Kimpoy Feliciano on joining Philpop: "Nabigyan ako ng pagkakataon to discover my talent."


Masaya si Kimpoy Feliciano na naging bahagi siya ng Philpop 2013 competition as a performer. He was the interpreter of the Myrus Apacible song titled "Sana Pinatay Mo Na Lang Ako," na maituturing na isa sa more popular songs to emerge from the competition. Madalas itong naririnig sa Baranggay LS FM.

Dahil sa success ng kanta, which gained extensive airplay, at nakakuha ng maraming hits sa Internet, naging daan ito upang mapasok niya ang showbiz. Apart from getting a CD Lite composed of four songs, nakasama rin si Kimpoy sa GMA-7 series na With A Smile kunsaan nakatrabaho niya ang idol niyang si Christian Bautista.

“I never expected something like this is going to happen,” wika ng 20-year-old singer na naging YouTube sensation para sa kantang "Ikaw Lang."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Kimpoy during the launch of Philpop’s 2014 songwriting competition.

“It opened new doors for at nabigyan ako ng pagkakataon to discover my talent."

Nagpapasalamat rin ang binata na may dumating na ganitong break sa kanya. “It was overwhelming kasi maraming kakaibang experiences ang nangyari sa akin since I started out in showbiz a year ago,” wika ng singer.

“Kahit ako ay nagulat sa mga nangyari, like me a having a CD Lite tapos nakagawa pa ako ng TV show with my idol. Alam ko na marami akong dapat matutunan as I go about here in showbiz but I can say I am lucky to have a good start.”

The singer is celebrating his 21st birthday this month and he is quite excited.

“I guess there will be more challenges to tackle ahead. With me turning 21, I guess I should be more focused now on what I do. Kailangan maging seryoso sa career at maging sa buhay din kasi at 21, one ought to plan for the future. Maganda yung may goal ka na gusto mong maabot and you work hard to earn it. Mas nakaka-inspire magtrabaho pag if you have a goal to reach."

Kimpoy is hoping to be a part again of Philpop, which has just launched its songwriting competition for 2014. Pwede na magpadala ng entries ang lahat ng mga interesadong songwriters, baguhan man o professional. Kahit na foreigner, basta may dugong Pinoy ay pwede rin mag-submit ng entry.

Pinag-iisipan din ni Kimpoy kung susubukan niyang sumali sa songwriting competition.

Ang Philpop Music Fest Foundation ay isang organisasyon na naglalayon na i-educate ang now generation as well as the future generations of our country sa kahalagahan ng musika sa ating cultural identity. Bahagi rin ng mission vision ng Philpop na magtaguyod ng isang songwriting competition na bukas sa amateur at professional composers, na nag-e-encourage sa kanila na gamitin ang kanilang sariling genre, theme and tipo ng awitin para maka-inspire sa mga tao.

Sa 2013 edition, ang winning song ay "Dati," interpreted by Sam Concepcion, Tippy dos Santos, at Quest. Sinulat ito ng R&B duo na sina Thyro Alfaro and Yumi Lacsamana.

Maaaring magsubmit ng entries sa official website ng Philpop (www.philpop.com.ph) hanggang February 28, 2014.

Ayon sa Philpop, narito ang guidelines para sa mga gustong sumali sa songwriting tilt:

"The competition is open to amateurs and professionals, songwriters of Filipino descent (so even those residing abroad can join), whose song entry is written in a popular or new song genre, or a fusion thereof, in any form or structure, in Filipino, a Philippine regional language, a Philippine dialect, English, or any combination thereof.

"The song entry must be entirely original. It must not be licensed to any publisher; has not been printed and distributed as hard copy; or through the internet; has never been previously recorded and must not infringe on any existing copyright or any other rights. It must not have been performed live in any venue, on traditional radio and television, or internet, or pre-recorded and uploaded on the internet, or recorded on video or other format for future broadcast."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN