Jed Madela invited to give a talk for delegates of World Championships of Performing Arts


Isa na namang parangal ang tinaggap ni Jed Madela. Ito ay ang Ani ng Dangal award na nanggaling sa National Commission for Culture and Arts dahil sa mga naiambag niya sa industriya ng musika.

Para sa singer, kasisimula pa lang ng 2014 ay maganda na agad ang bungad sa kaniya ng taon lalo’t hindi nga naman biro-biro ang mga karangalan na ipinagkakalob sa kaniya hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

“Okay naman ako, so far so good. Nagsimula ang 2014 na sobrang blessed, heto nga may tinaggap ako na award, Ani ng Dangal Award from NCCA, National Commission for Culture and Arts. Inawardan nila ako ng recognition sa mga nagawa ko sa music industry.

“Well sa iba’t-ibang larangan sa industriya, sa music, sa movies, iba-iba. Ang alam ko ako, yung mga nanalo sa World Championship last 2013, singing group, yung mga choir na nanalo so iilan lang din kaming nabigyan.”


Para sa singer, ang ganitong klase ng award ay nagsisilbing inspirasyon sa kanya na ipagpatuloy ang pag-awit at maging huwaran din sa iba na gustong marating ang mga pangarap nila.

“Alam naman ng lahat na ako yung tipo na mainstream na lagi ninyong nakikita sa tv, naririnig sa radio, ako, I’m more on live performances, di ba? To be given a recognition is a big thing for me, kumpirmasyon ito na nakakaabot ang mga achievements ko sa mga people who really look at kung sino ang mga taong involved sa indsutriya ngayon. To be given an award is a confirmation for me na tama yung mga ginagawa ko saka natsa-challenge pa ako na ipagpatuloy ang mga ginagawa ko.

"Mas mag-inspire pa sa mga kabataan lalo na pursue their dreams may it be in acting, singing...in whatever they want.”

“Ito yung mga bagay na kumbaga ito yung lifeline ko. It’s not palagi kang nasa tv, palagi kang nasa radio. It’s more of when I hear people na sinasabihan ako, 'Jed, we were touched by your performance, we were touched by your music. Na-inspire ang mga anak ko dahil sa iyo.' That’s my prize.”

Bukod sa excited si Jed sa bago niyang album under Star Records, masayang binalita sa amin ng Pinoy singer na inimbitahan siyang muli para maging speaker sa mga sasali sa World Championships of Performing Arts (WCOPA).

“Ngayon, we are already planning for the next album from Star Records, sobrang excited na ako kasi iba na naman, surprise for everybody. Abangan nila soon ang next concert ko last November, ipapalabas sa Sunday's Best soon.

"We’re going around doing live performances and this coming July, I’m flying back to the World Championship again.

"Di na ako magdya-judge, I’ll be a speaker in front of all the thousand of artists na naman dun. Every year pag pakakantahin nila ako, magdya-judge and this time, ibang level na naman. Kumbaga, I’ll be talking in front of thousands of kids. Yung mga dream nila, dream ko rin dati. Na-pursue ko rin, nakamit din, you know how to get there, just share your experience.”

Nang kumustahin namin kung paano niya nag-celebrate ng Valentine’s Day, ayon kay Jed ay limang taon na siyang walang karelasyon pero naniniwala siya na darating din ang tamang tao para sa kanya.

“Nakakatawa nga kasi for the past five years siguro never na akong nakapag-celebrate ng Valentines, so nag-show ako sa Bulacan. The usual stuff, lahat ng mga girls na mga members ng family ko, pinadalhan ko ng mga roses, ng chocolates. Dun na muna kasi wala pang special someone hanggang ngayon. In time.”

Isa si Jed sa nanligaw noon kay Rachelle Ann Go kasabayan ni Christan Bautista. May mga nagsasabing bakit hindi na lang daw ligawan uli ni Jed si Rachelle?

“Kami ni Rachelle, we surpassed that phase. Sobrang close na namin na di na kailangan ang mga ganun.

“I heard also Slater [Young is courting her] pero di ko alam. I’m happy for them if ever na sila nga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN