President Benigno Aquino III vows all-out support for Pinoy Music Summit 2014's advocacies

President Benigno Aquino III on the relevance of music to the lives of Filipino people: Bahagi na po ng kulturang Pilipino ang musika at pagkanta. Mula sa paghehele-hele ng Nanay habang kinakanta ang 'Sa Ugoy ng Duyan,' sa pagpapalaki ng mga supling sa awiting 'Anak,' hanggang sa pagpasok sa eskwelahan habang pinakikinggan ang 'Estudyante Blues'; mula sa tagumpay ng EDSA sa sandaling itinatanghal ang 'Bayan Ko,' hanggang sa pagpanaw ng minamahal kung saan ipinapatugtog ang kantang 'Hind


“Mag-iba man ang mga kasangkapan o paraan ng pakikinig sa tugtugin—mula plaka, casette tape, CD, DVD, hanggang sa online media—hindi kukupas ang pagmamahal ng Pilipino sa musika.”

Ito ang pahayag ni Presidente Benigno “Noynoy” Aquino III na siyang guest of honor sa ginanap na kauna-unahang Pinoy Music Summit ngayong araw, March 19, sa Land Bank Building, Malate, Manila.

Todo-suporta ang pangulo sa layunin mga organisasyong bumubuo ng local music industry na mas paigtingin ang pagtangkilik ng sa musikang Pilipino.

Nabanggit niya ang importansiya ng digital media bilang isa sa mga subok na paraan upang mas madaling ma-access ang OPM songs ng consumers, lalo na ng mga kabataan.

“So sa madaling salita ho, ‘yong mga nag-e-experience ng growth ngayon ay ‘yong mga nakinig kung ano ba ang hinahanap ng merkado nila—hindi pinahirapan, hindi pinadamot ang produkto nila na gustong ibenta naman,” saad ni PNoy.

Nauuso na rin daw ngayon ang vinyl revival o pagbebenta ng plaka dito sa Pilipinas, na ayon kay PNoy ay isa sa mga senyales na may patuloy ang kagustuhan ng sambayanan na tulungan ang OPM industry.

Sabi pa niya, “Hangga’t may kababayan tayong lumilikha ng awiting may himig, laman, at ritmong tugma sa kaisipan, kultura at damdaming Pilipino;

“Hangga’t may mga kompanya at organisasyong naniniwala at handang mamuhunan sa talentong Pilipino;

“Hangga’t nariyan ang sambayanan, nakikinig at tumatangkilik sa sarili nating musika, at buo ang suporta sa buong industriya;

“Kumpiyansa po tayong hindi tayo mauubusan ng mga komposisyong kukurot, kikiliti, magpapakilig, magpapaindak, o magpapaalab, hindi lamang sa damdaming Pilipino, kundi maging sa buong mundo.”

EXISTING POLICIES. Ayon pa kay PNoy, ilan sa mga polisiya na sinusuportahan ng gobyerno upang bigyang proteksiyon ang OPM ay ang Executive Order 255 noong 1987 na pinirmahan ng kanyang ina na si former President Corazon Aquino.

Layunin nitong ipalaganap ang sarili nating musika sa pamamagitan ng pagpapatugtog sa radyo ng hindi bababa sa apat na kantang Pilipino kada oras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit din ni PNoy ang anti-piracy campaign ng Optical Media Board, na mula 2011 hanggang 2013 ay nakakumpiska ng mahigit 9,001,000 pirated optical media products na nagkakahalaga ng mahigit P3 billion.

“Sa pakikipagtulungan din po ng OMB sa PNP at BOC, umabot na sa 2,705 na establisimyento na nagtitinda ng piniratang produkto ang nainspeksyon at nagkaroon ng clearing operations.

“Batid naman natin: Marami pang balakid ang kailangang pagtulungang lampasan upang tuluyan nating mapaarangkada ang industriya ng lokal na musika,” dagdag na pahayag ni PNoy.

PRO-FILIPINO MUSIC BILLS. Sa kabilang banda, inihayag ni Senator Teofisto Guingona III, isa sa mga resource speakers ng Pinoy Summit 2014, ang ilan sa mga batas na isinusulong ng mga mambabatas ngayon.

Una na rito ang Senate Bill 2143 o Local Music Industry Act, na layuning magkaroon ng tax exemptions at subsidies para sa local music industry. Inihain ito ni Senator Grace Poe sa Senado noong nakaraang buwan.

Pangalawa ang Senate Bill 1856 o OPM Radio Airplay Act of 2014, na layuning i-require ang radio stations na magpatutog ng hindi bababa sa tatlong OPM compositions kada oras. Inihain ito ni Senator JV Ejercito bandang katapusan ng taong 2013.

Pangatlo ang Senate Bill 1707 o Music Industry Development Act of 2014, na layuning itatag ang "Musical Industry Development Council."

Ang pagkakaroon ng naturang organisasyon ang magbibigay-daan upang mas matutukan ng mga stakeholders kung ano ang direksiyon ng local music industry. Inihain ito ni Senator Lito Lapid noong September 2013.

Pang-apat ang proposed bill ni Senator Jinggoy Estrada, na layuning magtatag ng National Music Committee imbis na Commission. Iminungkahi rin ni Senator Estrada na kailangang maningil ng karagdagang buwis para sa foreign music recordings sa bansa.

Panglima ang Senate Bill 1170 o Local Music Industry Incentives Act, na layuning magkaroon ng tax exemptions at subsidies sa local music industry. Ito ay sa pamamagitan ng pag-amenda sa ilang bahagi ng Local Government Code.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Halos katulad umano ito ng nilalaman ng Senate Bill 940, na naunang iminungkahing batas ni Senator Bong Revilla.

Dagdag na pahayag ni Senator Guingona kaugnay ng patuloy na suporta ng Senado sa industriya ng musikang Pinoy:

"The initiatives are going through the legislative mill process. I must admit it could be a long-drawn and tedious process. There are reasons for that.

"Among them is the goal of ensuring that the final outcome of the process is a law that responds to and represents your true aspirations.

"Personally, I make a commitment to speed up the process on your behalf.

"Once any of those bills reach the floor and a vote is called, I shall raise my hand to vote for a resounding “yes”—as long as I know that the version up for voting represents your true aspirations."

BOOST OF CONFIDENCE. Samantala, ipinaliwanag ni Ryan Cayabyab, Executive Director ng PHILPOP Foundation, kung ano ang kalahagahan ng pagpupulong ng iba't ibang organisasyon sa local music industry sa pamamagitan ng Pinoy Music Summit 2014.

"Kasi ang importante, the industry has to come together first and show the government that we are one and we have a goal.

"Kasi kung hindi namin ipapakita sa kanila yun at parang watak-watak kami, paano tayo bibigyan ng tulong?

"At the same time, they will study possible aspects in the industry that the laws can assist," saad ni Cayabyab sa hiwalay na panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment media.

Bilang isa sa mga resource speakers ng Pinoy Summit 2014, tinalakay ni Cayabyab ang tungkol sa kasalukuyang estado ng music industry sa bansa.

Malaki umano ang ibinagsak ng recording industry. Mula sa total industry CD sales na nagkakalaga ng P2.7 billion noong taong 1999 ay bumaba ito sa P699 million noong 2010.

"That represents a 75% drop in revenues for recording companies in 10 years," dagdag ng master composer/musician.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We need to gain more confidence kasi parang lahat kami bumagsak yung pakiramdam. Maraming natanggalan ng trabaho sa industry dahil sa nabanggit.

"So we're here to look for the missing link, paano kami gagawa ng business model?

"Paano namin maibabalik yung from artist going into the consumer. Paano makuha ulit yung pagtangkilik nila sa OPM?"

Bukod sa mga impormasyong ibinigay ng key resource speakers, isa sa maituturing na highlights sa ginanap na Pinoy Summit 2014 ay ang focus group discussions.

Dito ay tinalakay ng iba't ibang convenors kung ano ang mahahalagang hakbang na maaari nilang isagawa upang tangkilikin ng sambayanan ang OPM.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN