Charice receives warm reception at her first U.S. performance after coming out

Walang nagbago sa paghanga ng mga Amerikano sa talento ng Pinay singer na si Charice pagkatapos nitong umamin tungkol sa kanyang tunay na sekswalidad. Si Charice ang umawit ng U.S. National Anthem na "Star Spangled Banner" sa opening ng Major League Baseball Civil Rights game sa Chicago, Illinois noong August 24.


Naging mainit ang pagtanggap sa Filipino international recording artist na si Charice nang maimbitahan siya para umawit ng U.S. National Anthem sa opening ng Major League Baseball Civil Rights game noong August 24 sa Chicago, Illinois.

Bagamat marami ang nagulat sa bagong hitsura ni Charice, hindi iyon nakapagbago sa paghanga nila sa mahusay na pag-awit nito ng "Star Spangled Banner."

Ito ang ikatlong beses na inawit ni Charice ang "Star Spangled Banner" sa isang sporting event.

Una noong 2009 sa laban ng LA Dodgers at San Francisco Giants. Pangalawa noong 2011 sa laban naman ng Jacksonville Jaguars at Tennessee Titans.

Bukod sa pag-awit ni Charice sa opening ng MLB Civil Rights game, nag-perform din siya sa MLB Beacon Awards na ginanap sa Chicago Marriott Downtown Magnificent Mile Hotel.

Kinanta niya rito ang "A Change Is Gonna Come" bilang tribute sa Queen of Soul na si Aretha Franklin at sa All-Star athlete na si Bo Jackson.

Ang past recipients ng MLB Beacon Awards ay sina Frank Robinson, Hank Aaron, Willie Mays, at Ernie Banks na nasa Hall of Fame na.

Natanggap din ang award na ito nina Muhammad Ali, Harry Belafonte, Bill Crosby, at Morgan Freeman dahil sa kanilang humanitarian work.

Ito ang simula ng pagbiyahe ulit ni Charice sa ibang bansa pagkatapos ng kanyang revelation na siya ay isang tomboy.

Naisadula sa drama anthology ng GMA-7 na Magpakailanman ang paglahad niya ng kanyang tunay na pagkatao sa kanyang pamilya at sa publiko. Si Charice mismo ang gumanap sa kanyang sarili.

Bago lumipad si Charice patungong Amerika, nasabi niya sa isang interview na excited siya sa kanyang dadaluhang event dahil iyon ang first time na makikita siya na iba na ang kanyang hitsura.

“I'm very excited kasi ite-televise yung performance ko na mag- a-appear, you know, since nag-come out ako.”

Nabanggit din ni Charice sa naturang panayam na baka magkita ulit sila ng kanyang dating manager and mentor na si Oprah Winfrey na a-attend din sa MLB Beacon Awards.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN