Meet the boy band Voices of Five


Ginanap ang album launch ng bagong boy band na Voices of Five (Vo5) na kinabibilangan nina Daryl Ong, Drey Reyes, Sol Glass, Johann Mendoza at West Cerrudo.

Ang launch ng kanilang self-titled album ay idinaos sa Area 05 sa Tomas Morato noong September 21.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grupo, ikinuwento ng bawat isang miyembro ang kanilang pinagmulan, ang kanilang musical influences at marami pang iba.

Ayon kay Daryl Ong, na dating miyembro ng bandang Version 4.0, “Before kasi gumagawa ako ng demo kay Vehnee Saturno, then plan na niya pala na magbuo ng grupo and nagkataon din na yung friend ko na si Teddy Katigbak, dream rin pala niya na magkaroon ng ganito klase ng boy band.

“Ako ang idol ko talaga si Stevie Wonder saka Brian Mcknight, and sa local si Gary Valenciano.

“Dito po sa Voices of Five, wala pong lead singer, each of us may part sa bawat kanta para maipakita yung individuality tsaka yung uniqueness ng style ng bawat isa. So lahat po may spot.

“Umalis po ako sa dati kong grupo, kasi ang gusto ko talaga pong kunin na direksyon sa music is yung pop/R&B na genre plus yung ganitong packaging, dream ko talaga ito, e.

“Yung ganitong klase ng grupo na parang magbabarkada kayo, tropa kayo.”

Wala raw sapawan among them at hindi mahirap ang division ng performance.

“Actually challenge sa amin 'yan nung una kasi nasanay kami na parang soloista yung dating so ang tendency pag nagsama yung lima masyadong maraming ideas, puwedeng magbanggaan pero before pa mangyari yun ginagawan na namin ng paraan, na sine-set na namin kung sino ang lilitaw sa bawat song. Equal naman ang pag-divide ng mga songs,” sinabi pa ni Daryl na sumali rin sa Pinoy Pop Superstar ng GMA noong 2005.

Passion raw talaga ni Daryl ang music.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“After ko po nung Pinoy Pop Superstar nag-break po ako sa pagkanta, naging animator ako sa Cartoon Network tapos nung nagkaroon po ng Pinoy Idol sa GMA, dun tinry ko ulit.”

Na-disappoint raw siya nung hindi siya nagwagi sa dalawang contests na sinalihan niya.

“Kasi iyon ang pakiramdam ko: kapag nakakapasok ako sa GMA, para bang yung pangarap mo akala mo andun na so pag biglang hindi ka nanalo, parang bingsakan ka ng mundo.

“So iyon, actually masakit pero ganun talaga, e, pag mahal mo ang isang bagay, hindi ka basta-basta susuko.”

Ano ang puwedeng i-offer ng Vo5 sa publiko?

“Magse-set ng trend is yung style namin kung paano kami gumawa ng bosesan, ng harmony. I believe kami yung magiging first na boy band sa Philippines na kakaiba, kakaiba yung structure ng pagkanta, kakaiba yung melody.”

Paano ito kakaiba?

“Should I say, siguro mas malalim, or siguro mas parang pinag-isipan siya, mas may kuwento.”

Ito naman ang sinabi ni Drey Reyes na dating miyembro ng Akafellas:

“Nagpang-abot kami ni Myke,” sinabi ni Drey referring to Akafellas member na si Myke Salomon na boyfriend ni Ehra Madrigal.

“After a few months kong pumasok, umalis na siya.”

Sa Vo5, “Ako po yung bass. Yung pinakamababang boses," sabay-tawa ni Drey.

Bakit siya umalis sa Akafellas?

“Gusto kong mag-explore, gusto kong mag-expand ng musicality ko. And it just so happened na tinanong nila ako kung gusto kong sumama sa grupo.”

Aminado si Drey na risk para sa kanya ang pag-alis sa Akafellas na kilala na dati at sumali sa isang baguhang boy band.

“Sobrang laking risk kaya, actually, I was thinking really hard about it tapos sabi ko wala akong patutunguhan kung hindi ako magri-risk.

“And it just so happened na dumating sila, ang Voices of Five.”

Si Gary V rin ang paborito ni Drey at sa foreign artists ay sina Justin Timberlake at Boyz II Men.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang ginagawa nila para hindi sila magkasapawang limang members ng Vo5?

“Pinaplano talaga namin kasi for example kung may nag-solong isa, siyempre we’ll give him the spotlight pag ganun.”

Wala siyang sinalihang contest sa TV.

“Nung bata ako puro sa baranggay,” at tumawa si Drey.

“I’ve been performing sa theater way back when I was nine years old pa, under Nestor Torre, mostly productions niya.

“I was given the chance to sing nung 1998 Centennial Celebration ako yung kumanta ng Lupang Hinirang.

“And I do advertisements, kumakanta ako sa ads.”

Impressive naman ang background ni Sol Glass dahil nanggaling siya sa dalawang sikat na bands, ang Mulatto (noong 2004) at ang South Border.

“Ang batch ko sa South Border nito ng huli, 2011 ako nag-start.”

Halos sabay nga raw na member siya ng dalawang nabanggit na banda.

“Ang nangyari kasi parang actually parang halos sabay nga, e, pero mas nauna yung South Border. Tapos nung dumating ito [Vo5], nung hindi pa namin nare-release yung album, sume-session pa rin ako sa South Border. So kung may mga gigs sila kinukuha pa rin nila ako as singer pag wala si Duncan [Ramos], ako pa rin yung kumakanta.

“Pero ngayong nakapag-launch na kami, magpo-focus na ako dito sa Voices of Five.

“El Debarge ang musical influence ko,” sabi ng singer na kilala dahil sa kanyang falsetto.

Fil-Am si Sol.

“Yung father ko pure Black American tapos yung mother ko Filipina.

“Naghiwalay sila mga three years old yata ako.”

Hindi raw sila nagkaroon ng communication since then dahil may pamilya ang father niya sa Amerika.

Pero dala niya ang apelyido ng ama niya na Glass.

“Iyon ang nasa birth certificate ko tapos nag-sign din siya sa birth certificate ko.”

May communication siya sa mga kapatid niya sa ama na nasa Amerika at kinikilala siya ng mga ito bilang kapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang ama niya ay pumanaw na eleven years ago.

Paano naging member ng Voices of Five si Sol?

“Si Daryl Ong, siya yung nag-message sa akin, nakilala ko siya dahil kay Johann. Tapos nag-message siya sa Facebook ko kung puwede ako sa grupo nila.

“Kasi sinabi ni Johann sa kanya na, ‘Uy kung gusto mo ng falsetto talaga meron akong kilala, si Sol.’

“Kaya kinontak ako ni Daryl Ong.”

Bakit siya sumugal sa isang baguhang grupo gayong nasa South Border na siya?

“Nagsimula kasi ito sa, may plano na kasi yung start, e. Nung kinuha nila ako, nabanggit na, ‘Gagawa tayo ng mga originals tapos isa sa mga originals ay gawa ni Sir Vehnee Saturno.’

“So sabi ko, ‘Sige, why not?’”

Nagpaalam naman raw siya ng maayos sa South Border.

“Alam naman nila, actually wala akong talagang formal na [contract] kasi verbal lang naman kami, wala kaming kontrata, e.”

Si Gary Valenciano rin ang paborito ni Sol among local artists.

Single pa si Sol at sumali siya dati sa Bodyshots.

Si Johann Mendoza naman ay dating isa sa mga boses ng K24/7 at bago iyon ay naging lead vocalist rin siya ng sikat na banda sa Baguio City, ang Brown Flava. Dahil sa kanyang mataas na boses ay palagi siyang naikukumpara sa mga sikat na R&B singers na sina Marc Dorsey at Sisqo.

“My musical influences are Stevie Wonder, Dru Hill and Boyz II Men. I am also a songwriter, ako ang sumulat ng song na 'Come Back To Me' noong 2004.

“Masaya na lima kaming lalaki na magkaka-grupo, walang awayan, cool lang lahat lagi, chill lang.

“Madalas nga, para sa akin, hindi lang trabaho itong ginagawa namin, para rin kaming magkakapatid na palaging nagba-bonding, na para kaming isang buong pamilya,” sinabi ni Johann.

Dating Freshmen band member naman si West at naging kasamahan at matalik na kaibigan ang yumaong kapatid ni Angelika dela Cruz na si Edward dela Cruz na dati ring miyembro ng Freshmen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“More on James Ingram po ako,” ang sagot ni West kung ano ang timbre ng boses niya. “Ako yung pinaka-husky sa aming lima.

Si Gary V. rin ang favorite local singer niya.

Nawala raw siya sa Freshmen dahil nadisband ang grupo sa pagpanaw ni Edward in a car accident.

“Nakakalungkot, kasi parang kapatid ko na yung si Edward, parang kapatid na namin, e.

“Nadisband yung grupo kasi namatay si Edward, kasi si Edward ang gumagawa ng paraan para makapasok kami sa music indiutsry dito sa Pilpinas.

“Tapos iyon nag-decide yung bawat isa na magtrabaho na lang sa States, magpunta na lang sa abroad, ganun.

“After na mawala ang Freshmen nakapasok ako ng Pinoy Idol sa Channel 7. Top twenty four ako, ang nanalo si Gretchen Espina.

“Tapos nun, nagnegosyo ako. Na-disappoint kasi ako actually after nung Pinoy Idol kaya nung nagkaroon ako ng konting puhunan, nagnegosyo ako, nag-try ako’ng mag-bazaar, magbenta-betna.

“Sa Nuvali, actually kung saan-saan, nalibot ko na yung buong Metro Manila sa pagba-bazaar. Nagbenta ako ng mga toys, novelty items, kung anu-ano.

“After nun, habang nagba-bazaar ako sumali ako ng X Factor, pero yun nga hindi naman lagi natatanggap hindi pinalad, natanggal ako.

“E, may blessing na dumating, tumawag sa akin si Daryl Ong, para buuin itong grupo.”

Naging magkaibigan sila ni Daryl noong pareho silang sumali sa Pinoy Idol.

“Matagal ko ng gustong magkaroon ng grupo. Saka natuwa ako sa mga kasama ko, kasi yung mga kasama ko, galing rin sa mga bands.

“So parang naisip ko pag binuo itong limang ito, solid!

“Pero nasanay talaga kami as soloist, ngayon nag-adjust kami dahil siyempre pag bagong salpak more on solo kami bawat isa so may malakas na boses, may malakas na ganyan.

“Ngayon nakapag-adjust na kami ng iisang boses.”

Ang paboritong cut ni West Cerrudo sa album nila ay ang "Dapat Pa Ba."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Isang nakakalungkot na magandang kanta.”

Ayon sa manager ng grupo na si Teddy Katigbak, “Halos lahat sila kaibigan ko kaya naghintayan lang kami na maging available sila kaya iyon sinubukan namin ang grupo.”

Dating keyboardist ng K24/7 si Teddy. Bakit hindi siya sumali sa grupo bilang performer rin?

“Actually kasi ngayon full-time akong musical producer sa advertsing then, wala naman talaga akong balak maging manager ng grupokaya lang since magkakaibigan kami, na gusto ko ding subukan na bigyan sila ng break kaya ayun first time ko talagang mag-venture sa ganiutong klase ng business.

“Sobrang naniniwala ako sa talent nila and I feel na kailangan sila ng industry natin, dun ako na-convince talaga na kailangan ko silang tulungan.”

Ano sa tingin niya ang laban ng boy band niya sa industriya ng musika?

“Maraming solo artists, so parang wala pa halos talaga ngayon kaya naisip namin imbes na magsolo-solo sila bumuo na lang tayo ng grupo tutal wala namang ganun ngayon talaga masyado baka mag-enjoy yung tao, baka mag-click.

“Kasi lumang konsepto na siya pero wala ngayon at the moment sa industry natin.”

Ang first single ng Voices of Five ay ang "Pagkat Mahal Kita" na likha ni Vehnee Saturno, na siya ring carrier single ng kanilang album. Nasa album rin ang apat pang orihinal na mga kanta: "Dapat Pa Ba" na sinulat ni Daryl Ong, "Shower You With Love" na sinulat ni Drey, "Panaginip Na Lang" na sinulat naman ni Karl Gaurano, "Parang Langit," which is composed by the group’s manager Teddy Katigbak. May kasama ring dalawang cover songs: ang "On Bended Knees" (originally sung by Boyz II Men) at ang "Mahal Pa Rin Kita" ng Rockstar.

The album is released under Quad East Studios na siyang recording label at management team ng Voices of Five.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN