Fil-Am composer Robert Lopez wins Best Song Oscar race; joins Audrey Hepburn, Whoopi Goldberg and other EGOT winners

Fil-Am composer Robert Lopez collaborated with his wife Kristen Anderson-Lopez (both in photo) for the hit song "Let It Go" from the Disney movie Frozen. This triumph allows Robert to join the ranks of EGOT winners such as Audrey Hepburn and Whoopi Goldberg who have also won an Emmy, a Grammy, an Oscar, and a Tony Award.


Ang “Let It Go” ang nanalo bilang Best Original Song sa 86th Academy Awards na ginanap last Sunday (Monday morning in Manila) sa Los Angeles, California.


Ang kantang mula sa soundtrack ng hit Disney movie na Frozen ay nilikha ng Fil-American composer na si Robert Lopez at ng kanyang misis na si Kristen Anderson-Lopez.

Natalo ng “Let it Go” sa naturang category ang “Happy” ni Pharrell Williams mula sa Despicable Me 2; “The Moon Song” by Karen Orzolek and Spike Jonze mula sa pelikulang Her; “Ordinary Love” by U2 hango sa Mandela: Long Walk To Freedom; at ang “Alone, Yet Not Alone” by Bruce Broughton and Dennis Spiegel mula sa pelikulang Alone Yet Not Alone.


(To view complete list of winners in the 86th Academy Awards, CLICK HERE)


Marami ang natuwa sa acceptance speech ng mag-asawang Robert at Kristen dahil sa kakaibang style na kanilang ginawa.


Ani Kristen, "To all our fellow nominees, you are all rock stars. We have so many people to thank. Luckily, everybody's names rhyme."


Sa ginawa nilang roll call, magkakatugma nga ang mga pangalan ng kanilang pinasalamatan at kumanta pa ang dalawa ng: "Happy Oscars to you / Let’s do Frozen 2."


Naging seryoso naman si Kristen nang magbigay siya ng mensahe para sa kanilang dalawang anak na babae: "Last but not least, our girls, Katie and Annie, this song is inspired by our love for you in the hope that you never let fear and shame keep you from celebrating the unique people that you are. Thank you, we love you.”

Ang Tony Award-winning actress na si Idina Menzel ang mismong mag-perform ng “Let It Go” sa Oscar Awards.

Si Idina ang umawit ng “Let It Go” sa soundtrack ng Frozen samantalang si Demi Lovato naman ang nag-record para sa commercial release nito.



EGOT CLUB MEMBER. Si Robert Lopez ay isang Emmy, Grammy at Tony Award-winning songwriter ng mga musicals na Avenue Q at The Book of Mormon.


Dahil sa pagkapanalo niya ng Oscar statuette, siya ang ika-12th na tao sa buong mundo na pumasok sa EGOT Club. Ito ay kinabibilangan ng mga tao na nakakamit na ng four major entertainment awards: Emmy, Grammy, Oscar at Tony. Ang mga napalanunan ni Robert ay ang sumusunod:


E: Best Music Direction and Composition, The Wonder Pets, 2008 (Daytime Emmy)
G: Best Musical Theater Album – The Book of Mormon, 2012 (Grammys)
O: Best Original Song – “Let It Go” from Frozen, 2014 (Oscars)
T: Best Original Score – Avenue Q, 2004 (Tony Award)


Bukod sa Fil-Am composer, ang iba pang kasama sa EGOT Club ay sina Richard Rodgers, Helen Hayes, Rita Moreno, John Gielgud, Audrey Hepburn, Marvin Hamlisch, Jonathan Tunick, Mel Brooks, Mike Nichols, Whoopi Goldberg, at Scott Rudin.


Sa edad niyang 39 years old, si Robert ang tinuturing na pinakabatang miyembro ng EGOT Circle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinanganak si Robert noong February 23, 1975 sa Greenwich Village sa Manhattan, New York. Ang kanyang ama ay half-Filipino pero ang kanyang lolo ay purong Pinoy samantalang ang kanyang lola ay Filipino-Scottish-American.

Sa edad na 7 ay nakapagsulat na siya ng kanyang unang komposisyon.

Nakapag-aral siya sa Yale University kunsaan siya nakatanggap ng Bachelor’s Arts degree in English.

Noong 1999, nilikha ni Robert ang musical na Avenue Q kasama ang kanyang kaibigang songwriter na si Jeff Marx.

Nagsimula ang Avenue Q bilang isang Off-Broadway musical hanggang sa ma-penetrate nila ang Broadway at nagbukas sila sa John Golden Theatre in 2004. Nakapagpanalo ito sa para sa kanila ng Best Musical at Best Musical Score sa Tony Awards. Noong 2007, na-nominate naman sa Grammy Awards ang cast album ng Avenue Q na bumenta ng mahigit 150,000 copies.

Nagtrabaho rin si Robert bilang songwriter para sa US TV series na Scrubs, The Simpsons, South Park at Phineas & Ferb.

Nakilala naman ni Robert ang kanyang misis na si Kristen Anderson noong 1998. Kinasal sila noong 2003 at meron silang dalawang anak na babae na nagboses para sa mga batang characters na Elsa at Anna sa Frozen.

Nag-collaborate silang mag-asawa sa mga kanta para sa Winnie the Pooh noong 2011 at sa musical version ng Finding Nemo para sa Disney’s Animal Kingdom.

GLOBAL HIT. Naging instant hit sa U.S. music charts ang “Let It Go” noong i-release ang Frozen soundtrack noong October 2013.

Mabilis na umakyat ito sa U.S. Billboard Hot 100 at U.S. Billboard Adult Contemporary charts. Hit din ito sa mga bansang Korea, United Kingdom, Australia, Germany, France, Sweden, South Africa, Belgium, at dito rin sa Pilipinas.

Ang Frozen ang best-selling soundtrack album ngayon sa South Korea. Ang hit single na “Let It Go” ay nakapagtala na ng 1,046,780 copies sold as of February 14, 2014.

Ang pelikulang Frozen naman ay isinalin na sa 42 foreign languages and dialects worldwide.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sa kasikatan nito'y naglabasan na ang iba’t ibang bersyon nito na mapapanood sa YouTube. Na-feature sa U.S. program na Inside Edition ni Deborah Norville ang pagiging popular ng Disney hit sa mga kabataan pati na rin sa mga matatanda. Ipinakita sa show ang pag-awit sa “Let It Go” sa iba’t ibang paraan—may a capella, acoustic at may live choir version pa nito na inawit sa Good Morning America.

May ilang videos din sa YouTube kung saan inaawit ang “Let It Go” sa iba't ibang lengguwahe.

Nanalo na rin ang “Let it Go” bilang Best Song sa 19th Critic’s Choice Awards, Phoenix Film Critics Society, Denver Film Critics Society, at Broadcast Film Critics Association.

Nakakuha naman ito ng nomination mula sa 71st Golden Globe Awards at 18th Satellite Awards.

DISNEY-INSPIRED. Ang “Let it Go” ang unang awiting isinulat ng mag-asawang Robert at Kristen para sa isang pelikula at kumuha raw sila ng inspiration mula sa mga Disney films na The Little Mermaid at Beauty and the Beast.

Kinuwento ni Robert sa kanyang interview sa website na Hit Fix Music: “When we wrote 'Let It Go,' we already had Idina in mind, she was such a great Elsa.

“And then when Disney came back and said, ‘We want to do a different version,’ and this time it was with Demi Lovato.

“We got to work with another producer, tailor a different version, change the bridge. But we love both versions.”


Sinabi naman ng misis niyang si Kristen na masaya siyang makakuha ng nomination dahil bibihira lang daw ang mga babaeng composers at writers na makakuha ng recognition sa music nila.

“First, I’m just thrilled and grateful to be here and to have a nomination.

“Statistically there’s something going on there [in the nominations]. Fifty percent of people graduating from these writing schools are women, and they are less and less represented as time goes on.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I feel like I have been inspired and learned so much from the amazing female writers that I have in my life.

“They’re a wonderful group of women that I’m hoping will be a part of changing the playing field,” pahayag ni Kristen.

RAVE REVIEWS. Labis ding ikinatutuwa nina Robert at Kristen ang lubos ng kasikatan “Let It Go.” Lalo raw nakilala ang kanilang awitin dahil sa magagandang reviews ng music critics.

Ayon nga kay Marc Snetiker ng Entertaiment Weekly: “Let It Go is an incredible anthem of liberation!”

Mula naman kay Joe Dziemianowicz ng The New York Daily News: “A stirring tribute to girl power and the need to ‘let go’ of fear and shame!”

At mula naman sa The Rochester City Newspaper: “Performed with belty gusto by Idina Menzel, it’s got every element needed to be a lasting favorite... Menzel should be credited for providing as much power and passion to this performance as she did in her most famous role!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN