Jed Madela will hold his 10th anniversary concert on November 15



“Wow! Three years in a row!”

Iyan ang bulalas ni Jed Madela nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng 5th Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club (PMPC) kung saan nanalo siya ng Male Recording Artist of the Year para sa album niyang All Originals under Star Records. Ginanap ang awards night noong Linggo, Oktubre 13, sa Grand Ballroom ng Solaire Resort and Casino sa Paranaque City.

Tinalo ni Jed para sa naturang award sina Martin Nievera, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Christian Bautista, Gerald Santos at Marco Sison. Nakuha niya ang award na ito sa Star Awards for Music sa tatlong magkakasunod na mga taon—2011, 2012 at 2013—kaya naman tuwang-tuwa ang Kapamilya singer.

Sabi nga ni Jed, “Sobrang happy ako. This is the third…three years straight. Maraming salamat sa bumubuo ng PMPC at patuloy silang nagtitiwala sa music ko. Yun lang kailangan ko lang talaga ng suporta para maibalik natin yung strength ng OPM [Original Pilipino Music], which I see ngayon na bumabalik na rin. At gusto ko ring i-congratulate yung bumubuo ng PMPC kasi this year’s awards [night] sobrang ganda, sobrang successful and every year parang lumalaki’t lumalaki. So, it is a good sign. Thank you very much PMPC.”

CHALLENGE TO DO BETTER. Dahil tatlong beses na niyang napanalunan ang Male Recording Artist of the Year, hindi ba siya nape-pressure sa susunod niyang album na gagawin para makuha ulit ang naturang award next year?

“Well, ano yun… challenge na rin sa akin. Maibigay man sa akin o hindi yung award for next year, magiging bonus na iyon as long as I really work hard at mas ma-inspire ko pa lalo yung mga singers diyan lalo na yung mga bagong peformers. Yun na yung pinaka-ultimate na goal ko muna, tapos yung award susunod na lang yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CELEBRATING 10 YEARS. Itinuturing ni Jed na magandang regalo para sa selebrasyon ng kanyang ika-sampung anibersaryo sa music industry ang pagkapanalo niyang ito. Feeling blessed si Jed ngayong 2013 dahil sunud-sunod ang magagandang mga bagay at mga parangal na nakukuha niya. Kabilang na rito ang pagkakaluklok niya sa Hall of Fame ng World Championships of Performing Arts (WCOPA) sa Hollywood, California.

Naghahanda na rin si Jed para sa kanyang 10th anniversary concert.

“I have a concert coming soon, November 15, at the PICC. It’s called X: The Jed Madela 10th Anniversary Concert. Magkasabay kami ni Sarah [Geronimo]. So, may choices kayo on that evening. Ako, November 15 sa PICC, si Sarah nasa Araneta. So, panoorin n’yo kami.”

Si Sarah ang nakakuha ng counterpart award ng kay Jed na Female Recording Artist of the Year. Tatlong beses na ring nananalo ang Popstar Princess ng naturang award: 2010, 2011 at 2013. Ang concert ni Sarah sa Smart Araneta Coliseum ay 10th anniverary concert din nito titled Perfect 10: Sarah Geronimo Live!

Hindi ba disadvantage na magkasabay ang anniversary concerts nila ni Sarah?

Paliwanag ni Jed, “Hindi naman kasi at least maraming mapagpipilian yung audience. Ako personally… ako, ina-admit ko talaga I’m a big Popster and sayang nga nagkasabay kami. If not, for sure I will be there also [sa concert niya].

“But then, sobrang happy lang ako na nakikita ko bumabalik na yung concert industry natin na hindi lang foreign artists lagi ang nandito kundi pati yung mga local artist ngayon nagko-concert na at maraming pumupunta, at maraming sumusuporta.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN