Gerald Santos wants to be paired with Maja Salvador

Gerald Santos on his concert titled It's Time: "Ready na akong magpakita ng katawan ko sa concert ko."




Nakakaintriga ang lumabas na poster ng singer na si Gerald Santos para sa kanyang major concert titled Gerald Santos…It's Time! Gagawin ito sa SM City North Edsa Skydome sa June 28. Sa poster ng naturang concert, naka topless si Gerald at kitang-kita ang kanyang mga abs.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Gerald nang maging guest siya kamakailan sa radio program ni Kuya Germs Moreno sa DZBB 594.

Ani Gerald, “Marami nga ang nagtatanong sa akin kung bakit daw naka topless na ako sa poster nung major concert ko.

“May mga natutuwa pero meron din naman siyempre na hindi, pero sa akin kasi parang katulad na lang sa title ng Concert ko na It's Time, siguro time na para magpa sexy ako ng konti, konti lang naman hindi naman yung todo todo na.

“Hindi na naman ako bumabata, kaya siguro naman puwede na akong magpa sexy, katulad ng aabangan nila sa concert ko.

“Dapat na malaman ng mga tao na inside and out nagmamature na ako.

"Saka It's Time [ang title] kasi kakaiba talagang Gerald ang mapapanood nila sa concert kong ito.

“Iba kasi mas matured na Gerald pagdating sa isusuot ko sa concert at sa pagpili ng kanta.

“Tapos yung sinasabi ko ring maturity ay yung ready na akong magpakita ng katawan ko sa concert ko.

“Kaya nga katulad ng sinabi ko kung mapapansin n'yo yung poster ng concert ko kita na yung katawan ko, yun yung isang bago sa akin.

“Para malaman din ng lahat na hindi na ako yung dating Gerald na bata pa. Gusto ko makita nila yung other side ko na kahit hindi ako ganun katangkaran. Hahaha! Puwede din nila sabihing sexy pala si Gerald at maganda pala ang katawan ni Gerald bukod sa magaling kumanta.

“Siguro this time tapos na ako sa sinasabi nilang pa-tweetums, kumbaga ngayon iba na, kaya dapat nilang abangan nila yung concert ko.

“Kumba ready na ako sa pagpapaka daring. Hahaha!

"Hindi na bata at hindi na rin teenagers, grown up at medyo mature na Gerald na ang mapapanood nila.

“Mas maganda na sigurong itawag sa akin after ng concert ko na hunk/balladeer. Hahaha!

“Basta magugulat siya kasi kung ano ang nakikita nila sa poster ng concert ko, mas grabe pa dun ang makikita nila at pasabog talaga na sana magustuhan ng mga manonood.

“Yung mga daring na production number ko, yun yung isa sa sinasabi kong pasabog, merong pang pakiliti ng manonood, merong pang kilig lang at meron namang mapapasayaw at ma-i-in love sa mga songs na inihanda ko.

Natanong din ito ng PEP kung ilang months ang ginugol niya para gumanda ang kanyang katawan.

“Para dun sa pictorial ng poster ko siguro mga six months, pero ngayon direcho pa rin ako sa pagpapaganda ng katawan para pagdating ng concert ko magandang-maganda na yung katawan ko.

“Gusto ko kasi ma-achieve yung magandang katawan para naman mapanindigan ko yung pagpapa sexy ko.

“Ayoko naman kasing mag announce na magpapaka-daring na ako pero sa mismong araw ng concert ko di maganda ang hubog ng katawan ko.

“Alam ko naman na yun yung isa sa magiging selling point ng concert ko kasi yun yung iba sa gagawin ko, yun yung aaabangan ng ibang manonood ng show ko.

“Pero abangan din nila yung mga line up ng songs ko na lahat kasi magaganda.

“Saka ngayon kasi yung mga nagpapaka-daring lang kasi yung mga artists lang. Ito iba, singer para medyo maiba din.

“Ito rin siguro yung point na seseryosohin ako, kasi kung titingnan nga ako parang bata pa rin, kaya nga sa pagpapaka-daring ko makikita nila na hindi na ako bata na mature na pala ako as a singer at performer.


WILL HE GO DARING IN A MOVIE? Kung sa concert stage, willing siya na maging daring, sa pelikula ba ay willing rin siya na maging daring?

“Depende siguro sa script, director at makakasama ko, kasi first time kong gagawin na magpapaka-daring sa pelikula so kailangan sure ako sa lahat ng bagay.

“Kailangan maganda yung script, magaling yung director, kailangan mahusay yung mga makakasama ko, para maganda yung kalabasan ng pelikulang gagawin ko.

“Kung pang award naman yung pelikula at maipapalabas sa international [film fests], why not? I'm willing to take the risk.

“Kumbaga kung may isang maselang eksena sa pelikula na kailangan naman talagang gawin sa ikagaganda ng movie, bakit di ko gagawin?

“Dapat lang siguro ipaliwanag sa akin kung bakit dapat kong gawin, mahirap kasi na gagawin mo lang tapos di mo alam kung bakit kailangan mong gawin.

Hanggang saan ang kaya niyang ipakita, if ever?

“Siguro dahil baguhan ako, kaya ko na mag topless, naka skimpy shorts o mas daring pa dun let see pag nandun na ako.

“Mahirap kasi magsabi kung hanggang saan ang kaya ko mag daring kasi iba pag nandun ka na. Tingnan na lang natin pag nandun na. Abangan na lang nila.

“Pero if ever na papapiliin ako ng makakasama sa mga daring scene gusto ko si Maja Salvador, maganda kasi siya at magaling umarte bukod sa type ko talaga siya. Hahaha!"



ON BEING A FREELANCER. Si Gerald ang naging grand champion ng GMA-7's reality singing competition na Pinoy Pop Superstar.

Pumirma siya ng one-year non-exclusive contract sa TV5 ngunit natapos na rin ito.

“Katatapos lang ng contract ko sa TV5, kaya ngayon freelancer pa ako.

"Kung saang TV network siguro ang mag-offer ng trabaho sa akin dun ako.

“Sa akin naman kasi kahit saang network ako mapunta as long as may trabaho okey na sa akin yun.

“Ang maganda nga ngayon nakakalibot ako sa iba't ibang TV networks kaya ini-enjoy muna namin yung ganito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN