Aljur Abrenica's brother, Vin, fails to perform in Aljur's concert due to dengue

During his first major concert, Aljur Abrenica performed a cut from his upcoming album titled Nanghihinayang. His brother Vin was supposed to perform in the concert, but was unable to do so because he was hospitalized for dengue.



Ginanap kagabi, November 7, sa Music Museum ang first major concert ng GMA-7 hunk actor na si Aljur Abrenica.

Ayon sa isang PEP source, 90 percent ng tickets ay naubos isang araw pa bago ang araw ng concert, na pinamagatang Come and Get Me.

Natuloy ang concert kahit na pinapangambahan ang pagdating ng supertyphoon Yolanda.

Nagkaroon ng pagkakataong makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur sa kanyang dressing room pagkatapos ng kanyang two-hour concert.

Larawan ng kasiyahan ang Kapuso actor.

Aniya, “Gusto kong magpasalamat kay God. Siya naman talaga, even before ng concert na ito, inoffer ko na sa kanya.

"And, thankful din ako sa mga producers natin. Sa MJM Productions headed by Edgar Mangahas, ang GMA-7, at ang PPL sa kanilang pagko-conceptualize at mounting nitong concert.

“Sa lahat ng bumubuo ng staff, sa mga banda, thankful lang ako for the opportunities and for making this possible.”

Dugtong pa niya, “Pinaghirapan ko lang po talaga. Sobrang saya talaga. Overwhelmed ako tonight. Ang daming sumuporta at, si God, laging nandiyan.”

Posible bang maulit pa ang kanyang concert?

“Hopefully, hopefully, I’ll work on that,” nakangiti niyang sabi.

Sa concert niya, ipinarinig rin ni Aljur ang isang kanta, na nai-record niya with MCA Music para sa kanyang album next year, ang Nanghihinayang.

Ibig sabihin ba nito gusto talaga ni Aljur na bumuo ng pangalan sa recording industry?

“Nangangarap ako, nangangarap ako,” saad niya.

“May gusto akong marating sa industry ng music.

"But, I’m not expecting. This is what I love doing, besides acting. So, ako, ayokong mag-expect. Dreamer ako. I’ll just do what I love: acting and singing.”

Nanood sa concert ang ilang mga kaibigan ni Aljur sa industriya, tulad nina Marco Alcaraz, Jan Manual, at Direk Dondon Santos, na mga kasamahan niya sa Prinsesa Ng Buhay Ko.

Dumalo rin sina Jonalyn Viray, Bettina Carlos, at Andrea Torres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang naging pinaka-prominente na nanood ay ang girlfriend niyang si Kylie Padilla, na nasa unahan.

Halatang proud na proud ito sa kanya dahil panay ang pagpalakpak nito at pagkuha ng pictures at videos.

Nakangiting sabi naman ni Aljur, “I’m just so thankful.

"Kahit may bagyo, yung family ko sa Pampanga. May family rin ako sa Batangas, hindi ko ma-explain, pero sobrang grateful ko lang because they spend time for me.

“Sila Andrea, Jonalyn, Kylie, so I’m just grateful na pumunta sila. Yung mga friends ko rin, karamihan nandiyan.”

Mga special guests sa concert sina Rochelle Pangilinan, Julie Anne San Jose, at Kris Bernal.

Dapat ay kasama rin sa mga guests ni Aljur ang kapatid na si Vin Abrenica, pero hindi ito nakarating. Kahapon daw ng umaga ay isinugod na ito sa St. Luke's Hospital dahil sa dengue.

“Supposedly, si Vin dapat kasama ngayon. Alam niya ang gagawin niya, nag-aaral siya sa bahay.

"Pero, nagkakataon na kapag may rehearsal, nagkakalagnat siya, tapos mawawala. Tapos magkaka-lagnat siya, hanggang finally, nalaman namin, since hindi ko siya nakikita, nagka-dengue raw.”

Nanghinayang ba siya na hindi natuloy ang performance ng kapatid sa concert niya?

“Oo naman,” pag-amin ni Aljur.

“I’m excited to perform with him on stage kasi first major concert ko. Iba yun, e.

"Iba yung pakiramdam na makasama mo ang kapatid mo sa entablado na nagpe-perform kayo. So, sayang lang, nanghihinayang lang ako.”

Ang balita ng PEP, bago pa man ang concert ay nasa Music Museum na si Kylie at dinalaw si Aljur sa dressing room niya.

Ano ba ang support na ipinakita ni Kylie para sa kanya?

“She’s busy kasi, but she makes sure na nag-aaral ako ng kanta. Tsine-check niya 'ko.

"And kanina, before nag-start, pumunta siya rito sa backstage para palakasin ang loob ko.”

At dahil sa presence ni Kylie sa concert niya at suportang ibinibigay sa kanya, tila napasubalian na rin agad ang mga lumalabas na isyu na break na umano sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Aljur, “A, talaga, may ganun ba? We’re happy and we’re still together.”

Kinamusta naman namin si Aljur kung, habang nagpe-perform siya sa stage kasama ang ka-loveteam na si Kris, hindi ba siya nailang dahil nasa harapan naman at nanonood ang girlfriend niyang si Kylie?

“Wala, wala,” sabi niya. “They are good actually.

"Wala namang nabubuong tension gaya ng lumalabas sa balita, okay po sila.”

Suportahan naman daw sila.

“Masaya kasi, maraming blessings na dumarating sa amin. Thankful kami sa GMA, sa mga supporters namin.

"Meron akong Prinsesa ng Buhay Ko. Nandiyan si Kris para sumuporta sa akin. Si Kylie, sinusuportahan ako, at meron din siyang Adarna.

“Ito yung first prime [primetime soap] niya na pangarap din niya, na natupad.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN