Queen of Soul Jaya returns to the recording scene after two years


After two years of absence in the recording scene, Queen of Soul Jaya releases her first album with GMA Records titled Cool Change.



Matagal na panahong naging prized possession ng Viva Records si Jaya, pero ngayon ay nagdesisyon siyang lumipat sa GMA Records, ang recording arm ng Kapuso network.

Ikinuwento ni Jaya ang pagsisimula niya sa recording scene during the presscon of her first album with GMA Records titled Cool Change last November 15, at Circle Café in Quezon City.

"Yung album namin ng 1998, dun na nag-start yung Baby Child Productions, nag-branch out. ‘Tapos pumasok din kami sa Viva, parang co-prod ‘yon. After ng '98, '99...2001, umalis na rin ako, naghiwalay na rin kami ng asawa ko [her first husband], so we have to cut the ties with Baby Child Productions and Viva. Bumalik ako sa Viva na wala nang tie-up with any other company."

GOODBYE, VIVA. Bale apat na taon din nakakontrata si Jaya sa Viva Records kung saan siya nakilala bilang Queen of Soul. Nang mag-expire na ang kontrata niya sa Viva Records ay nagdesisyon si Jaya na magpaalam na.

"Nagpaalam ako nang maayos," paglilinaw niya. "Sinabi ko kay... ‘Eto yung time kasi na si Wyngard [Tracy], yung dati kong manager, magre-retire na. So, nagpaalam siya sa akin.

"Sabi ko, ‘Ah, e, di puwede akong magpa-manage kay Maristel San Pedro?

"Sabi niya, ‘Ay, oo, great! Go, go for it!'

"Sinabi ko kay Maristel na gusto kong magpaalam sa Viva, kasi parang I don't see any other hope, or anything big that might happen with the contract.

"So, sabi niya, ‘Sige, try natin. Kung paaalisin ka, great. Kung hindi, tapusin natin yung commitments.' Pinayagan naman ako, walang hard feelings with them [Viva]," kuwento ni Jaya.

Kaya ba siya nagdesisyong umalis ay dahil pinabayaan na siya ng Viva?

"Hindi siguro pinabayaan," paglilinaw niya. "Parang naiba lang siguro yung takbo ng pamamalakad nila. Nagsulputan kasi ang mga mas batang singers. Wala akong magagawa, ganun talaga ang buhay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Malaki ang utang na loob ko sa Viva, malaking-malaki. Alam ni Boss Vic [del Rosario] ‘yan, alam ni boss Vincent ‘yan, nina Tita Baby Gil. Lahat ng mga tao sa Viva, wala silang nagawa sa akin kundi puro kabutihan.

"But there comes a time when everything must end," patuloy ni Jaya. "You'll never know, malay mo, bigla na lang may mangyari na namang something, maging co-production ang Viva. Hindi ko alam, di ba?"

Pero aminado rin si Jaya na kahit papaano ay sumama rin ang loob niya sa Viva Records noong mga huling bahagi ng kontrata niya sa naturang recording company.

"Sige, wala nang plastikan, sumama ng konti ang loob ko," diretsahan niyang sabi. "Pero hindi ko ‘yon ikinahimatay. Nung nagsara yung pinto na ‘yon, ang daming nagbukas, in fairness. Basta ang alam ko, that's one episode in my life na dapat magpasalamat pa rin akong nangyari dahil kung hindi, wala, wala ito."

TWO-YEAR DARKNESS. Ang "ito" na tinutukoy ni Jaya ay ang album nga niyang Cool Change. Naglalaman ito ng mga revivals na "Is it Over?" bilang carrier single; ang title track na "Cool Change"; Just Once"; "Through The Fire"; "Points of View" na duet niya with Regine Velasquez; "On The Radio" na original song ni Donna Summer; "Girlfriend"; "For The First Time" ni Kenny Loggins; "Just Because" ni Aretha Franklin; "Why Can't It Be?"; "Living Inside Myself"; at "Cody's Song" na handog ni Jaya sa kanyang anak na si Sabriya.

Pagkatapos niyang hindi mag-renew ng kontrata sa Viva Records, dalawang taong nabakante bilang recording artist si Jaya.

"Walang gustong mag-sign up sa akin!" tawa niya. "Kunwari ikaw, writer ka, wala nang gustong tumanggap sa ‘yo. Di ba, nakakaloka ‘yon? Parang hay! Na parang hindi na siya kailangan ng music industry.

"Una kong inisip ‘yan, na ano ba ang gagawin ko? Pero nung after a while, sabi ko, ‘Ay, gusto ko ito, challenge! May dahilan.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Walang nag-approach na ibang recording company kahit Jaya na siya?

"Talaga!" sagot niya.

Hindi siya kinuha ng IndiMusic nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid?

"Ay, hindi kami nakapag-usap about that, yung I Music," sabi ni Jaya. "At that time, wala, e. Kasi even them [Regine and Ogie], kunwari magkakasama kami, hindi naman kami nag-uusap na, ‘Hoy, gagawa ako ng album, Iyay [nickname ni Jaya], puwede bang ano, tsumika ka sa production?' Wala, wala kaming napag-uusapan. Kaya nga nung nag-I Music siya, hindi ko alam. Hindi ko namalayan na may I Music pala."

Kaya dalawang taon na madilim ang kanyang paligid?

"Sa recording lang siguro," sabi naman ni Jaya. "Pero you know, kapag may dilim talaga, may liwanag. At pag lumiwanag naman, sumusobra. Hindi, talaga, pasalamat na din ako sa Diyos na binigyan niya ako ng hirap. In fairness, kayang-kaya ko talagang dalhin. Walang nakaalam, di ba? Ano ba ‘yan, walang nakakaalam kapag malungkot ako!"

SEXBOMB SNUB ISSUE. Samantala, lumabas ang balita na inisnab daw ng ilang SexBomb Girls si Jaya nang minsang nasa sa studio sila ng Sunday musical variety show ng GMA-7 na SOP. Pero nilinaw naman ng singer-TV host na hindi siya humingi ng apology mula sa all-female group dahil sa nangyari.

"Ay, hindi! Sabi ko nga, hindi naman kailangang mag-apologize," giit ni Jaya. "Si Miss Joy Cancio [SexBomb manager] na mismo ang nag-text sa akin, na humingi na siya ng pasensiya.

"Sa akin, hindi ko nga kailangan, e. Ang nangyari, nagkukuwento lang ako, nakalabas. Sabi ko, 'My God, anong nangyari?' Baka naman sabihin ng tao, gumagawa ako ng gimik. Katsipan, di ba? Hindi ako magimik na tao. Alam ninyo ‘yan, kilalang-kilala ninyo ako."

Nagbigay rin ng mensahe si Jaya para sa SexBomb: "Alam ninyo, maiksi ang buhay ng tao, lalo na ang career ng tao sa industriya. Ngayon, kung may mga pagkakataon, magkusang-loob na lang kayo na kahit smile lang. Alam ko naman na pagod kayo, pangkaraniwan na ‘yan sa mga artista. So just try to nod, or do acknowledge yung mga tao. Kahit ako, huwag na ninyo akong pansinin, dedmahin na ninyo ako habang buhay, okay lang. Pero sa ibang tao, napapansin talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami na rin daw kasing nakakapansin sa pangde-dedma ng ilang miyembro ng SexBomb sa ibang artista, pero si Jaya lang ang naglakas ng loob na mag-voice out ng kanyang obserbasyon.

"Marami kami na nakakapansin, pero wala kaming hinaing. Napag-usapan lang," sabi ng Queen of Soul. "Siguro, alam mo, in a span of few weeks na, e. Yung last-last... Two weeks ago? Basta yung last na nag-guest sila [SexBomb] sa SOP na kasama ako sa opening.

"Feeling ko, mga pagod. Paroo't parine sila sa hagdan. Sa akin lang, wala akong ginawa sa inyo. Kahit ganun, kindat, kilala ko naman sila, e."

Ano ba ang eksaktong sinabi ni Jaya tungkol sa SexBomb na pinagmulan ng isyu?

"Kay Allan K. ko sinasabi. ‘Allan, ano ba'ng tsika ng Sexbomb?'

"Sabi niya, ‘Bakit?'

"‘Bakit walang nag-aano? Parang dedmatic society?'

"Sabi niya, ‘Ay, say ko sa kanila!'

"Sabi ko, ‘O sige!'"

Pero nilinaw ni Jaya na hindi si Allan ang nagkalat. "Hindi! May mga tao sa dressing room kasi," sabi niya.

Sina Jaya at Allan K ang hosts ng All Star K.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN