Marion Aunor, Nora Aunor's niece, wants to establish her own identity

“Ipinagmamalaki ko na ma-compare kay Tita Nora dahil isa po siyang legend sa music at movie industry pero hindi ko po siya gagamitin para sumikat. Gusto ko pong magkaroon ng sariling identity,” says Marion Aunor (in photo), the niece of Superstar Nora Aunor.


Dream come true para kay Marion Aunor ang kanyang pagkakaroon ng self-titled album under Star Records na available na ngayon sa record bars.

Although na-delay ng kaunti ang pag-release nito dahil mas pinaganda pa nila ito, natutuwa ang 21-year-old na singer-composer dahil finally ay nai-launch na ito.

“Kaya po natagalan ilabas ang album ko, para po magkaroon ng mga covers din.

“Tapos recently na-play na po sa MOR [101.9 radio station] yung 'Just Give Me A Reason.' Kasi, nahu-hook naman ang mga Filipino sa mga cover ng popular na songs. And I was lucky enough na iyong 'Just Give me A Reason' ay nakasali siya sa MOR Top 10. So, nag-start siya sa Top 5, Top 4, Top 3, Top 2, so I was really happy about that,” sabi ni Marion nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanyang September 20 album launch na ginanap sa The Big Shift Live Vibe Centrale sa A.Venue Mall, Makati City.

“Feeling ko naman po, there is a song po for everybody in the album. For everyone talaga, nag-make sure kami na each and every person ay makaka-relate sa songs sa album. Kaya sa tingin ko ay masasakyan ito ng masa,” dagdag pa ni Marion.

Paano niya ide-describe ang kanyang album?

“Like I’ve said, there is a song for everyone, and medyo experimentation din ‘yung pinaka-theme ng album. Kasi wala rin naman exact genre yung bawat song.

“Mayroon ditong slow, tapos mayroon kaming medyo mala-Norah Jones, tapos merong parang Jason Mraz. So, hindi ko po talaga mai-dedescribe kung anong genre itong album.”

Kabilang sa 12-track debut album niya ang dalawang carrier singles na "Fallen" at "Do Do Do" na parehong komposisyon ni Marion. Kabilang din dito ang dalawa pang original compositions niya na may titulong "I Don't Know (If I Should Stay or I Should Go)" at ang winning entry niya sa Himig Handog na "If You Ever Change Your Mind."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang iba pang kanta rito ay "Sex On Legs" na sinulat ni Marion kasama si Patricia Sanico, samantaang ang manager at album producer niyang si Vehnee Saturno ay ang kanyang co-composer sa awiting "Take A Chance."

Bilang isang artist, ano ang komento ni Marion sa kakaibang trip o weird na ginagawa ng ibang kapwa niya artists tulad ni Miley Cyrus na sobrang daring at walang takot sa paghuhubad sa latest music video nito?

“Well, depende na po siguro yun sa artist. Actually, I really like Miley Cyrus’ new album. Iyon nga lang po, yung mga videos niya ay medyo, like minsan, unnecessary na yun.

“But I don’t know, I guess yun daw yung personality niya. So, I think, you know, whatever your personality is, just show it to the people.”

Na-shock ba siya sa music video ni Miley Cyrus?

“Yes, very much so. Kasi, ‘di ba, Disney star pa nga siya, tapos ang daming bata na role model siya. Tapos biglang, ‘Whoa, anong nangyare kay Hannah Montana?!’

“But then at the same time, I really like the music that she’s coming up with right now. Kasi, sabi niya raw na, like she really pours herself into the music… Like, siya na raw talaga yun, she’s not trying to be someone that people just want her to be.

“So I guess, on one side, I’m proud of her for that. But then on the other end, you don’t need to take your clothes off.”

As an artist, meron din ba siyang weird side?

“Weird side?” nakatawang bulalas niya. “I think every inch of my personality is weird. Pero I don’t know, hindi ko pa ma-pinpoint kung ano.

“Well, medyo batang isip pa rin ako. Like I don’t think I’m ever gonna grow up… So, ayun lang po,” nakangiting wika pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng mommy niya ay okay lang daw na magboyfriend ang anak niya, pero parang ang lovelife ay tila wala sa priority niya?

“No. Right now, I’m just working on making my dreams come true. I mean, gusto ko po talaga makarating na dun sa dream ko. So, I wanna focus on that first.

“Then you know, if someone comes along, then okay...But then, it’s not like yung naghahanap talaga ako ng boyfriend ngayon.”

Sabi ng singer na parang crush o inspiration niya si Zac Efron at ang One Direction dahil sobrang paborito niya. Ano’ng klaseng fan si Marion?

“Well, as in like nung pumunta si Zac Efron dito [sa Pilipinas], bumili pa ako ng mga Penshoppe stuff para makapunta ako dun sa may fan conference niya.

“And then ang One Direction, hinihintay ko pa sila na pumunta dito, pero lagi akong nanonoood ng videos nila.”

Sino pinakagusto mo sa One Direction at bakit?

“Harry Styles, kasi siya yung pinakapogi para sa akin,” pabungisngis na tugon niya.

Tungkol naman sa intriga, ayon kay Marion, as a singer ay hindi raw siya nag-e-expect na makaranas ng mga ganitong bagay.

Nang siya ng PEP kung ano ang intriga na sana ay hindi niya ma-encounter, ito ang naging tugon ng dalaga, “Parang pang beauty pageant ito a, na-pressure akong bigla,” nakangiting sagot niya.

Patuloy pa niya, “I don’t know, I guess siguro iyong tungkol sa family at love life or stuff like that. Sana hindi na lang po iyong sa personal or sa private life ko.”

Nang tanungin siya tungkol sa kanyang ama, halatang umiiwas si Marion at ayaw niyang pag-usapan ito. Although, inamin ng singer na divorced na ang kanyang mga magulang.


Nang usisain naman namin ang ina ni Marion na si Maribel Aunor, nasabi nga nitong may tampo ang kanyang anak sa daddy nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, medyo ayaw niyang pag-usapan ang bagay na iyon. Kasi, medyo parang fresh pa rin kasi, e. So, kumbaga, parang…mayroon iyang tampo sa kanyang father. Pero kumbaga ay natatanggap na naman niya yun,” paliwanag ng '70s teen star na si Maribel.

Tinanong namin ulit si Marion kung sino sa palagay niya ang mas mahusay kumanta sa kanila ng kanyang mommy?

“Of course, like ngayon po, siya ang nagtuturo sa akin. Like for the album launch, kino-coach niya ako, siya ang nagtuturo sa akin.

“Noong una ay naba-bother siya na baka parang stage mom, pero naa-accept na niya yata,” nakatawang biro ng fast-rising singer-songwriter.

“So, kung tatanungin kung sino ang mas magaling, siyempre ang Mom ko pa po, kasi mentor ko po siya ngayon, siya iyong parang mamay Belen ko,” pahabol pa ni Marion.

Mas mahirap ba sa kay Mariona na nako-compare siya sa kanyang Tita Nora Aunor?

“Oh yes, of course, I mean, she’s a legend. Like, until now ay nagkakaroon pa siya ng awards and I’m just starting out. So, magkaibang-magkaiba talaga po iyong level, ako ay nag-i-start pa lang, e.

“And si Tita Nora, she’s not only known sa singing, but also sa acting.”

Nang usisain kung malapit ba siya sa Superstar, inamin niya na hindi naman sila talagang close ng kanyang Tita Guy.

“A...No, actually we’ve only met briefly before... Like mga last year or two years ago, in-introduce lang po kami. Tapos nung five years old po yata ako noong nagkita kami, pero hindi naman po talaga kami close na close.”

Nilinaw din ng 21-year-old na Ateneo graduate na gusto niyang magkaroon din ng opportunity na maging close sila ng kanyang Tita Guy.

“Yeah, I think that would be nice. Pero yun nga po, baka mamaya laging magkadikit na iyong pangalan namin na… [sasabihin ng iba] niece lang ako ni Nora Aunor at kaya lang ako nasa showbiz ay dahil sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, mayroon po sigurong pros and cons, pero I think it would be nice kung maging close kami,” paliwanag ng third place winner ng Himig Handog P-POP Love Songs 2013.

Masasabi ba niyang umiiwas siya na maakusahan na ginagamit si Nora para mas makilala o magkaroon ng publicity?

“Yeah, exactly, like… I don’t know, I’ve heard those things before and I don’t know… I don’t think they’re true… Kasi, ibang-iba naman talaga yung [ginagawa ko]. And it’s really my last name, you know… you know what I mean.

“Ipinagmamalaki ko na ma-compare kay Tita Nora dahil isa po siyang legend sa music at movie industry pero hindi ko po siya gagamitin para sumikat. Gusto ko pong magkaroon ng sariling identity,” pagtatapos ni Marion.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN