Aljur Abrenica gearing up for his November 7 solo concert



Sa November 7, si Aljur Abrenica ang tampok sa Come And Get Me concert na produced ng GMA at MJM Productions.

May pressure bang nararamdaman si Aljur sa naturang concert na gagawin sa Music Museum?

“More on pressure sa time for the preparation,” umpisang sagot ni Aljur Abrenica sa tanong sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Well kasi, other than sa pinaghahandaan natin yung concert, meron din tayong soap, e. Meron tayong iba’t-ibang mga projects, so limited lang yung time na meron ako para makapag-aral ng, mapaghandaan yung concert. So I have to use it wisely,” pahayag pa ni Aljur sa interview namin sa kanya sa Victorino’s restaurant sa Quezon City noong October 17.

May posibilidad ba na maghuhubad siya sa concert?

“Well, if that’s what you want guys, e, ibigay natin,” ang natatawang sagot ni Aljur.

Never pa raw niyang ginawa ang ganitong klase ng concert na mapapanood ng publiko.

“Yung hindi ko pa nagagawa dito is...nagawa na rin nating kumanta at sumayaw at the same time, pero ito talaga performance, e.

“Pag sinabing performance talagang ikakagulat nila yung kayang gawin ni Aljur, ikakagulat nila.”

Guests ni Aljur sa concert sina Julie Anne San Jose, Rochelle Pangilinan, Vin Abrenica at Kris Bernal na leading lady ngayon ni Aljur sa teleserye na Prinsesa Ng Buhay Ko.

Bakit hindi guest sa concert ang girlfriend niyang si Kylie Padilla?

“Well may mga sari-sarili kasi tayong schedule, may sari-sarili tayong pinagkakaabalahan. Ako, kung ako tatanungin, ni-request ko siya but may mga sari-sarili tayong dahilan, e. Hindi na natin alam 'yan.

“Sa palagay ko, e, may mga dapat siyang unahin, may mga dapat siyang ano pero ang ipinagpapasalamat ko, sinabi naman niya manonood siya.”



Video by Nerisa Almo


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN