Glaiza de Castro produces her own music album



Marami nang indie films na nagawa ang young actress na si Glaiza de Castro pero ngayon pa lang siya nagkaroon ng indie film na siya talaga ang pangunahing bida, ang Cattleya: An OFW Story. Gumaganap siya rito bilang si Lea na isang Overseas Filipino Worker.

“Biktima kami rito ng drug mule. Kaya naman ako nagtrabaho abroad, nag-domestic helper para mapabuti yung kalagayan ng pamilya ko," sabi ni Glaiza tungkol sa kanyang role.

Dagdag niya,“Sina Lea hindi naman sila ganoon kahirap. Kaya lang nung naging biktima sila ng bagyong Ondoy, parang lahat ng meron sila, nawala."

"So they have to start from scratch. Naging OFW siya sa tulong ng karakter ni Jonalyn Viray.

"Siya yung tumulong sa akin para makapagtrabaho sa ibang bansa. Tapos na-meet niya rin si Chedeng, which is Tess Bomb, nung nasa airport sila papuntang Hong Kong.

"Siya yung naging kasama ko sa trabaho hanggang sa hindi namin alam naging drug courier na pala kami.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment writers si Glaiza sa Galura Talent Center.

Ayon pa kay Glaiza, ang istorya ng Cattleya ay nangyayari sa totoong buhay.
“Actually galing po talaga ito sa real story, e.

"Siyempre, di ba, marami tayong nababalitaan na ganoon, e? True story talaga.

"Nagkaroon ng interest yung mga producers namin na mga doctors na magkaroon ng ganitong klase ng pelikula para maging aware ang mga tao na mayroong talagang ganitong nangyayari.

“Mayroong part sa pelikula na ipinapakita kung paanong nabibiktima yung mga OFW natin sa abroad na nagagamit pala sila para maging isang drug courier.

"Kaya sa pelikulang ito, mabibigyan ng babala ang mga OFWs na maiwasan nila na maging biktima sila ng drug mule.”

Hindi lang sa Pilipinas nag-shoot ng Cattleya sina Glaiza kundi maging sa Hong Kong.

“Four days po kami sa Hong Kong tapos yung ibang mga eksena namin dito na sa atin kinunan.”

Nung nasa Hong Kong si Glaiza marami siyang nakausap na kapwa niya Pinoy ang nagsabi sa kaniya na mahirap din ang magtrabaho at kumita sa ibang bansa.

“Na-realize ko na hindi ganoon kadali ang pinagdaraanan ng mga Pilipino natin abroad.

"May thinking kasi tayo na kapag nasa ibang bansa maginhawa yung buhay, madali.

"Pero sa totoo lang mahirap din yung ginagawa nila roon, yung trabaho nila, bukod pa sa malayo sila sa pamilya nila.

"Ang daming nagsasabi na gusto ko na talagang umuwi kung may choice lang kami.”



UPCOMING ALBUM. Samantala, balik-recording si Glaiza. May ginagawa siyang album ngayon na siya mismo ang producer at lahat ng kantang kasama rito ay mula sa sarili niyang komposisyon.

Ayon kay Glaiza, mahirap pala ang maging isang producer.

“Ganoon pala talaga kapag ikaw yung producer, ikaw lang yung nag-aasikaso talaga, ikaw lang yung kumakausap sa recording studio, ikaw ang nagbabayad, so medyo mahirap siya.

“May mga times na sabi ko baka puwede tayong humingi ng tulong sa recording label. So nakipag-meet kami sa iba.

"Siyempre hindi ko naman ini-expect na magustuhan nila agad yung songs sa album ko. Hindi pala ganoon, 'no? Kumbaga, kahit artista ka na, mayroon pa rin pala talaga silang hinahanap na kailangang bumenta, e, siyempre business, e, di ba?

“So ngayon nao-open yung eyes ko na, ‘A, ganoon pala talaga?” Siyempre being a producer maglalabas sila ng pera, mag-i-invest sila sa artist. They need yung balik, may profit.

“Pinagpi-pray ko siya sa sana may tumulong. Nakakatuwa na ngayon po parang may tumatawag na interesado raw sila sa album ko na gusto nilang sila ang maging distributor.

"Sana po ay matuloy.

"Hopefully this year mai-release na yung album.”

All original songs ang nakapaloob sa bagong album ni Glaiza.

Sobrang busy ngayon si Glaiza sa kaniyang career. Dalawa ang regular show niya sa GMA-7, ang musical variety show na Sunday All Stars at sitcom na Vampire ang Daddy Ko.

Bukod pa sa tinatapos niya ngayon ang pagri-record para sa latest album niya. May family business din siyang inaasikaso, ang Galura Talent Center.

Dahil dito, kaya hindi niya mabigyan ng panahon ang kanyang lovelife.
“Sa ngayon hindi ko pa masyadong iniisip yun, e.

"Ayokong isipin na dapat magkaroon na ako ng boyfriend ngayon, na dapat sa ganitong taon mag-asawa na ako.

“Hindi ko priority ang lovelife ko. Sa career at business namin ang focus ko muna sa ngayon.

"Sala ko na muna iisipin yung tungkol sa lovelife ko.”

May mga nanliligaw ba o nagpapalipad-hangin sa kaniya ngayon?

“Mayroon naman,” aniya. “Pero hindi naman taga-showbiz."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN