Pinoy pop boyband Down To Mars does its share of relief efforts for Yolanda victims

The Down To Mars members recount their charity mission in Japan where they were able to solicit relief funds for the typhoon Yolanda victims: “Pumunta kami doon na-hit na ng earthquake ang Bohol at saka Cebu. Tapos noong nagka-Yolanda po mas marami na po yung nagbibigay sa coin banks na dala namin. Nagulat nga po kami noon e kasi hindi po namin ine-expect na ganun kalaki yung maiipon namin.”


Naging makabuluhan ang pagtatapos ng 2013 at pagsalubong ng 2014 para sa P-Pop (Pinoy Pop) boyband na Down To Mars dahil nakakalap sila ng cash donations para sa mga biktima ng mga nakaraang kalamidad—ang naunang lindol sa Bohol noong Oktubre at ang bagyong Yolanda noong Nobyembre—sa kanilang series of shows sa Japan.

Nasaksihan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press ang ginawang pag-turnover ng cash donations na ito ng Down To Mars kay Philippine Red Cross (PRC) Secretary General Gwendolyn Pang sa 30th Biennial Convention ng naturang humanitarian organization na ginanap noong Enero 28 sa Manila Hotel.

Pagkatapos ng performance at turnover ng grupo ay nakausap ng PEP ang Down To Mars upang hingan ng detalye sa kanilang ginawang pagkakawanggawa.

Ang Down To Mars ay binubuo nina Jang Amparna, Kenji Chua, Daisuke Hagihara, Jeongwon Song at Yheen Valero.

Ayon kay Jang, ang tumatayong leader at speaker ng grupo, kung iku-convert nila, aabot din ng humigit-kumulang sa P150,000 ang nai-turnover nilang halaga sa PRC mula sa 30 coin banks na dala nila sa Japan.

“Kasi po nasa 334,000 yen din yung nakuha namin mula sa coin banks na dala namin sa Japan. Tapos po yung last coin bank po na hindi pa po namin binubuksan, mas marami pong laman na papel yun.

“Kasi po noong pauwi na kami sinabi po namin na, ‘Sana po, pauwi na kami, sana po wala nang coins, papel na lang po.’ Ang babait naman po nila.”

RED CROSS AMBASSADORS. Pebrero 25 noong nakaraang taon nang hirangin ng Philippine Red Cross ang Down To Mars bilang ambassadors. Pero paano sila napili?

“January po kasi last year, nag-perform po kami sa Quirino Grandstand. In-invite po kami ng Red Cross tapos na-meet po namin si Chairman Dick Gordon.

“Nakita po kasi niya yung response ng mga tao nung nag-perform po kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi niya, ‘Let’s get them.’ Lumapit po kami sa kanya at sinabi po namin na willing kaming maging ambassadors po nila.

“That was January, tapos nung February po nag-set na po para maging official po na maging ambassadors po kami,” salitang kuwento nina Jang at Jeongwon.

CHARITY MISSION IN JAPAN. Tatlong buwan ding namalagi ang Down To Mars sa Japan para sa kanilang series of shows doon. Umalis sila noong Oktubre 2013.

Kaninong idea ang pagdadala nila ng coin banks mula sa PRC?

“Sa amin po. Noong una kasi bago kami pumunta ng Japan inisip po namin kung paano ba magiging memorable yung performances namin sa Japan.

“Yun nga po yung naisip namin. Tapos nanghingi po kami ng dispatch letter from the Red Cross po para properly endorsed po kami.

“So, natupad po namin yung goal po namin na maging memorable po yung stay namin at performances sa Japan,” sabi ni Jang.

Anong mga lugar ang pinuntahan nila sa Japan?

Ayon kay Jeongwon, “Marami po e, ikut-ikot po gaya sa Tokyo, Nagoya, Osaka, Kyoto, may iba pa po. Kada week po meron po kaming performance.

“Minsan nga dere-deretso. Pero may rest day naman po at saka nakakapasyal din po kami. Every performance po namin dala-dala namin yung mga coin banks.

“Pero may service naman po kami doon kaya hindi naman po kami nagbibitbit doon.”

Nagkuwento pa si Jang tungkol sa mga show nila sa Japan.

“Like yung Philippine Embassy po doon sa Osaka, meron po silang isang event doon na nag-gather po yung mga Pinoy sa Osaka, tapos yun po nag-perform po kami sa mga Filipino community, tapos Japanese community.

“Nakakatuwa po pag nagpi-perform kami sa mga Japanese, Koreans at Chinese, kasi parang akala po nila kabilang po kami sa kanila.

“Pero sinasabi po namin ambassadors po kami ng Red Cross, mga Pinoy po kami. Masaya po yung experience namin doon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang pumunta sila sa Japan ay hindi pa nga nagaganap ang pananalasa sa bansa ng bagyong Yolanda.

“Opo, wala pang Yolanda noon. Pumunta kami doon na-hit na ng earthquake ang Bohol at saka Cebu. Tapos noong nagka-Yolanda po mas marami na po yung nagbibigay sa coin banks na dala namin.

“Nagulat nga po kami noon e kasi hindi po namin ine-expect na ganun kalaki yung maiipon namin,” sabi nina Jeongwon at Kenji.

MISSED THE PHILIPPINES. Dahil nga matagal din silang nawala, na-miss daw talaga nila ang Pilipinas lalo na ang pagkaing Pinoy at ito ang hinanap nila sa pagbalik nila sa bansa noong Enero 5.

Si Jang nga ay kaagad nagpaluto ng pritong galunggong at ginisang munggo sa kanyang mommy. Habang ang ibang members naman ay kaagad kumain sa Jolibee.

“Wala po kasi kaming nakitang Jolibee doon. Meron pong Filipino restaurants doon pero siyempre iba pa rin yung lutong bahay talaga, yung luto ni mommy, 'di ba?” ani Jang.

“Ako po nagpaluto po ako ng nilagang baka,” sabi ni Daisuke.

Na-miss din daw nila ang Pasko at Bagong Taon sa Pilipinas.

“Nakakalungkot din po doon, kasi doon nga kami nag-Christmas at New Year. Kasi doon parang ordinaryong araw lang e,” ani Kenji.

Kasama rin sa na-miss nila ang kanilang mga fans.

“Kaya nga po pagbalik namin noong January 5, sabi namin, ‘O sige, pahinga muna tayo ng two weeks kasama ng mga pamilya natin.’

“Tapos noon nag-start na po kaming mag-reach out sa mga fans namin, sa mga Martians.

“Although naa-update po naman namin sila sa Facebook sa mga nangyayari sa amin kahit noong nasa Japan pa kami,” ayon kay Jang.

BIG CHANGES IN THE GROUP. Sa pagbabalik nila sa bansa, may mga pagbabagong naganap sa Down To Mars. Una na nga rito ang pagkabawas ng dalawang miyembro nila—mula sa pito ay lima na lang sila ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ba ang nangyari kina Sky Young at Kiro Rivera?

Paliwanag ni Jang, “Nagkaroon po sila ng ibang priorities. Si Sky po kasi ay naipit sa family business nila at sa grupo.

“Pinili po niya yung business nila kasi gusto nga ng daddy niya na siya na ang mag-handle nito. Si Kiro naman po may iba ring priority.

“Pero okay pa rin po ang samahan namin kina Sky at Kiro. Last week nga lang po magkakasama pa kami. So, kami pong lima yung natira. Pero okay naman po ang grupo, kaya naman po.”

Sumunod na pagbabago ay ang pag-alis nila sa poder ng manager nilang si Geleen Eugenio.

“Nag-expire na po kasi yung contract namin kay Tita Geleen, so hindi na kami nag-renew. Hinihintay na lang po namin yung release papers.

“Pero nagpapasalamat po kami sa lahat ng ginawa niya at naitulong sa grupo. Actually, co-managed po kami ng GMA Artist Center and natapos na rin po yung kontrata namin sa kanila.

“Right now po, si Tita Bing, yung mommy ni Kenji po ang nagha-handle sa amin pati po sa bookings. Katulong po niya si Kuya Robert [Santos], yung road manager po namin.”

NEW ALBUM. Ayon pa kay Jang, kasama rin sa pagbabagong magaganap sa Down To Mars ang kanilang pinaghahandaang second album.

“Magpu-focus po kami sa pagiging musician namin this time and of course, nung first album po namin puro English songs po yung laman ng album.

“So, this time we’re gonna make it po na puro Tagalog po kasi ang target market po namin talaga is the Filipino audience.

“Tapos at the same time may mga English songs pa rin po kami na na-compose, so sabi namin itabi muna natin itong mga ito.”

Isa lang ang Tagalog song nila sa kanilang self-titled first album, ang “Nandito Lang Ako,” na naging theme song pa ng Koreanovela na ipinalabas sa GMA-7, ang Smile Dong Hae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, yung Tagalog song po namin na iyon yun po ang malakas sa Japan tuwing kinakanta po namin,” sabi ni Jeongwon.

Isa pa sa naging hit song nila ang “My Everything,” kung saan nakasama nila sa music video nito ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. Plano ba nilang kunin ulit si Marian sa second album nila?

“Opo, gusto po namin yun kung papayag po ulit si Marian. Mahal po ng Down To Mars si Marian Rivera. Gusto po namin siyang kumustahin kasi may Carmela po siya ngayon e,” sabi ni Yheen.

Aware din daw sila na isa rin sa mga ambassador ng Red Cross si Marian.

“Sana nga po makasama rin namin siya minsan sa mga show namin sa Red Cross,” ani Daisuke.

MORE PROJECTS. Inihayag din ni Jang ang iba pa nilang mga gagawin ngayong 2014.

“May plan po kasi ang Down To Mars at Philippine Red Cross na magka-campus tour po kami. Kasi ang target po namin po is yung youth po.”

Magkakaroon din daw sila ng guest appearance sa remake sa Pilipinas ng Kitchen Musical.

“Mag-start po siyang mag-shoot ng February, i-air po siya ng April. Meron po kaming isang episode po, parang Japanese superstars po ang role namin.”

Ano ang expectations nila para sa grupo sa 2014?

“Sana po yung grupo namin mas makilala pa po and at the same time magampanan po namin yung tungkulin namin bilang ambassadors po ng Red Cross. Masarap pong tumulong sa mga kababayan natin,” ani Jang.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN