Pinky Amador to perform Edith Piaf songs for her pre-Valentine show Paris Romance with Pinky Amador

Pinky Amador is made up as French diva Edith Piaf in this handout photo (left). Pinky will perform Edith Piaf songs during her pre-Valentine show to be held at Resorts World Manila.


Isang pre-Valentine show ang handog ng veteran theater and TV actress na si Pinky Amador sa Bar 360 sa Resorts World Manila mula January 18-25 at February 1-8. Pinamagatang Paris Romance with Pinky Amador, ipaparinig ng singer ang timeless love songs.

Kinilala na ang husay ni Pinky bilang theater actresses sa pamamagitan ng mga acting awards tulad ng dalawang Aliw Awards for Best Stage Actress, Gawad Buhay Award for Best Featured Female Performer in a Musical, Parangal ng Bayan Award for Culture.

Isa rin siya sa original cast members ng Miss Saigon sa West End sa London at isa sa mga respetadong supporting actresses sa local showbiz.

Hindi maitago ang excitement sa mukha ni Pinky nang makausap ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang miyembro ng entertainment media sa presscon nito sa Dayrit's Restaurant sa T. Morato, Quezon City kahapon, January 15.

Panimulang kuwento niya, "Yes, I'm really very excited about this upcoming concert.

"Paris Romance is a pre-Valentine concert featuring myself and singing the famous songs of Ms. Edith Piaf.

"Bunga ito ng performance ko sa Atlantis Productions na Piaf last year. Marami ang natuwa, marami ang nagsabing gusto naming marinig kang kumanta ulit.

"And then, nanood lang ako ng show ni Marissa Sanchez, then sinuportahan ko siya then pinakanta ako ni Kingson Sian who I worked with over a year in Sound of Music.

"Pamilya ko na rin siya and when he saw me onstage and singing, he said, 'Why don't we have you singing in Bar 360 these songs.

"For a mainstream actor, a TV actor, I think singing these songs of Piaf is something different na hindi mo makikita ng basta-basta-ibang putahe talaga siya."



BRINGING LIFE TO A FRENCH DIVA. Si Edith Piaf ay ang pamosong French singer na kinilala bilang isang French diva sa buong mundo noong kapanahunan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, si Kingson Sian ay ang presidente ng Resorts World Manila na isa sa producers ng local musical play na Sound of Music.

Dagdag pa ni Pinky, "Ang nakakaiba pa rito sa concert na ito kasi ang kalaban ay mga slot machines. Hahaha!

"So every two songs I have to change—I have to change the tempo, who i am singing with, the type of songs. I have to get this audience participation and I can promise na makikita nila yung kwelang side ko dito."

Pagkatapos ng group interview, ipinarinig ni Pinky sa entertainment media ang version niya ng "La Vie en Rose" sa tatlong languages: ang French, English and Filipino.

Sumikat ang kantang ito ni Ms. Piaf noong 1946.

Sabi niya, "Hindi madaling kumanta ng French.

"Yes, I did study before for a whole year but I studied it before kasi dream role ko talaga ito.

"Pinag-aralan ko siya and I got a personal coach to help me in the pronounciation.

"And then I went to a vocal teacher to help me with how to sing it kasi French songs are ...it's really hard to see from the throat, it's quite bad.

"So, yun, kakatakut-takot na pag-aaral ng techniques. Hindi talaga siya madali.

"But once kasi you get in to her songs and how much joy it gives to people and the musicality, it's so...parang makakalimutan mo ang lahat ng pinaghirapan mo."

Dahil dati nga siyang cast member ng Miss Saigon, inalam namin sa kanya ang kanyang pakiramdam na maraming Pinoy na naman ang nakasama sa muling pagbubukas ng isa sa pinakamatagumpay na musical plays sa buong mundo

Pagmamalaki niya, "I wouldn't have expected anything less.

"In fact, if you auditon for [Cameron] Mckintosh or Claude Michel [Schönberg], if they knew you are Filipino, mataas na ang expectations sa iyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, ang masasabi ko sa kanila, do your work well, value your relationship with each other and tryto keep your options open.

"Ibuka lang nila ang isip nila, be thankful and really share their talents, I think everything else follows."

Sa puntong ito, naitanong sa kanya kung kumusta naman daw ang lovelife niya lalo na't isang pre-Valentine show ang offer niya sa kanyang audience.

"Kumusta nga ba?" natatawang sabi ng TV and movie actress. "Hindi ko alam kasi wala akong ikukumusta.

"I'm not discounting it. Open ako to meet people, it's just that, ang dami kong trabaho. Nakakahiya naman kung hndi ko papansin ang trabaho.

"Actually, pinapansin ko rin ang lovelife ko kaya lang wala namang dumarating. Kahit gusto kong pansinin, wala namang gustong pumunta sa akin."

Pero, open din ba siya sa kung sino man ang interesado sa kanya?

Sagot niya na muling natatawa, "Ano ito job application?

"Yes, of course, open.

"Dating? No...no...none."

Kung sakaling meron man, ano ang mas type niya? Isang foreigner o kapwa Pinoy?

"Ano'ng putahe? Ganun," sagot niya na patuloy pa ring natatawa siya bago siya nagseryoso sa pagsasabing, "Alam mo, basta matino.

"Matinong kausap, mabait and can understand that somebody has a career in the arts at siyempre I'm looking somebody who is serious."

Paano raw kung mas bata sa kanyang edad ang magkagusto sa kanya?

Aniya, "Katulad rin ni Ms. Piaf, di ba? Ang dami niyang naging boyfriend. naging asawa na mas bata sa kanya.

"Sa akin? Question mark," na binawi rin niya kaagad.

"No, I mean sa akin, if the person is right and if it feels good and you understand each other, then why not?

"Age isn't really a factor pero mas maganda sana kung mas malapit sa age ko, di ba, na siguro pareho na kami na pinagmulan or mas pareho na kami in terms of career, in terms of understanding in terms of accomplishments.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas madali ang ganun, di ba, rather than somebody who is just starting."





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN