Ai-Ai delas Alas to go topless in her major concert on November 16


Comedy Concert Queen Ai-Ai delas Alas will stage her major concert on November 16 at the Big Dome. Billed as AiAiay... The Greatest Performance of My Life, one of the highlights of Ai-Ai's concert is her topless Brazilian number.


Na-postpone ang dapat sana'y double celebration ni Ai-Ai delas Alas last Sunday, November 11. Magbubukas na dapat noong Linggo ang ikatlong branch ng AiSarap restaurant niya sa tabi ng Pinoy Big Brother house at katapat ng ELJ Building ng ABS-CBN, kasabay ng pagdiriwang ng kanyang 43rd birthday.

"Hindi pa tapos gawin yung restaurant. Marami pang kailangang ayusin," sabi ni Ai-Ai sa presscon ng kanyang concert na AiAiay... The Greatest Performance of My Life.

Wish naman ni Ai-Ai na maraming manood ng kanyang concert on November 16 sa Araneta Coliseum. Anim na taon din nang huling magkaroon ng solo concert si Ai-Ai sa Big Dome kaya miss na miss na raw niya ang mag-perform dito.

"And for sure, nami-miss din nila ako mapanood sa Araneta!" ngiti ni Ai-Ai.

FOR ADULTS ONLY. Pero pinauuna na ni Ai-Ai na bawal ang bata sa concert niya dahil hindi raw niya kontrolado ang mga sasabihin at gagawin niyang kalaswaan sa AiAiay... The Greatest Performance of My Life.

In fact, mismong mga anak niya ay papasukin niya sa dressing room habang nagpe-perform siya. Ipapahatid daw niya sa panganay niyang si Sancho ang dalawang kapatid nito na sina Sean Nicolo at Sofia sa dressing room kapag nagsimula na ang concert. Si Sancho lang daw ang puwedeng manood sa kanya dahil first year college na ito.

Speaking of Sancho, binata na ang panganay ni Ai-Ai. Anytime ay puwede na rin siyang bigyan ng apo ni Sancho. Pero mariing sinabi ng comedienne na hindi pa siya ready na maging lola.

"Hay naku, nagko-condom ‘yon!" pambubuko ni Ai-Ai sa anak. "Nakikita ko may dala laging condom si Sancho. Ako mismo ang nagsabi sa kanya gumamit siya nun. Safe sex, di ba? Or else, out siya sa house ko kapag naging tatay na siya. Siyang mag-isa ang bumuhay sa pamilya niya, ‘no! Although bilang ina, pag-aaralin ko pa rin siya kasi responsibilidad ko ‘yon sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TOPLESS. Isa sa highlights ng show ang pagta-topless ni Ai-Ai sa concert. So far, ito na raw ang pinaka-daring na gagawin niya sa kanyang concert. "Mala-Brazilian ang dating ng outfit ko diyan!" bitin na kuwento ni Ai-Ai.

Hindi rin mawawala ang trademark ni Ai-Ai na manghipo sa kanyang male celebrity guests. Nakahanda na si Ai-Ai na hipuan ang dalawang nagguguwapuhang hunks na sina Derek Ramsay at Zanjoe Marudo.

"Hindi ako natatakot kina Mariel [Rodriguez] at Angelica [Panganiban], ‘no! Hihipuan ko talaga sila at pagkukumparahin ko!" sabay tawa ni Ai-Ai. Sina Mariel at Angelica ay iniuugnay kina Zanjoe at Derek, respectively.

Paano kung umapela sina Mariel at Angelica sa gagawin niya?

"Ay, si Mariel wala siyang magagawa dahil nasa loob siya ng Bahay ni Kuya! ‘Tsaka hihiramin ko lang naman sila sandali. At hipo lang naman ‘yon!" sabay tawa ni Ai-Ai.

Bukod kina Derek at Zanjoe, special guests din ni Ai-Ai sa concert niya sina Pilita Corrales at Sarah Geronimo. Makikipagsabayan si Ai-Ai ng biritan kay Sarah habang ita-translate naman sa Bisaya ni Pilita ang Top 40 hits.

Si Rowell Santiago ang magdidirek ng concert ni Ai-Ai habang si Louie Ocampo ang musical director at si Floy Quintos ang scriptwriter.

GREATEST PERFORMANCE. Ano ang maituturing ni Ai-Ai na greatest performance sa kanyang buhay?

"Ay! Dyusko po, may kakabog pa ba sa pinagdaanan ko pagdating sa lovelife ko? Lahat na yata ng klaseng pain sa karelasyon naramdaman ko. Pero kahit paano, nakaraos naman ako nang maayos.

"Pangalawa, yung pagiging ina ko sa mga anak ko. Talagang handa akong itaguyod sila at bigyan ng maayos na edukasyon.

"Pangatlo, yung pagkilala sa akin bilang aktres at box-office queen!"

Three years from now, ise-celebrate naman ni Ai-Ai ang kanyang 20th year sa showbiz. Sa darating na three years, ano pa ang gusto niyang ma-achieve?

"Kung meron man siguro, another box-office title. Gusto ko makaisa pa. Kasi yung isa, puwedeng sabihin nila tsamba lang, e. Pero kung dalawa na, di ba, wala nang magkukuwestiyon," seryosong sagot ni Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

After the concert, haharapin naman ni Ai-Ai ang promo ng movie niya na Pasukob with Rufa Mae Quinto. Kasabay nito ay ang pagsisimula niya sa bagong fantaserye ng ABS-CBN, ang Princess Sarah.

Hinahanda na rin ang susunod niyang fantaserye, ang remake ng Volta. And then, balik-drama siya sa Nagai-Aida na kukunan sa Japan sa direksiyon ni Ruel Bayani. Makakasama ni Ai-Ai sa Nagai-Aida sina Kim Chiu, Gerald Anderson, at ang muling pagsasama sa telebisyon nina Maricel Soriano at Cesar Montano.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN