Yeng Constantino launches limited edition guitars in Singapore; talks about her first indie film, Shift

Yeng Constantino is cast as a call center agent in the Cinema One entry Shift. This is the first movie of Yeng and she will be paired with Felix Roco.


Kadarating lang ni Yeng Constantino sa Pilipinas galing Canada, pero after two days lumipad naman siya patungong Singapore.

Kasalukuyang nasa Singapore ngayon si Yeng para sa launching ng kanyang first personalized guitar or AOR Yeng Signature Guitars Limited Edition (Artist Series).

Ang kanyang idinesenyong logo ay may nakalagay na pusa dahil mahilig mag-alaga ng pusa ang singer na tinaguriang Pop Rock Princess.

Pagdating ng entourage ni Yeng sa Changi Airport, sinalubong ito ng ilang kapamilya sa Academy Of Rock dala ang isang bungkos ng bulaklak bilang pagtanggap sa kanya at sa mga kasamahan. Nasorpresa rin si Yeng dahil nandun sumalubong rin ang mga tagahanga nito, ang grupong Yengster Singapore.

Karamihan sa mga sumalubong na fans ay may kanya-kanyang regalong ibinigay kay Yeng na ikina-touch naman nito. Kaya naman pinaunlakan din ng kauna-unahang winner ng Pinoy Dream Academy ng ABS-CBN na makapagpa-picture at mayakap ang bawat isa.

Na-shock si Yeng nang dumating ang sasakyang sumundo rito dahil isang black limousine ang pumarada sa harapan ng grupo. Inihatid na si Yeng sa isang sikat na hotel sa Singapore kunsaan ito pansamatalang manunuluyan.

Noong September 29 ng hapon, ginanap ang meet-and-greet ni Yeng sa Harry’s @ Esplanade from 2:30 to 3:30 pm. Dito na rin sa bar na ito ginanap ang launch ng personalized guitar. Pagdating ni Yeng sa venue ay nagsigawan na ang mga kabataang naghihitay at panay ang pagkuha ng litrato sa singer.


FIRST INDIE FILM, SHIFT. Kasunod nito ang open forum para kay Yeng. Isa sa mga tinanong sa kanya: mahilig ba siyang umarte at may acting project ba ito?



Felix Roco is the leading man of Yeng Constantino in the Cinema One entry Shift

Ang indie film na Shift ang ginagawa ngayon ni Yeng. Sa katunayan, pagbalik niya ng Maynila ay nakaabang na sa kanya ang call slip para sa shooting ng pelikula.

Ang Shift ay isa sa mga indie films na kabilang sa Cinema One Originals Film Festival na gaganapin mula November 10-19 sa Glorietta, Robinsons Galleria, at Trinoma.

Narito ang brief description ng pelikula na Shift mula sa Facebook account nito: "Estela, an idealistic, call center slacker is mentored by Trevor, a pragmatic, senior agent. Their interaction develops into an unconventional relationship."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para naman matuwa at mapawi ang pagod ng mga kabataan ay nag-perform si Yeng para sa mga sabik at matagal ng naghihintay sa kanya sa Singapore. Dalawa ang kinanta ng Pop Rock Princess ito ay ang pinasikat niya noon ang awiting "Jeepney Love Story" at "Hawak Kamay."

Pagkatapos ay tumuloy naman ito sa The Esplanade Outdoor Theater para sa sound check. After ng sound check ay umalis na siya agad para naman makapag paayos ng sarili at makapagpalit ng damit na susuutin sa free concert na pinamagatang That Thing Youth Do kinagabihan ng 7 p.m.

Nang dumating kami sa venue, nagsisimula na ang concert at napuno ang outdoor theater. Karamihan sa audience ay mga Pilipino at may mga foreigners rin na nanonood. Unang tumugtog ang AOR students ng Singapore bilang front act. Sumunod rito ay ang representative ng Pilipinas na si Nicki Lucido, isang estudyante mula sa AOR Rockwell branch.

Nang tawagin na si Yeng Constantino para sa kanyang set, malakas na sigawan at palakpakan ang binigay ng mga nanonood.

Apat ang naka lineup na kakatanhin ni Yeng. Unang inawit nito ang "Locked Out Of Heaven," sinundan ng "Sunday Morning." Dito nagulat kami ng hubarin ni Yeng ang kanyang shoes at todo bigay sa kanyang performance.

Siyempre, inawit rin ni Yeng ang kanyang pinakasikat na kanta, ang "Hawak Kamay," gamit ang kanyang Yeng Signature Guitars Limited Edition. Ang pinakahuli niyang inawit ay ang kanyang version ng "Price Tag" na pinasikat ni Jessy J.

Sa mga interisadong na bumili ng nasabing gitara, mabibili ito sa Academy Of Rock School in Singapore. Pwede ring mag-email sa marites@academyofrock.com.sg para sa mga nasa ibang bansa. Para sa mga nasa Pilipinas, mabibili naman ito sa Academy Of Rock Rockwell branch.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN