Jonalyn Viray overwhelmed by standing ovations during her first major solo concert

Jonalyn Viray on being overwhelmed by the audience response during her #Fearless concert: “Iba yung pakiramdam ko nung mga sandaling yun, kinilabutan ako, kasi nakita ko yung mga tao na nagtayuan at nagpapalakpakan after kong kumanta. ”


Sobrang saya ni Jonalyn Viray sa tagumpay ng kanyang kauna-unahang major solo concert na pinamagatang #Fearless na ginanap sa Music Museum kagabi, February 28.

Naging panauhin niya rito sina Kuh Ledesma, Regine Velasquez, Alden Richards, Brenan Espartinez at Gerald Santos.

Kuwento ni Jonalyn sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) backstage pagkatapos ng concert, “Overwhelmed po ako! Kasi pakiramdam ko talaga nung first part kinakabahan talaga ako.

“Parang ang stiff ko pa, pero habang patagal nang patagal yung concert parang napi-feel ko na parang nawawalan ako ng boses, parang feeling ko nagkakamali na ako.

“May mga parts na parang pumipitik na yung boses ko, pero thankful ako na at least hanggang dulo na-survive ko pa rin.

“Yun lang po, sobrang nagpapasalamat ako sa lahat ng mga tumulong at sa lahat ng sumuporta, sa lahat ng bumili ng ticket, maraming-maraming salamat po.

“Hindi n'yo lang alam kung papa'no n'yo ako pinasaya, again thank you thank you very much talaga.

“Nagpapasalamat din ako sa mga sponsors na tumulong sa amin, sa mga kaibigan sa industriya na nanood.”

STANDING OVATIONS. Dalawang beses nag-standing ovation sa concert ni Jonalyn. Ang una ay nang kantahin niya ang “Moment Like This” at ang sumunod naman ay pagkatapos ng makabagbag-damdamin niyang pag-awit ng “Impossible Dream.”

Sabi niya, “Iba yung pakiramdam ko nung mga sandaling yun, kinilabutan ako, kasi nakita ko yung mga tao na nagtayuan at nagpapalakpakan after kong kumanta.

“Nung mga sandaling yun iniisip ko na lang na sana 'wag pumitik yung boses ko during those production numbers.

“Thankful ako kasi alam ko na na-appreciate nila yung ginawa po namin, yung pinaghirapan namin.”

Kinabahan ba si Jonalyn dahil nandoon sina Regine Velasquez at Kuh Ledesma?

Patuloy pa niya, “Siguro isang factor yun, kasi first big concert ko, tapos yung special guest ko mga icons sa music industry.

“Bukod sa halu-halo na siguro yung nasa isip ko, andun yung kaba na ito yung kauna-unahang big concert ko in my nine years sa industry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi yung mga concerts ko dati maliliit lang, kaya nga after the concert parang nakahinga na ako, ngayon ko naramdaman yung pagod.

“At least tapos na, nakaraos na ako at maganda yung feedback nung mga taong nakapanood.

BIGGER VENUE NEXT TIME? Anong masasabi niya sa naging pahayag ni Regine Velasquez na dapat daw, ang next concert ni Jonalyn ay gawin na sa mas malaking venue tulad ng Araneta Coliseum o Mall of Asia Arena para mapanood ito ng mas maraming tao at ma-share niya sa mas marami ang talent niya sa pagkanta?

Ayon kay Jonalyn, “Hindi ko po ini-expect na sasabihin yun ni Ate Regs. Siyempre, coming from her na ganun yung mga sinabi niya, parang mas na-inspire ako lalo na mas pagbutihan pa yung trabaho.

“Mas galingan pa po, sa lahat ng mga gagawin ko, siya talaga yung tinitingala at inspirasyon ko talaga si Ate.”

Pangarap din ba ni Jonalyn na makapag-concert sa Araneta Coliseum o MOA Arena?

Mabilis niyang sagot, “Ay siyempre naman po! Lahat naman yata ng singer yun ang pangarap, ang makatungtong at makapag-perform sa Araneta at MOA Arena.

“Sana po, sana in time makapag-perform din ako sa ganun kalaking venue.

“Hindi naman po ako nagmamadali. In God's time kung kailan niya ibibigay sa akin yung wish na yun.

“Siyempre, kailangan din nating mag-work hard para ma-achieve natin yun.

“Basta ako magwi-wait lang, step by step, alam kong darating din at matutupad ang wish ko.

“Pero sa ngayon magtatrabaho lang ako nang maayos para matupad ang mga pangarap ko.”

CONCERT REPERTOIRE. Tinanong din namin si Jonalyn kung personal choice ba niya ang mga awiting kasama sa kanyang concert repertoire.

“Yes! Karamihan dun paborito ko, pero siyempre may input din doon ang mga production people, kasi they also know yung malalakas na songs, yung matitinding kanta para dito sa #Fearless concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya nga #Fearless ang title ng concert ko, kailangan nila makakita ng mga fearless performances at mga fearless type of songs.

“Lahat ng mga kinanta ko ngayon gusto ko talaga, from opening to closing,” pahayag pa niya.

Meron na bang silang plano para sa susunod niyang concert?

“Sana! Ang wish ko kasi ma-tour namin itong #Fearless dito sa Pilipinas at kahit sa abroad.

“Sana if ever na matutuloy yung tour, free yung schedules nina Ate Regs, Miss Kuh at yung ibang mga naging guest ko.

“Mas maganda kasi kung same cast. Hopefully matuloy sana,” panalangin niya.

ALBUM THIS YEAR? May nakatakda rin ba siyang album release para sa taong ito?

Pakli niya, “May plano, pero hindi ko pa masisigurado kung mapu-push through namin this year, kasi magiging busy kami if ever na matutuloy yung concert tour.

“Pero if ever na magkakaroon ako, gusto ko puro original songs para magkaroon ako ulit ng hit songs.”

Kung sakaling matuloy ito, mapi-feature ba rito ang sarili niyang mga compositions?

“Gusto ko po talaga, actually matagal ko na ring binabalak na mag-compose ng sarili kong songs.

“Tina-try ko po siya, pero hindi ko kasi natatapos, siguro nahihiya lang ako ilabas.

“Parang may takot na pag nilabas ko yung song na yun, sabihin ng iba pangit. Hahaha!

“Pero sabi po nila 'di ba, dun ka matututo sa pagkakamali, if hindi nila nagustuhan yung ginawa mong kanta at least nag-try ako. E, 'di gawa na lang ulit ng ibang kanta na magugustuhan na nila. Hahaha!

“Pero honestly speaking natatakot talaga ako, pero tingnan natin. Sana one day magkalakas ako ng loob na tapusin yung composition ko,” dagdag pa ni Jonalyn.

ACTING. Matapos niyang gumanap sa indie film na Cattleya: An OFW Story, handa na ba siyang magkaroon ulit ng teleserye?

“Yes, opo! Kung magkakaroon ng opportunity at pagkakatiwalaan ako ulit ng GMA na umarte sa mga soap, why not?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siyempre ipa-prioritize ko pa rin yung singing, kasi dun naman talaga ako nagsimula at nakilala at ito talaga yung first love ko ang umawit,” pagtatapos ni Jonalyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN