Arisxandra Libantino of Britain’s Got Talent fame wants to collaborate with Charice


Dumating sa Pilipinas si Arisxandra Libantino, ang 12-year-old Filipino singer na naging finalist sa Britain’s Got Talent Series 7.

Noong November 21 ng gabi, kasama ni Arisxandra na dumating sa bansa ang kanyang ama habang ang kanyang ina at isa pang nakababatang kapatid ay naiwan sa London.


Dumating sa bansa si Arisxandra para sa ilang guest appearances sa local TV shows sa pamamagitan ng kanyang talent manager sa Pililpinas na si Neil de Guia.


Si Arisxandra ay nakatakdang pumunta rin ng Japan para sa kanyang TV appearances naman doon.

Si Arisxandra ang isa sa pinakabatang contestant sa nakaraang series ng Britain’s Got Talent.


Hinangaan ng husto ng mga judges ng show na sina Simon Cowell, David Williams, Alesha David at Amanda Holden si Arisxanda nang kantahin nito ang “I Have Nothing. Sa audition pa lamang ay umani na siya ng papuri nang kantahin niya ang “One Night Only.”


Nagkaroon ng pagkakataon na makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arisxandra.


Kapansin-pansin na napakagaling pa rin niya magsalita ng wikang Tagalog kahit anim na taon pa lang siya noon ay nanirahan na siya sa London.


Paano ba niya naisip na gusto niyang sumali sa Britain’s Got Talent?


“I wanna show people what I can do. Like, if I can sing or not and showing them my talents po.”


Eleven years old si Arisxandra nang sumali sa BGT at napabilib niya ang mga judges.


Ano ang naging pakiramdam niya?


“When I finished singing po, yung comment po ni Simon [Cowell], 'Are you actually 11?' And then, I said, 'Yes, I am.' And then, he said, 'You’re superhuman. You’re just amazing,'” nakangiting kuwento ni Arisxandra.


Ano naman ang mga hindi niya makakalimutang karanasan sa BGT?


“Meeting a lot of people there and friends.”


Nakilala na rin ba siya sa London?


“Yeah, when I shop and buying stuff, people are asking me, can I take your photo or are you the person in BGT. I was like, yes, I am and they said, they just recognized my face.”


Bago raw sumali sa BGT, lumalaban na rin si Arisxandra sa ilang maliliit na singing contest sa mga Filipino community.

Bata pa lang daw si Arisxandra, nakitaan na ito ng husay sa pagkanta.
Kuwento niya, “Actually, I started singing when I was four po. And then, I just got a brush and then, nag-sing po ako in front of the mirror with my brush.”


Natatandaan ba niya ang mga kantang kinakanta na niya noong apat na taon pa lang siya?


“I was singing 'This Is The Moment,' bulol pa po ako then.”


Ang daddy raw niya ang nagturo sa kanyang kumanta.


“My dad teaches me and my mom, she kept saying na she used to sing but she said, she doesn’t sing like me raw po.”

Ipinanganak sa Pilipinas si Arisxandra sa Nueva Ecija at anim na taon na siya nang pumunta siya ng England dahil doon na nagta-trabaho ang kanyang mga magulang.


Nakapag-aral pa raw siya sa Pilipinas.


“Nag-learn po ako rito and when we moved to England, I didn’t know how to speak English po and my mom teaches me.


"I learned from New Castle kasi, we used to live in New Castle and then, we moved to Nottingham po.”


Gaano kalapit sa puso niya ang pagiging Pinoy pa rin?


“Very close po,” saad niya.


“Kapag nandoon po kami sa house, nag-i-speak kami ng English. English saka Tagalog po, mixed.”

Kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto raw ni Arisxandra na maging artista at singer.


Hinahanggan niya sa mga local singers sina Sarah Geronimo at Charice. Nang dumating nga raw siya sa bansa, may sumalubong sa kanya na mga Chasters, ang tawag sa mga fans ni Charice.


Pangarap daw niyang maka-collaborate si Charice.


Willing ba siyang i-give-up ang buhay niya sa London kung sakali at mabigyan siya ng oportunidad dito sa Pilipinas?


“I don’t know, maybe, I could try here or you know, maybe I can visit them. Come down here and visit them.


“I sang here when I was four, so, I would like to be an artist here,” sabi pa niya.

Aware rin si Arisxandra sa mga nangyayari raw ngayon sa Tacloban at Leyte dahil sa bagyong Yolanda.


Sabi nga niya, “Sad po yun. I feel sorry for them, for all of the victims.”

Dugtong pa niya, “Actually, we went to a charity. It’s a charity for typhoon Haiyan. It’s for Bantay Bata. They raised lots of money.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN