Ely Buendia excited to share the stage with Bamboo in first "silent concert" this May

Ayon sa rock icon na si Ely Buendia, mas naa-appreciate natin ang mga pinapakinggan nating musika kapag gumagamit tayo ng mga de-kalidad na equipment. Sa May 8, 2014 gagawin ang first "silent concert" sa Rockwell Tent. Magpeperform sina Ely Buendia at Bamboo sa isang fiberglass stage at ang mga concertgoers ay gagamit ng mga headphones upang marinig ang mga kanta.


Aminado si Ely Buendia na dumaranas ng pagsubok ang music industry sa ngayon.

Kaya naman, masaya ang rock icon na naging bahagi siya ng Music Deserves Respect campaign ng Sony Philippines.

Kuwento niya sa media at fans, “Tulad ng sabi ko, natutuwa ako at napasama ako rito sa campaign na ‘to and malapit sa puso ng mga musikero.

“Yung campaign nila na Music Deserves Respect, ay para sa amin, parang matagal nang naghihikahos ang music industry. At hindi lang yung mga successful or established artist kundi pati ang mga kakasimula pa lang.

“Alam naman natin na may problema nga tayo sa piracy yung mga ganun, sa tingin ko it’s a big step towards going back to giving… pagbigay ng halaga… value sa musika lalong lalo na ang OPM [Original Pilipino Music] kung rerespetuhin natin ‘to bilang isang sining… art na kailangan ngang bigyan ng value.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media si Ely sa launching ng mga bagong headphone lines ng Sony na tinawag nilang Music Deserves Respect sa Sony Center, Festival Mall, Alabang last Saturday, March 1.

SILENT CONCERT. Para daw lalo nating ma-appreciate ang ganda ng tunog ng mga musikang Pinoy, hinihikayat ni Ely ang lahat na gumamit ng mga matitibay na gamit kapag kaya ng bulsa.

Kuwento pa niya, “One way of doing this nga is appreciating it… na may tamang paraan sa pag-appreciate ng music. Which is to… as much as possible kung kaya niyo, get the best possible equipment kahit na nga headphones.

“Kasi alam naman natin na lahat tayo ay mahilig makinig ng music kahit saan. Guys, hindi ko ‘to sinasabi dahil endorser ako, naniniwala talaga ko dito, nagkataon lang na ako ang isa sa naisip ng Sony to promote this kind of belief in music.”

Bukod kay Ely, kinuha rin ng kumpanya ang mang-aawit na si Bamboo bilang endorser. Dahil sa layuning ito, magkakaroon ng kauna-unahang “silent concert” sina Ely at Bamboo sa darating na Mayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maituturing daw itong historic event dahil ito ang unang pangyayari sa bansa na magku-konsiyerto ang mga singers ng nasa loob ng isang fiberglass stage. Ang mga concertgoers ay gagamit ng mga headphones upang mapakinggan ang mga awitin nina Ely at Bamboo.

Saad ni Ely, “The first ever silent concert, which will be on May 8, 2014 at the Rockwell Tent. ‘Yan ang huwag dapat niyang palampasin dahil once in a lifetime event ito.

“It’s a first ever na susubukan namin na tumugtog na walang tunog. Pero maririnig niyo naman dahil gagamit kayo ng headphones. This will be a very special undertaking show with Bamboo.”

FROM SINGING TO DIRECTING. Bago pa man ang kanilang konsiyerto, excited na rin si Ely na finally ay maipapalabas na ang indie film trilogy na Bang Bang Alley kung saan isa siya sa tatlong director.

Aniya, “Bang Bang Alley premiere, coming April 9, 2014. mapapanuod na natin to sa lahat ng sinehan, sa buong bansa.”

Ilan sa mga bida rito ay si Megan Young, Bela Padilla at Joel Torre.


Ang Bang Bang Alley ay isang crime drama anthology na binubuo ng tatlong episodes. Ang episode titled "Pusakal" ay idinirek at isinulat ni Ely. Tungkol ito sa isang ate na dahil sa epekto ng droga ay nagawang mapatay ang lalaking bumugbog sa kanyang kapatid.


(Read: Ely Buendia directs Megan Young and other stars for crime drama anthology film Bang Bang Alley)



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN