MJ Cayabyab finally fulfills long-time dream with release of debut album

MJ Cayabyab shares his humble beginnings as an aspiring singer: “Nakakapasa naman po ako sa mga auditions. Nakakapag-compete naman po ako, pero hindi talaga ako sinusuwerteng manalo. Kaya lagi ko na lang dasal na sana balang araw ay may magtiwala sa akin at sa talent ko. Yung maging recording artist, yun ang gusto kong marating kasi hindi lang ako kumakanta, nagsusulat din ako ng mga songs. Marami na akong nasulat noon pang high school ako. Gusto ko siyang i-share sa maraming


Isang dream come true para kay MJ Cayabyab, baguhang singer at contract artist ng Viva Artists Agency, ang pagkakaroon ng sarili niyang album.

Sa launch ng kanyang self-titled album kamakailan, nabanggit ng 19-year-old singer na taga-South Cotabato na ilang beses na siyang nag-audition at sumali sa ilang mga reality competition programs pero hindi naman siya sinusuwerteng manalo.

“Nakakapasa naman po ako sa mga auditions. Nakakapag-compete naman po ako, pero hindi talaga ako sinusuwerteng manalo.

“Kaya lagi ko na lang dasal na sana balang araw ay may magtiwala sa akin at sa talent ko. Bata pa lang kasi ako, mahilig na akong kumanta. Parati akong pinapakanta sa school, kapag may parties.

“Yung maging recording artist, yun ang gusto kong marating kasi hindi lang ako kumakanta, nagsusulat din ako ng mga songs.

“Marami na akong nasulat noon pang high school ako. Gusto ko siyang i-share sa maraming tao,” kuwento pa ni MJ sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

Noong makarating ng Manila si MJ dahil sa pagsali niya sa isang reality competition show, hindi na siya umuwi sa kanilang probinsya noong ma-eliminate na siya. Gusto na raw niyang subukan ang suwerte niya sa Manila.

“Gano’n din ang mga ginawa ko. Nag-audition sa ilang talent agencies. Naghahanap ng magiging suwerte ko.

“Tumigil ako ng school at nag-decide akong magtrabaho na lang. Nag-apply ako bilang call center agent at nakuha naman ako. Gusto ko na kasing tumulong sa family ko,” dagdag pa niya.

BIG BREAK. Tatlong buwan pa lang siya sa kanyang trabaho nang makilala niya ang talent scout na si Tom Adrales.

Kilala si Tom Adrales bilang discoverer ng ilang mga teen stars dahil sa kanyang Circle of Ten Image Model Search. Ilan sa mga naging produkto nito ay sina Jennylyn Mercado, Nadine Samonte, Karen delos Reyes, Dion Ignacio, Rainier Castillo at Jason Abalos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dinala ni Tom si MJ sa opisina ng Viva Entertainment dahil naghahanap sila ng mga fresh faces para sa pagbuo ng isang bagong boy band group.

Noong makita si MJ, naisipan nilang i-build up ito bilang solo artist at pinapirma agad ng five-year contract with Viva Artists Agency.

“Sobra akong natuwa noong makilala ko si Boss Vic [del Rosario]. Akala ko nananaginip pa rin ako pero totoo na iyon.

“Noong pumirma ako, doon ko naramdaman na matutupad na ang mga pangarap ko at makakatulong na ako sa pamilya ko,” sabi pa ni MJ.

Ang kanyang self-titled album ay may tatlong original songs na sinulat ni Vehnee Saturno (“Mahal Na Mahal Kita”), Tito Cayamada (“Kahit Ika’t Magbago”) at ni MJ mismo (“Dahil Sa ‘Yo”).

Dalawa naman ang revival songs, ang carrier single na “Larawang Kupas” at “Muntik Na Kitang Minahal.”

PERSONAL LIFE. Pero sa likod ng masayang personalidad ni MJ, makulay at mala-teleserye pala ang kanyang personal na buhay.

Lumaki siya na hindi niya nakikilala ang kanyang mga magulang at pinalaki siya ng kanyang dalawang lola.

Two-years old pa lang daw siya nang iwan na siya ng kanyang ina para magtrabaho sa Malaysia. Ang kanyang tunay na ama ay iniwan na sila bago pa man siya pinanganak.

Pero kahit na may kanya-kanyang pamilya na ang kanyang mga magulang, gusto niyang magkaayos pa rin ang mga ito.

“Nakilala ko ulit ang mother ko noong naka-graduate na ako ng high school. Meron na siyang ibang pamilya.

“Si Daddy naman, noong una ay ayaw pang ibigay nila Mommy at Lola ang pangalan niya sa akin. Baka raw bigyan ng masamang kahulugan ang paghanap ko sa kanya.

“Sinabi ko naman na gusto ko lang siyang makilala. Wala akong hihingin sa kanya.

“Kung hindi siya sumagot sa akin, okay lang. Kaya noong ibigay ang name sa akin ay hinanap ko siya agad sa Facebook,” kuwento pa ni MJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natuwa naman si MJ nang sumagot agad ang kanyang ama at nagkausap sila. Nagawa pa niyang mapag-usap ang kanyang mga magulang via teleconference.

“Kahit na may kanya-kanya na silang mga pamilya, ang importante ay maging magkaibigan na ulit sila. May anak sila at ako iyon.

“Responsibilidad ko na ayusin sila para naman maging friends man lang sila,” pagmamalaki niya.

Sa pakiwari ni MJ, nabiyayaan siya ng promising career bilang isang baguhang singer dahil sa ginawa niyang iyon para sa kanyang mga magulang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN