Swedish DJ Axwell to donate talent fee to victims of typhoon Yolanda

Axwell, a Swedish DJ, will donate his talent fee from an upcoming electronic music event to help victims of typhoon Yolanda. He will be performing for United Republiq: An Electronic Music Assembly for a Cause at the Mall of Asia Arena Concert Grounds on November 21, 2013.


Tuloy-tuloy ang mga fund drives ng iba’t ibang organisasyon para sa relief operations para sa mga biktima ng super typhoon Yolanda sa southern Luzon at central Visayas.

Kaugnay nito, nakatakdang idaos ang United Republiq: An Electronic Music Assembly for a Cause sa Mall of Asia Arena Concert Grounds sa November 21, 2013. Ang malilikom na salapi mula dito ay ido-donate sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Ang nasabing music event ay may tagline na “The Filipino spirit is stronger when we are one.”

Ang isa sa mga performers nito na si Axwell—isang Swedish DJ, record producer, remixer, at record label owner—ay nag-volunteer na ido-donate ang kanyang talent fee sa mga nasalanta ng bagyo.

Sinabi niya sa kanyang Twitter account na @axwell (published as is), “I'll still be traveling to do my show in Manilla on Thu Nov 21st. I am donating my fee to the charities helping the typhoon victims. Thank you to the promoters and local agents who agree to do the same... TEAMWORK.”

Ang kilalang DJ ay nasa 19th place sa DJ Magazine Top 100 DJ Poll ngayong 2013.

Kabilang sa mga sikat na artistang ginawan ng remixes ni Axwell ay sina Madonna, Nelly Furtado, at Usher.

Si Axwell ay former member ng Swedish House Mafia kasama sina Sebastian Ingrosso at Steve Angello.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN