Richard Poon will join charity concert of Token Lizares on March 22 at Teatrino, Greenhills


Magkakaroon ng isang charity concert titled My Token of Love ang tinaguriang Charity Diva na si Token Lizares. Gaganapin ito sa March 22 sa ganap na ika-7:30 ng gabi sa Teatrino, Greenhills.

Ang mga panauhin sa naturang concert ay kinabibilangan nina German “Kuya Germs” Moreno, Michael Pangilinan, Prima Diva Billy, Niza Limjap, A.J. Tamisa, Le Chazz at Richard Poon, sa direksyon ni Butch Miraflor. Front act sa show ang manunulat na si Alex Datu.

Tinaguriang “Charity Diva” si Token dahil karamihan sa mga kinikita ng kanyang concerts dito sa Pilipinas ay ibinibigay niya sa iba’t-ibang foundation at may humigit-kumulang sa isang dosena na ang mga charitable institutions na ang natutulungan ni Token.

Ayon kay Token, bumabawi na lamang siya sa kita sa mga concerts niya abroad dahil nga ang kinikita sa mga concerts niya dito sa Pilipinas ay for charity.

Ilan sa mga bansang napuntahan na niya para mag-perform ay ang Singapore, Japan, Malaysia at Amerika.

Ilan sa mga beneficiaries ng mga concerts niya ay ang St. Vincent’s Home for the Aged (Bacolod), Home Family Home Bacolod Foundation, Bantay Bata 163 (Negros), Philippine General Hospital Children’s Surgical Ward (Manila), Bacolod Breast Care Foundation, Lingkod ER (Emergency Room) Foundation (Bacolod), at marami pang iba.

Ang paboritong singer ni Token ay si Dulce.

“At kaibigan kong matalik yun,” sinabi ni Token ng makausap ng PEP.ph sa kanyang presscon sa Music 21 noong February 26.

Bukod kay Dulce, may iba pa raw siyang hinahangaang mga mang-aawit.

“Like kagaya ngayon sila Kuh Ledesma, si Regine Velasquez, si Zsa Zsa Padilla, si Sarah Geronimo, marami actually. Mga idolo ko sila.”

Kung pagbibigyan naman siya na matupad ang isang dream guest, sino ang pipiliin niya na maging guest at maka-duet sa isang concert?

“Dream concert, si Regine,” ang mabilis na sagot ng singer/composer.

Hindi pa raw niya nami-meet si Regine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko siya ma-meet.”

At dahil marami ng natulungan si Token sa pamamagitan ng pagkakawang-gawa, may isang hindi makakalimutan si Token.

“Actually lahat ng charity shows ko hindi ko makakalimutan gawa ng lahat ng iyan ay itinulong ko sa buhay ng ibang tao.

“Pero yung isang charity show na hindi ko makakalimutan yung tinulungan ko yung babaeng nasunog.

“Kasi usually foundation ang tinutulungan ko, pero ito kahit individual tumutulong ako. Pag hindi na talaga kayang magpa-opera.

“Binuhusan siya ng gasolina at sinilaban ng kandila!

“Na-deform ang buong mukha niya! Kailangan pa ng isa pang operasyon.”

Hindi raw kilala ni Token ang naturang biktima, nabasa lamang niya ang balita sa pahayagan ang tungkol sa nangyari dito.

“Nung makita ko siya sa news, ika-third operation niya, wala ng pera, wala ng, kasi ang first at second operation maraming nagbigay pero yung pangatlo, wala na.

“Hindi siya makapagtrabaho kasi deformed nga ang mukha niya so I had a show for her. Sa awa ng Diyos naoperahan siya tapos nakapagpatayo pa ng maliit na bahay.

“Kasi yung mayor ng bayan nila nagbigay ng lote so ang ending ng story niya ang ganda.”

Taga-Hinobaan sa Negros Occidental ang naturang biktima.

“Tinulungan ko lang kasi kawawa, so naging okay na ang buhay niya at naging okay na rin ang mukha niya. Nakakapagtrabaho na siya ulit para sa mga anak niya.”

Kung isasapelikula ang buhay niya, ang gusto niyang gumanap ay either si Dulce o si Kuh, o di kaya ay si Cherie Gil na kaibigan rin daw niya.

“Kaibigan ko siya dati, ewan ko kung maaalala pa niya ako but una siyang naging friend ko sa showbiz long, long time ago.”

Si Token ang nag-compose ng kantang “Bakit May Ulap Ang Landas” ni Eva Eugenio at “What Makes Me Love You” ni Pops Fernandez.

Nakapag-release na siya ng dalawang albums, ang Ikaw Lamang Sinta at ang inspirational album na A Token Of Love.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging nominado na rin siya noon sa Aliw Awards bilang Best New Female Artist.

May payo si Token sa mga baguhang singers: “Always remain humble, kahit ano pa ang abutin nilang tagumpay at kung may dapat tulungan, tumulong tayo at ang talent natin, kung talagang alam natin na kawawa, ibigay natin ng libre,” pagtatapos pang sinabi ni Token.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN