayon naman sa mga members ng BB, hindi nila ginagaya ang Sexbomb, isa pang group composed of sexy dancers. Nang tanungin naman sila kung sino ang mas mahuhusay at mas magaganda sa kanila ng Sexbomb members, ang sagot ng mga girls ay depende na raw ‘yun sa mga tumitingin at nanonood.

Para raw siguro sa ibang tao ay mas mahusay ang Baywalk Bodies, pero tanggap rin ng BB kung may mga nagsasabing mas mahusay at mas sikat sa kanila ang Sexbomb.

Sa kabila ng hectic schedules nila for their shows at daily trainings ng sayaw at pagkanta, halos lahat ng miyembro ng all-female group na ito ay nag-aaral sa kolehiyo.

Ang mga members ng BB bukod kay Palmolive ay sina Michaela Espinosa, Camay Cojuangco, Jeanette Joaquin, Clarise Mercado, Dove de Vera, Rejoice Rivera, Kissa Kurdi, Wella Williams, Zest Zuniga, Lyna Leviste, Pantene Palanca, at Annalyn Abad.

Ang carrier single ng kanilang bagong album ay may pamagat na "Appear Disappear" na sinulat ng dating That's Entertainment member na si Chuckie Dreyfus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang ilan pa sa mga kantang nakapaloob sa album ng BB ay "Kiliti," "Bombera," "Bibingka," "Kilig," "Ang Pipiliin Ko," "Lollipop," "El Bimbo," at iba pa. Released ito ng LDG Productions and Entertainment Recording Co. at distributed ng Galaxy Records.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN