Jed Madela looks back on highlights of his career spanning ten years

Jed Madela will hold his 10th anniversary concert at the PICC on November 15, 2013. All of the proceeds of his concert will go to the Bright Halls Children Foundation, which takes care of abandoned babies.


Ngayong 2013 ang tenth anniversary ni Jed Madela sa music industry. Upang ipagdiwang ito, magkakaroon siya ng concert dubbed X The Jed Madela 10th Year Anniversary Concert na magaganap sa PICC Plenary Hall on November 15, 8:00 pm.


Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jed sa October 21 presscon na ginanap sa C2 Events Place, Greenhills.

Ano ang pinagkaiba nito sa ibang concert na nagawa mo na?

Jed: “Aside from the fact na this is celebration of my 10 years in the industry. You know that [staying for] 10 years is not an easy thing to do now, sa industriya na ito na very unstable. Anytime you can just disappear with the rise of so many artists na bago. But, I’m very blessed na umabot ako ng 10 years. It’s a big celebration.


"Aside from that, what makes this concert different is it’s going to be a journey of my 10 years in showbiz. [It will feature] songs that I used to sing, people I encountered, people who inspired me, so lahat. It’s going to be a story of my journey. The concert also is going to relate to people how I really feel about my career now, how I feel around me, how I feel about how people treat me. Kaya sana mapanood nila ang concert na ito kasi I think, for me, if you’re going to be there on that very night, you will fully understand who I really am, who Jed Madela really is through the songs that I will sing.”

In your ten years in the music industry, ano ang mga highlights ng career mo?

Jed: “Ako kasi, whenever there are big things that happened in my career sobrang thankful ako, sobrang grateful ako. When I started, yung matanggap lang kami na tumugtog sa isang bar sobrang highlight yun, na nag-au-audition kami. Sa dinami-dami ng mga banda na nag-audition kami ang napili, it’s a highlight for me.

"Another thing ay yung nanalo ako sa WCOPA [World Championships of Performing Arts], nakapasok ako ng ASAP. Nakapag-record ako ng sobrang daming kanta. Nakapag-inspire ako ng napakaraming tao through my songs. Nanalo ako ng Hall of Fame award. And recently yung sa PMPC [Philippine Movie Press Club] Star Awards for Music na five years pa lang pero yung tatlong taon dun, ako yung tinanghal nila na Best Recording Male Artist na sunud-sunod for three years.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May pressure ba on your part na kasabay mo ang concert si Sarah Geronimo on the same night?

Jed: “Ako, I let go of the thought na baka walang pumunta kasi madami na ang bumili ng ticket, e, almost sold out na rin yung tickets. Of course, they will always compare the issue about me and Sarah performing on the same night. But then I’m happy for Sarah, I’m happy that she filled up Araneta, sold out already at may repeat pa siya. At least mas maraming choices for people na manonood kasi sabi ko nga, yung crowd ni Sarah at yung crowd ko are different. Iba yung taste nila with regards sa music. I’m not bothered naman. I’m happy na maraming local concerts ngayon which is good sa industry natin.”


Sabi mo na choice mo na one-man show ang concert na ito at wala kang guests na iba. Bakit? What is the reason na gusto mo solo performer ka?

Jed: “Noong una, mayroon naman akong plano to have guests, pero dahil hindi sila halos lahat pwede, nandoon sila sa ibang show. Good thing that Mr. M [Johnny Manahan of Star Magic], came up with the idea na 'No Guests' so we have to scrap everything. Yung mga inimbita ko na pwede sabi ko manood na lang kayo. Kasi si Mr. M gusto niyang i-instill sa minds ng mga concertgoers now na, when you watch a concert, you don’t go there for guests but you go for the main artist. Gusto ko sana, na pupunta sila sa concert na ito, not for my guests pero pupunta sila for Jed Madela.”

Sinu-sino ang mga artista na nag commit na manonood sila ng concert mo?

Jed: “Alam ko, nag commit na sila na manood at may ticket na sila ay sina John Lloyd [Cruz], Angelica [Panganiban], and their families, Julia Montes is watching, nagpa block off na si Piolo [Pascual], pero I’m not sure if he pushes through kasi depende daw sa sked niya. Enrique Gil is watching, Melissa Ricks at mga friends ko sa ASAP.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang pasasalamat ni Jed Madela sa kanyang 10th anniversary sa music industry ay pinili niyang ibigay ang 100 percent ng proceeds sa isang charitable institution: ang Bright Halls Children Foundation, dahil malapit daw ang kanyang puso sa mga unwanted babies na iniwan ng mga magulang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN