Regine Velasquez pays tribute to Filipino teachers through the song "Believing In Me"



Malaking karangalan para kay Regine Velasquez-Alcasid na sa kanya ipinagkatiwala ng PLDT-Smart Foundation ang pagkanta ng PLDT Gabay Guro tribute song for the Filipino teachers, ang "Believing In Me."


Ito ay pinagtulungang isulat ng mag-asawang Raul and Cacai Mitra, bayaw at kapatid ng Asia’s Songbird. Ang Gabay Guro ang education arm at flagship project ng PLDT Smart-Foundation, na tumutulong sa mga guro sa Pilipinas. Pinamumunuan ito ni 2013 Ten Outstanding Young Men (TOYM) awardee Chaye Cabal-Revilla at suportado ni PLDT Chairman Manny V. Pangilinan.


Sabi ni Regine tungkol sa kanta, “Tribute ito ng PLDT-Smart Foundation for our teachers, and actually, nagpapasalamat ako sa kanila for including me in this [project]. Ang ginawa ko lang naman ay kumanta lang naman ako ng magandang awitin na parang tribute nga to our teachers.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Regine sa Gabay Guro presscon kahapon, Enero 20, sa Luxent Hotel sa Timog Avenue, Quezon City.



FOR THE LOVE. Inihayag naman ni Chaye (na umaming certified Regine fan) na hindi nagpabayad ang Songbird maging sina Raul at Cacai para mabuo at mai-record ang kanta.


Sabi nga ni Chaye, “Wala akong masabi kay Regine, sobrang bait. Kaya nga idol ko iyan, e. Hindi ko lang siya idol sa pagkanta, kundi pati sa pagkatao. Kaya nagpapasalamat kami sa Gabay Guro hindi lang kay Regine pati kina Cacai at Raul. Since kami volunteers kami rito sa Gabay Guro, considered as volunteers na rin sila.”


Bukod sa hindi nagpabayad ng talent fee, tuloy-tuloy din ang suportang ibinibigay ni Regine sa Gabay Guro.


“Because sayang naman, e, ni-record ko, tapos siyempre you want to continue with it, di ba? Kasi hindi naman ito one-time lang. Hindi ko pa nga nakakanta ito nang live para sa mga teacher. Ang wish ko nga this year, I’ll be able to sing it for them nang live. So, hopefully I’ll be able to do that. And ano na ito kasi parang advocacy na ito sa kanila, e, na to help out the teachers, to touch their lives, hopefully change it a little bit, so that yung lahat din naman ng mata-touch nila maiiba… mababago rin yung buhay.”


Hindi nakanta ni Regine nang live ang tribute song sa Gabay Guro grand gathering noong Oktubre 2013 dahil nagkataong nasa Amerika siya noon para sa isang commitment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Para kay Regine, ang pagkanta ng tribute song ay isang paraan din daw niya ng pagpapakita ng appreciation at pagpapahalaga sa ating mga guro.


“Yes, kasi lahat naman tayo malaki ang utang na loob natin sa mga teacher bilang sila yung pangalawang magulang natin, parang ganun. Kasi biruin mo five days in a week kasama natin yung mga teacher.”


Kung maipapasok din daw sa schedule niya, gusto ni Regine na makasama sa Gabay Guro team sa pagbisita at pagpapasinaya sa mga classroom na ipinapagawa nila sa Leyte, na sinalanta noong isang taon ng bagyong Yolanda.


Dahil sa ganda ng "Believing In Me" ay isinama ni Regine ang naturang kanta bilang bonus track sa kanyang album na Hulog Ka Ng Langit under Universal Records.


“Actually, it’s part of the album already. We included it na. Sinama na siya as a bonus track sa Hulog Ka Ng Langit. E, tamang-tama kasi pang-mommy yun [album], so puro mommy naman o karamihan mga mommy naman ang mga teacher, so tamang-tama nasa concept pa rin siya.”


Gusto rin ni Regine na may mga gurong makapanood ng kanyang Valentine concert with Martin Nievera, ang Voices of Love, sa February 14 sa Mall of Asia Arena.


Ayon kay Gary Dujali, PLDT-Smart executive, nagsasagawa ng promo ang Gabay Guro sa website nitong www.gabayguro.com at sa Facebook at Twitter accounts nito para sa mga gurong gustong manood ng concert. Namimigay sila ng dalawang tickets araw-araw para sa mapipiling pinakamandang post o istorya.



TEACHER REGINE? Sa presscon ay inamin ni Regine na noong bata siya ay pinangarap niya ring maging teacher paglaki niya.


“I wanted to [be a teacher] before. E, di ba, nung maliliit naman tayo yun ang [gusto natin] pag nakikita natin ang teacher natin lalo na pag meron kang nakitang tuwang-tuwa kang teacher, naging idol mo, parang gusto mo ring maging teacher. Pero hindi ako doon dinala, e.”


Kung hindi siya singer ngayon, sa tingin niya ba posibleng isang teacher siya ngayon?


“Yeah, I would have been. I’d love to. Music din siguro yung ituturo ko. Why not, di ba?”


Hanggang high school lang ang natapos ni Regine dahil pinasok na niya ang pagkanta profesionally noong 16 years old siya matapos niyang manalo sa Ang Bagong Kampeon. Pero kung mabibigyan ng pagkakataon gusto pa rin daw niyang ituloy ang pag-aaral.


“I wanted to go back to school kaya lang because of what I do now, unfortunately, hindi ko na nga naipagpatuloy ang pag-aaral ko. Mga kapatid ko na lang ang pinag-aral ko, they’re all finished. So, yun kahit hindi ako nakatapos, yung mga kapatid ko naman nakatapos, so okay na ako doon. Pero kung may chance kahit matanda na ako gusto ko pa ring mag-aral.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN